Chapter 14;

644 26 2
                                    

Nangdito ako sa labas habang nagpapa-hangin, maayos na ang aking pakiramdam at nawala nadin ang aking lagnat simula nong nakainom ako nang gamot kanina. Alas kwatro nadin ng hapon ngayon. Si Sir Mark ay hindi padin nakauwi galing kumpanya, habang sina Manang Telma at yong ibang mga katulong naman ay abala sa kusina. Tutulong pa sana ako kaso hindi pumayag si Manang, mag pahinga lang daw muna ako. Kaya ito ako ngayon nasa may garden nitong bahay. Tinitignan ko ang mga nag-gagandahang mga bulaklak na narito hanggang sa mapukaw ang atensiyon ko sa isang bulaklak na pinaka paborito ko sa lahat ang rosas. Agad ko naman itong nilapitan hindi ko namalayan na napatitig na pala ako nang matagal sa bulaklak na yon. Hanggang sa may nag-salita mula sa likuran ko.

"Baka matunaw yan" kaya agad akong napalingon sa likuran ko. Bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko nang mapagtanto ko na si Sir Mark pala ang nag-salita. Nakangiti din ito sa akin, na ngayon ko lang nakita. Kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kanyang ngiti na nagpa-dagdag sa kaniyang kagwapohan.

"S-sir M-mark?" nauutal pa ako, dahil hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari. Kagabi lang ay nag-kasagutan kami tapos ngayon ay naging mabait na siya sa akin, na para bang walang nangyaring sagutan kagabi. Sa totoo nga lang ay hindi pa ako handang humarap sa kanya dahil wala naman talaga akong karapatang gawin yon, dahil isa lang naman akong katulong baka iyon pa ang maging dahilan para matanggal ako sa trabaho.

"Samantha I'm sorry, for what happend last night" seryosong sabi nito sabay tingin ng diretso sa mga mata ko.

"Wala po kayong dapat e hingi ng tawad Sir, ako nga po dapat ang mag sorry dahil sa ginawa ko kagabi. Wala po akong karapatang gawin yon dahil isa lang naman akong katulong. Kaya wag kang mag-alala Sir hindi kona po yon uulitin, hahayaan kona po kayo. Lulugar na po ako itatatak kona po sa isip kona katulong lang ako at kayo yong amo kaya wala akong karapatang pakialaman pa ang buhay mo" serysoso ko ding sabi sa kaniya. Nagulat pa ako dahi nakatitig lang pala siya sa akin habang nag-sasalita ako, hindi kona pansin dahil nakayuko lang ako habang nag-sasalita kanina dahil sa kahihiyan at kaba. Umiwas din siya ng tingin ng makita niya akong nakatingin na din sa kaniya.

Tumikhim pa muna siya bago mag-salita. "You know what, I need to say this, thank you Samantha" sabay ngiti ulit nito. Natulala na naman ako dahil sa pangalawang bises ay nakita ko na naman siyang ngumiti, hindi na siya yong cold na boss na nakilala ko.

"Para saan naman po yong thank you, Sir?" sabay ngiti ko din sa kaniya. Na may pagtataka dahil nag papasalamat siya sa akin.

"Thank you for everything, dahil sayo natauhan ako. Tama ka nga kung may galit man ako sa kaniya dapat hindi kona idinadamay yong mga taong wala namang kasalanan sa akin. Even my parents kahit kaylan ay hindi sila nag kulang sa akin, kaya hindi tamang binabastos ko sila. Para ngang isang sampal sa akin yong mga salitang binitawan mo. Kaya thank you talaga, dahil pina-realize mo sa akin na dapat na akong mag move forward, hindi na dapat ako makulong sa nakaraan. Na kahit kaylan ay hindi naman mag-babago" may lungkot sa tono ng pananalita nito.

"Wala po yon Sir, masaya po ako at natauhan na kayo" tumango nalang ito.

"By the way paano mo pala nalaman ang tungkol kay Eline?"

"Si Sir Zandrex po, ang nag-sabi sa akin"

"Loko talaga yong pinsan kong iyon, minsan nga napapa-isip nalang ako kung may pusong babae ba yon, dahil sa kaniyang ka-daldalan pati nga ang hindi dapat sabihin eh nasasabi na niya. Nagdududa din ako dahil may itsura naman yong lokong yon pero hanggang ngayon wala paring girlfriend" sabay nalang din kaming natawa dahil sa mga pinag-sasabi niya tungkol kay Sir Zandrex.

"Pwede ba akong humingi ng favor sayo, Samantha?" natigil naman ako sa pag-tawa saka muling nag seryoso.

"P-po a-no p-pong p-pabor?" may kaba sa tono ng pananalita ko dahil baka hindi ko kakayanin ang pabor na hihilingin niya sa akin at matanggal pa ako sa trabaho pag hindi ko magawa ang pabor na sinasabi niya sa akin. Multi na naman siyang natawa dahil halatang-halata talaga na kinakabahan ako.

"Hey, relax ok I'm not going to bite you. Gusto lang sana kitang maging kaibigan. Ok lang ba sayo?" sabay tawa ulit nito. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil yon lang naman pala ang hihilingin niyang pabor.

"Oo naman Sir yon lang naman pala akala ko mahirap na pabor ang hihilingin mo sa akin" sabay tawa ko din.

"And one more thing, kindly stop calling me Sir, just call me Mark nakakatanda din kasi yang Sir eh" sabay kamot sa batok nito. Natawa naman ako ng palihim dahil para siyang isang bata na pinipilit ang isang ina na masunod ang gusto niya.

"Sige po Sir, ay este Mark"

"Ayon, at dahil hindi maayos ang una nating pag-kikita hayaan mo akong mag-pakilala sayo ng may galang"

"Ako nga pala si Mark, Mark Lopez" sabay lahad niya ng kanang kamay.

"Ako naman po si Samantha, Samantha Flores" sabay tanggap ko sa kanang kamay niya na nakalahad sa akin, at nag shake hands kami" natawa nalang ulit kami pareho dahil sa kalokohan naming dalawa.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now