Chapter 5;

771 40 0
                                    


Nag pakawala nalang ulit ako ng isang buntong hininga bago ko hinanap yong doorbell nila, nung makita ko ito ay walang pag-alinlangan ko itong pinindot. Makalipas ang dalawang pindot ko ay may lumabas mula sa bahay ang isang matandang katulong na sa tansiya ko ay ito ang mayor duma nila. Agad naman nitong binuksan ang gate. Saka ito tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Kaya naman labis nalang ang aking pagka-ilang dahil sa ginawa niya. Nawala lang ang aking pagka-ilang ng bigla itong ngumiti ng malawak sa akin, kaya naman ginantihan ko nalamang ito ng pilit na ngiti dahil hindi padin ako kumportable, at siyaka nahihiya din ako. Bigla naman itong nag-salita.

"Ikaw ba si Samantha?"

"Opo ako nga po. Samantha Flores po." Sabay abot ko ng aking kanang kamay, agad din naman niya itong tinanggap.

"Ako nga pala si Manang Telma. Ako ang mayor duma ng mga Lopez." Halika pasok ka, kanina kapa hinihintay nina Mrs. Lopez.

Kaya namam sumunod na ako sa kanya iginala ko naman ang paningin ko sa labas ng bahay ng mga Lopez hindi padin nawawala ang aking pagka-mangha dahil sa lawak nito. May limang sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay at tiyak akong puro mga milyonis ang halaga ng mga ito. Meron ding napakalaking swimming pool sa gilid at sa tapat nito ay ang nag-gagandahang hardin ng mga Lopez na pinalilibutan ng ibat-ibang klaseng halaman na hindi mo makikita dito sa pilipinas. Natigil lang ako sa pag-linga linga ng buksan ni Manang Telma ang main door ng mansyon. Kaya naman sumunod na din ako papasok, kung anong ganda ng labas ay doble naman ang ganda sa loob halos mamahalin ang klase ng mga gamit at hindi basta-basta sadyang pinasadya pa talaga ito sa ibang bansa. Hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala na nakatapak ako sa ganitong klaseng bahay makapunta na ako sa ibat-ibang bahay pero di-kahoy naman. Kaya naman ngayon parang panaginip lang ang lahat nawala lang ako sa aking pag-iisip ng mag-salita si manang Telma.

"Maupo kana muna diyan iha, pababa nadin yon sina Mrs. Lopez doon muna ako sa kusina at ng makapaghanda ako ng panghapunan."

"Sige po, salamat po." Agad niya naman akong tinalikuran kaya naman umupo na nga ako at nag patuloy sa pag-lilibot ng aking paningin sa kabuuan ng mansyon. Natigil lang ako ng biglang may yapak akong naririnig na pababa ng hagdan kaya naman agad akong tumingin sa may hagdan at nakita ko na nga na pababa na sina Mrs. Lopez sa tingin ko ay nasa mid's 40 na sila at kahit na ganon makikita padin ang taglay nilang ganda nung mga kabataan pa sila. Kaya naman agad akong tumayo at binati sila.

"Magandang hapon po sir." Ako po pala si Samantha Flores ang bagong katulong ni Sir Mark.

Hmm.." So ikaw pala si Samantha ang bagong kapalit ni Gina, right?"

"Opo ma'am ako nga po." Sabay ngiti ko sa kanya, gumanti naman din siya sa akin ng ngiti.

"Nice to meet you Sam, by the way I am Celine and this is my husband Marcos." sabay turo Kay Sir Marcos na nasa tabi lang niya.

"Nice to meet you din po Ma'am, Sir."

"So maiwan kana namin iha, may kaylangan pa kasi kaming tapusin na business ng Sir Marcos mo. Ang magiging boss mo naman na si Mark bukas payon makakauwi galing Japan kaya bukas na mag-sisimula ang trabaho mo mag pahatid kana lamang kay Manang Telma sa magiging room mo ok."

"Sige po ma'am salamat po ulit." Sabay alis nila pareho.

Pagka-alis nina Mrs. Lopez ay pinuntahan ko na nga si Manang Telma doon sa kusina hindi naman ako nahirapan sa pag punta ng kusina kasi tiningnan ko siya kanina kung saan siya dumaan. Naabutan ko na nga si Aleng Telma na tinutulungan ang ibang kasambahay sa pag-luluto kaya agad ko naman siyang nilapitan.

"Aleng Telma pwede na po ba akong tumulong sa inyo dito sa kusina?"

"Naku iha, wag na siyaka hindi muna trabaho ito ang trabaho mo lang e pag-silbihan si Mark."

"Hindi po kasi ako sanay na walang ginagawa manang."

"Ok lang yan umupo ka nalang diyan wag kang mag-alala makakapag trabaho kana bukas kasi bukas na dadating si Mark galing Japan."

"Nasabi na nga din po sa akin yan ni Ma'am Celine. Manang Telma bakit nga po pala nasa Japan si Sir Mark?"

"May pina-asikaso lamang si Sir Marcos kay Mark doon sa Japan alam mo na nag-iisang anak kaya sinasanay ni Sir Marcos si Mark sa pamamahala ng kanilang negosyo."

"Ganoon po ba?"

"Oo kaya bumalik ka nalang doon sa sala malapit na din naman itong matapos." Wala na akong magawa kahit mag pumilit pa akong tumulong ay hindi naman pumayag si Aleng Telma dahil hindi ko naman daw iyon trabaho kaya bumalik nalang ako sa sala gaya nga rin ng sabi niya. Ilang minuto din akong nag hintay at natapos na nga sila Aleng Telma sa pag-luluto sabay-sabay nadin kaming kumain ni Aleng Telma pati na din yong ibang katulong kasi hindi pa naman nakakauwi sina Mrs. Lopez galing sa trabaho. Pagkatapos naming kumain inutus na lamang ni Aleng Telma sa ibang katulong ang pag-aayos sa kinainan namin dahil ihahatid niya pa ako sa aking magiging kwarto kaya naman hinatid na nga ako ni Aleng Telma at nalaman ko din na sa katabing kwarto pala ni Sir Mark ang magiging kwarto ko para daw kung may kaylangan si Sir sa akin ay hindi na siya mahirapan nasa baba kasi ang mga kwarto ng ibang katulong at nalaman ko din na iisang kwarto lang pala sila kasama na doon si Aleng Telma kaya naman napaka swerte ko pa din dahil sulo ko lang ang magiging kwarto ko.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now