Chapter 27;

518 19 7
                                    

Manang Telma P. O. V

Naaawa ako kay Samantha, sa mga tingin niya kina Eline at Mark. Nakikita ko sa mga mata niya ang labis na sakit. Kaya naman nasasaktan at nahihirapan din ako para sa kanya, dahil tinuring ko na siyang anak.

Kaya sinabihan ko siya na huwag mahulog kay Mark. Sa totoo lang boto naman talaga ako para sa kanilang dalawa ni Mark, dahil alam kong si Samantha na ang babaeng para kay Mark. Dahil si Samantha lang naman ang nakapagpabago sa kanya, naging masiyahin na siya at dahil iyon sa kanya.
Pero nagbago lang ang lahat ng marinig ko ang pinagusapan ni Eline at Celine.

FLASHBACK

Nasa sala ako habang naglilinis wala si Samantha dahil ipinagpaalam na siya sa akin ni Mark na pupunta daw sila ng mall. Kahit hindi sabihin nilang dalawa sa akin ang kanilang relasyon alam kong may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Sa kalagitnaan ng aking paglilinis ay may nag door bell sa may pinto. Bubuksan ko na sana ito pero biglang sumulpot si Celine sa likuran ko.

"Ako na po ang magbubukas Manang Telma" ang sabi niya sa akin.

Pagbukas niya ng pinto ay nagulat pa ako ng si Eline pala ito, ang dating kasintahan ni Mark. Mga ilang taon na din kasi ang lumipas simula ng makapunta siya dito. Mga taon kong kaylan sila ay magkasintahan pa ni Mark. Kaya naman laking pagtataka ko kung bakit siya nagbalik. Kinutoban na kaagad ako na may hindi magandang mangyayari.

Pagkakita sa akin ni Eline ay agad siyang lumapit at niyakap ako. Kaya niyakap ko na rin siya pa balik. Naging malapit na din kasi ako sa kanya simula nung naging sila pa ni Mark.

Siya na ang kusang bumitaw sa yakapan naming dalawa. "Sige po Manang Telma, mamaya nalang po tayo magusap may paguusapan pa kasi kami ni Tita"

"Sige hija" ang nasabi ko nalang sa kanya. Pero nung tumalikod naman siya ay bigla naman siya napaharap sa akin. Inilibot niya pa muna ang kanyang paningin.

"By the way Manang, where's Mark"

"Umalis lang hija, babalik din yon"

"I see, with her maid!" hindi ko naman narinig ang huling sinabi niya dahil halos pabulong lang ito. Kaya naman napatanong ako sa kanya.

"Ano'yon hija?"

"Ah.. wala po pakidalhan nalang kami ng snack sa office ni Tita Celine and by the way Manang please don't tell Mark that I'm here, coz I want him to be surprise. If it's okay to you Manang?"

"Sige" yon nalang ang nasabi ko sa kanya, bago niya ako tinalikuran at umakyat na nga siya sa ikalawang palapag dahil ang doon ang opisina ni Celine.

Inutos ko nalang sa ibang katulong ang gawain ko dito sa sala at nagpunta na kaagad ako sa opisina para ihanda ang makakain nila.

Ilang minuto lang naman ang lumipas at natapos na din ako sa aking paghahanda. Kaya naman napag-desisyonan ko na ihatid na ito sa itaas. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ng biglang marinig ko ang pinagusapan nila Celine at Eline.

"Tita, look nakita ko sina Mark at yong maid niya kanina sa mall, you know what i didn't expect na papatol si Mark sa ganyang klaseng babae"

"What did you say? Nakita mo si Mark with Samantha?"

"Yes, tita I saw there earlier, here's the proof" sabay pakita nito sa litrato na kinuhanan niya kina Mark at Samantha sa mall.

"OMG.. How desperate of that girl to get Mark to you!"

"Tita please I want Mark to be with me again. I don't know what happened to me if I didn't bring him back"

"Don't worry hija, I will do anything just you and Mark will be together, okay?"

"Thanks Tita" sabay yakap nito kay Celine.

Halos mawalan naman ako ng balanse at muntik ko pang mabitawan ang dala-dala kong tray na nag lalaman ng ibat-ibang pagkain na dapat sanay ihahatid ko dito sa loob. Kaya naman napag-desisyonan ko nalang na umalis doon dahil hindi ko talaga maatim at maisip na mayroon pala silang ganoong pag-uugali.

END OF FLASHBACK

Hindi talaga ako makapaniwala na may ganoong ugali pala si Celine. Sa tinagal-tagal kong nanilbihan dito, ay naging mabait naman siya sa akin. At hindi siya nagpapakita ng masamang ugali kaya panatag ang loob ko na hindi siya kagaya ng ibang mayayaman na kung umasta ay nagiging matapobre na.

Tunay ngang sa ipinapakitang kabutihan sa'yo nang tao ay nangdoon pa rin talaga sa kaloob-looban nito ang pagiging masama.

Naisip ko tuloy si Samantha alam kung gusto nila pareho ang isat-isa. Pero bakit ganon sa ipinakita ni Mark kahapon ay para bang niloloko at pinag-lalaruan niya lang ang damdamin ni Samantha.

Naguguluhan na tuloy ako sa kanya, dahil simula pagka-bata ay ako na ang nag-alaga sa kanya kaya hindi ko lubos maisip na magagawa niya iyon kay Samantha. At nasaksihan ko din kung paano siya tumitig at ngumiti kay Samantha na para bang ito ang mundo niya at nagbibigay liwanag sa kanya. Kaya litong-lito talaga ako sa mga nangyayari.

Kaya naisipan kong sabihin kay Samantha na huwag siyang tuluyang mahulog kay Mark. Dahil hindi pa ako sigurado kong totoo ba ang ipinapakitang pagmamahal ni Mark sa kanya.

*************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now