Chapter 17;

613 23 1
                                    

Nangdito ako sa may swimming pool, inutusan ako ni Manang Telma na linisin muna ito dahil meron pa daw siyang gagawin yong ibang katulong naman ay inutusan niyang mamalengke. Habang nag-lilinis ako nagulat nalang ako ng biglang may kumalabit sa balikat ko. Pagtingin ko sa aking likuran ay si Mark pala tawa naman siya ng tawa na may pahawak sa tiyan pa, dahil sa naging reaction ko. Natigil lamang siya sa pag-tawa ng binigyan ko siya ng masamang tingin. Ipinag-patuloy ko nalamang ang aking pag-lilinis. Hindi ko nalamang siya pinansin.

"Hey, sorry na hindi ko naman alam na magugulatin ka pala" sabay kamot sa batok nito.

"Okay lang basta wag mona ulit uulitin" sabay tingin ko sa kanya at saka ko din siya binigyan ng isang ngiti.

"Okay, promise hindi kona ulit uulitin" sabay lahad nito ng kanang kamay, na para bang nanunumpa.

"Bakit nga pala ikaw ang naglilinis niyan? Hindi mona man yan trabaho diba?" may pag-tataka sa tono nito.

"Oo, hindi ko nga to trabaho pero wala ka pa namang iniutus sa akin. Kaya tinulungan ko mona sila, kisa naman wala akong gagawin at tutunganga lang ako" sabay balik ko ulit sa pag-kuha ng mga damo na naka-kalat dito sa swimming pool. Natigil lang ako ng bigla niyang hawakan ang wrist ko at kinaladkad niya ako papuntang garahe.

"Tika nga saan mo ba ako dadalhin?" sabay bawi ko sa aking kamay na hawak-hawak niya pa din hanggang ngayon.

"Isasama kita sa kumpanya, hayaan mona lang yong gawain mo, ipaubaya mo nalang yon sa kanila. Ako naman ang boss mo diba? Kaya ako pa rin ang masusunod" ngumiti naman siya sa akin. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. At don ko lang napansin na naka corporate attire pala siya hindi ko lang napansin kanina kasi busy ako sa pag-lilinis ng pool.

"Okay, pero mag-bibihis mona ako"

"Sige, hihintayin nalang kita dito" sabay turo sa loob ng kaniyang sasakyan. Tumango nalang ako sa kanya, at pumunta na nga ako sa loob ng bahay para mag-bihis.

Ilang minuto lang ang lumipas at tapos na din ako. Gaya lang din ng dati ang suot ko ngayon, naka jeans, at naka-malaking T-shirt lang ako. Pumunta na nga ako sa kanya at na datnan ko siya sa loob ng kaniyang sasakyan na nag sa-soundtrip, binuksan ko naman ang pinto ng kanyang sasakyan. Pagkatapos ay pina-andar na niya ang manibela pagka-pasok ko sa loob.

Nangdito na nga kami sa loob ng kanilang kumpanya, at sa kasamaang palad nakita kona naman ang maarte, niyang secretary na kung maka-tingin sa akin ay para bang kakainin niya ako ng buhay.

Gaya ng dati ay may meeting na naman sila, ang dito na ako sa loob ng kaniyang opisina dahil nakapag-paalam naman ako sa kanya kanina, at salamat naman sa diyos at pumayag siya na dumito muna ako. Dahil sa wala akong magawa ay humiga nalang ako sa sopa. Pipikit na sana ako dahil inaantok narin ako ng biglang bumukas ang pinto. Akala ko si Mark pero, ang maarteng secretary lang pala niya ang pumasok kaya imbes na tumayo ay nagpa-tuloy nalang ulit ako sa pag-higa, ng bigla ko siyang marining na mag-salita.

"Aba-aba ang instant alalay ni Sir Mark ay nag-papahinga, ano nalang kaya ang masasabi niya kung ang pinapasahod niya ay nakahilata lang pala na para bang siya pa ang amo!" naka halukip-kip pa ito sa harapan ko. Hindi kona man siya pinansin at pumikit nalang ulit ako. Nang bigla niyang hinila ang buhok ko kaya napatayo ako, at napadaing na rin dahil sa sakit.

"Alam mo ikaw, pwede bang layoan mona si Sir Mark, look at you para kang basura na dikit ng dikit sa kanya. Ito ang tandaan mo kung may balak ka mang agawin sa akin si Sir, hinding-hindi ka mag-tatagumpay dahil sisiguraduhin kong mapapa-saakin siya" sabay diin sa buhok ko, na ngayon ay hawak-hawak pa din niya. Natawa naman ako dahil sa mga pinag-sasabi niya.

"At bakit ka tumatawa? Huh!" may halong pag-tataka sa mukha nito.

"Napaka disperada mo naman talaga ano, una hindi ko pwedeng layuan si Sir Mark dahil personal maid niya ako, pangalawa hindi ko siya aagawin dahil kahit kaylan ay hindi naman talaga siya naging-sayo" sabay tingin ko ng matalim sa kaniya.

"Abat, sumasagot ka pa talaga ah!" nagulat nalang ako ng bigla niya akong sinampal. Nagulat din naman siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nga dito si Sir Mark. Nang makita niya akong sinampal ng kaniyang secretary ay agad niya naman akong nilapitan at inilagay niya ako sa kaniyang likuran. Ngayon ay kaharap na niya ang kaniyang secretary, sinamaan niya naman ito ng tingin, habang ang kaniyang secretary ay nangi-nginig na sa takot, at hindi na makatingin ng diretso sa kanya.

"Bakit mo siya sinampal?" malamig pa sa yelong pag-kakasabi nito. Hindi naman siya sinagot nito, kaya napapikit nalang siya at napa kuyom ng kaniyang kamao.

"Inuulit ko, bakit mo siya sinampal?" hindi pa din ito sumagot.

"So, ayaw mo talaga akong sagotin? Your fired!" kaya naman napatingin na ng diretso sa kaniya ang kanyang secretary.

"P-po? P-pero S-sir—" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin, ng biglang sumigaw si Mark na umalingaw-ngaw sa boong opisina niya.

"I SAID YOUR FIRED! GET OUT! I don't wanna see your face anymore" napa-iyak naman yong secretary niya, habang ako ay nagulat sa kaniyang pag-sigaw. Tinignan pa mona niya ako, bago umalis at padabog na isinara ang pinto. Agad namang ibinaling ni Mark ang kaniyang paningin sa akin, yong kaninang galit na galit na mukha ay napalitan ng pag-aalala. Pinaupo niya naman ako sa sopa saka siya kumuha ng yelo at ginamot ang namumula kong pisnge dahil sa malakas na sampal na aking na tamo.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now