Chapter 21;

587 28 10
                                    

Nang dito ako sa may sala nitong bahay dahil tinulungan ko si Manang Telma kanina na mag-palit ng kurtina, ako nalang ang mag-isang nag papalit dito dahil pumunta pa muna si Manang Telma sa kusina para mag hand naman ng umagahan. Si Sir Mark naman ang sabi ni Manang Telma ay maaga daw itong umalis kanina. Sa totoo lang matagal na din kaming hindi na kakapag usap ni Sir Mark simula nong iniwasan ko siya dahil sa kahihiyan at katangahan na nagawa ko sa kanya. Natigil lang ako sa pag-iisip nang biglang may marinig ako sa may swimming area na parang may tumalon.

Kaya naman dali-dali akong lumabas dahil akala ko ay magnanakaw ito na nadulas kaya nahulog sa swimming pool. Pero ganon nalang ang gulat ko nang hindi pala ito magnanakaw kondi isang dating demonyo na nahulog sa lupa na ngayon ay nabagok ang ulo at natauhan kaya naging isang mabait na anghel walang iba kundi si Sir Mark.

Napa lunok pa ako nang ilang bises habang naka tingin sa kanya habang lumalangoy, mabuti nalang at nang dito ako sa may halaman na nasa gilid lang din nitong pool kaya hindi niya ako masyadong nakikita na tumitingin sa kanya. Hanggang sa umahon na nga ito sa pool. At ganon nalang ang pang-lalaki ng aking mata ng makita kong naka topless lang pala siya, kaya naman napa lunok na naman ako nang ilang bises. Nang masilayan ko ang nag gagandahan niyang pandesal. Pumapatak pa ang tubig nito na galing sa kanyang buhok pa punta sa kanyang anim na pandesal. Na kulang nalang ay kape para maging perfect combination na.

Na sabunutan ko nalang ang aking sarili dahil sa mga pinag-iisip ko. Napa pikit pa ako nang ilang bises sabay sabing.

"Samantha naman! Wag mo nga siyang pag nasaan, yang utak mo talaga ang lantod" Pero natigil lang din ako nang biglang may mag-salita sa likuran ko.

"At sinong pinag-nasaan huh?" dahil sa gulat at pagka-bigla walang ano-anoy bigla nalang lumabas ang katagang galing sa aking bibig na.

"Ay, pandesal ni Sir Mark" napatakip nalang ako sa aking bibig habang nang lalaki ang matang naka tingin sa kanya. Habang siya naman ay tawa lang nang tawa na para bang ito na ang huling buhay niya, kaya inilabas nalang niya lahat ang tawa niya. Hindi pa din siya maawat sa pag-tawa kaya naman ako na ang kusang bumasag nito.

"Oy, Sir ang diyan pala kayo, akala ko po ba ay maaga kayong umalis" kaya naman sa wakas ay natigil na din siya sa pag-tawa, inayos niya pa muna ang kanyang sarili bago sumagot sa akin.

"Yeah, kanina but hindi naman ako nag tagal may kinuha lang ako sa office" pero yong magandang pakiramdam ko kanina dahil nalusotan ko siya ay na wala na naman dahil bigla na naman siyang tumawa, siguro na babaliw na to si Sir. Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko nang basta-basta nalang lumabas sa bibig ko ang katagang.

"Na babaliw ka na ba Sir?" pero imbes na sagutin ako ay, mas lalo na naman siyang natawa. "Luh, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Bakit siya tawa nang tawa diyan?" Natigil lang siya sa pag-tawa ng makita niya akong naka kunot ang noong naka tingin sa kanya. Umayos naman siya ng tayo, sa ka ako hinarap pero nang don pa din ang pag-pipigil nito nang tawa.

"Sorry, natatawa lang talaga ako sayo kanina"

"Po? Bakit naman po?" may pag tatakang tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba, hindi kita nahuling nakatingin sa akin kanina habang lumalangoy ako doon sa pool. Habang ikaw naman ay naka tago sa halaman na to!" rabay turo sa halaman na nasa likuran ko. Kaya naman agad akong siniklaban ng takot at hiya, dahil nalaman pala niya na nagtatago lang ako dito.

"Sabihin mo nga sa akin!" naka pamiwang pa ito sa harapan ko, habang naka balandara pa ang anim nitong pandesal. Basang-basa pa ang buhok nito, kaya naman may kaunting pumapatak na tubig mula dito. Habang ang kanyang tuwalya naman ay nakasabit sa kanan niyang balikat.

"A-ano p-pong s-sasabihin k-ko?" kanda utal-utal na tanong ko sa kanya dahil na rin sa matinding kaba, dumagdag pa dito ang presensiya niya na pang modelo. Kaya naman parang nag hahabolan at nag ka-karirahan na ang puso ko dahil sa kaba.

"Pinag papantasyahan mo ba ako?" agad naman na nang laki ang aking mata dahil sa sinabi nito.

"P-po? Ako po? Pinag-papantasyahan ka?" sabay turo sa sarili ko. "Hindi ko po kayo pinag-papantasyahan, ito nga po nag didilig nga po ako dito oh!" sabay turo sa halaman na nasa likuran ko lang.

"Talaga lang huh?" paninigurado pa nito sa akin.

"Oo nga po Sir!"

"Eh saan naman ang pang-dilig mo diyan?" at doon ko lang naalala na, bakit pag-didilig pa ang dinahilan ko. Patay kana talaga Samantha! Buking ka na naman! Napapikit nalang ako nang mariin saka nag pakawala ng isang buntong hininga sa ka ko siya muling hinarap.

" Ah, hehe.. Ang sabi ko nga po napadaan lang ako" sabay peace sign ko sa kanya. "Sige po Sir mauna na po, ako bye" saka na ako tumalikod sa kanya, at sabay sabing "Baka ma pares ko pa yang pandesal mo sa kapeng ti-timplahin ko"

"Anong sabi mo?" kaya naman nagulat ako dahil narinig niya pala ang sinabi ko. Siguro may special power tong si Sir dahil halos pabulong lang naman yong sinabi ko pero narinig niya pa rin.

"W-wala p-po Sir, ang sabi ko po mag ti-timpla na ako nang kape para mainitan naman kayo, tapos I-pares mo na din sa pande— ah, esti ang ibig kong sabihin I-pares mo na din sa masarap na ulam na lulutuin ni Manang Telma. Sige Sir bye" saka na ako dali-daling tumakbo papasok ng mansyon.

Pero ang hindi alam ni Samantha ay napa iling-iling na lamang si Mark sa kanya, saka ito nag pipigil na mapa ngiti, dahil sa mga kalokohan nito.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now