Chapter 13;

643 24 0
                                    

Kinagabihan hindi ako makatulog dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Sir Mark. Nangdito lang ako sa loob habang nakahiga at naka-tanaw sa kisame. Malapit na pala mag madaling-araw pero ito ako, kahit anong pilit ko para makatulog ay hindi padin talaga.

Kaya naman napag disesyonan ko na bumaba nalang para mag-timpla ng gatas baka sakaling makatulog ako. Pagbaba ko dumiretso na ako sa kusina, ako palang ang tao ngayon kasi natutulog pa sila. Habang nag titimpla ako bigla nalang may nag-salita na pamilyar na boses mula sa likuran ko.

"Still awake huh!" may pagka-sarcastic sa tono nito. Hindi ko nalamang siya pinansin dahil baka may bagong tensiyon na naman ang mabubuo, gaya nang nangyari sa amin kanina sa kumpanya nila. Nagpa-tuloy nalang ako sa pag-titimpla ng gatas, habang siya naman ay dumiretso sa ref para kumuha ng tubig. Nang bigla na naman siyang mag-salita.

"Siguro kaya ka gising ngayon, dahil may plano kang magnakaw no?" hindi naman ako sumagot hinayaan ko lang siyang mag-salita ng mag-salita diyan. "And maybe kaya ka pumayag na maging personal maid ko, dahil sa pera diba? Ganyan naman talaga kayong lahat, pera lang ang habol niyo sa akin. Now tell me magkano ba ang kailangan mo? Para umalis kana sa buhay ko!" kaya naman napatigil ako sa pagtimpla at napakuyom nalang ako sa aking mga kamao dahil sa mga pinag-sasabi niya. Napapikit pa muna ako at nag-pakawala ako ng isang buntong hininga dahil sa inis saka ko siya hinarap.

"Ganyan kana ba talaga ka walang respito Sir?" napatigil naman siya sa pag-inom ng tubig sabay tingin sa akin ng diretso.

"Oo, kaylangan ko ng pera hindi para sa pansarili ko lamang, kundi kaylangan ko ng pera dahil ito lang ang bumubuhay sa akin"

"So, parang inaamin mo na nga sa akin na mukha kang pera" sabay tawa nito na para bang nango-ngotya.

"Sige sabihin nalang natin na mukha nga akong pera, diba yon naman ang tingin mo sakin? Pero kahit papano pinag ta-trabahohan ko naman ang mga perang nakukuha ko sa inyo"

"Kaya nga bibigyan kita ng pera diba, para mawala kana sa buhay ko" malamig na togon nito.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko, dahil bigla nalang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Agad ko naman itong pinunasan, para hindi niya makita. Baka sabihin niya naman na nagpapa-awa lang ako sa kanya.

"Bakit ka ba ganyan Sir, ha? Hindi mo ba alam na nakakasakit kana ng damdamin ng isang tao?" Sabay tingin ko nang diretso sa kaniyang mga mata. Habang siya naman ay kampante lang na nakatayo habang naka suksok ang kaniyang mga kamay sa magka-bilang gilid ng kaniyang bulsa.

"Angdame mong sinasabi, katulong lang naman kita" sabay alis nito. Aakyat na sana siya sa itaas pero napatigil din siya ng bigla akong mag-salita.

"Si Eline parin ba?" kaya naman napa-harap siya sa akin, at tinitigan ako nang masama.

"Si Eline parin ba, ang dahilan kung bakit ka nag-kakaganyan? Alam mo Sir kung may galit kaman sa kaniya, wag mo kaming idamay, sa kaniya ka magalit. Hindi yong ganito na para bang kami pa yong may-kasalanan sa inyo. Pati nga mga magulang mo, walang alam kung bakit ka biglang nagbago. Alam mo maswerte ka nga eh, dahil may mga magulang ka pa, na maari mong masabihan sa mga problema mo. Habang ako ito nag-iisa dahil wala na akong mga magulang, dahil patay na sila. Kaya naman sana kung may-galit ka sa isang tao wag mo namang idamay lahat" sabay duro ko sa kaniya. Hindi naman maawat sa pagbagsak ang mga luha ko, dahil sa sakit, galit at poot na naramdaman ko ngayon sa kanya. Natigilan naman siya sa mga sinabi ko, kaya iniwan kona siya don sa kusina at dumiretso na agad ako sa aking kwarto. Agad ko itong ni-lock, siyaka nahiga na ako at nag talukbong ng kumot. At don ko lahat binuhos ang aking mga luha. Hanggang sa nakatulogan ko nalang.

Kinabukasan pagka-gising ko namamaga ang mga mata ko. Nilalamig din ako kahit wala namang aircon sa kwarto ko. Ang tamlay-tamlay ko din ngayon. Para bang lalagnatin ako. Kaya nagtalukbong nalang ulit ako. Ilang minuto ang lumipas ng biglang may kumatok sa pintuan nitong kwarto ko. Hanggang sa margining kona nga ang boses ni Manang Telma na tinatawag ako.

"Samantha iha, may-lakad daw kayo ni Mark ngayon pupunta daw kayo sa kumpanya" hindi kona man siya sinagot dahil ng hihina padin ako. Hanggang sa binuksan na nga ni Manang Telma ang pinto.

"Sus, maryosep anong nangyari sayo?" sabay hipo sa noo ko.

"Ang init-init mo iha, diyan ka lang kukuha lang ako nang gamot. Ako nalang din ang mag-sasabi kay Mark na hindi ka maka-kakasama dahil may sakit ka" sabay tayo at alis nito. Ilang minuto din ang lumipas at bumalik na nga si Manang Telma, may dala itong pagkain at gamot.

"Ito iha, kumain ka muna bago mo inumin yang gamot. Siyaka nga pala nasabihan ko na si Mark na hindi ka maka-kasama sa kanya. Pumayag naman siya at ang sabi niya Mag pagaling ka daw" sabay ngiti sa akin ng nakakaloko na para bang inaasar pa ako. Kaya naman napangiti nalang din ako dahil sa kalokohan ni Manang. Humiga nalang ulit ako para makabawi ng lakas. Wala naman akong ibang trabaho ngayon kundi ang samahan ko lang si Sir Mark sa kumpanya nila kung hindi lang ako nilagnat. Excuse naman daw ako ngayon sabi ni Manang Telma kanina. Siyaka mabuti nalang din at nilagnat ako dahil hindi pa ako handa na makita siya.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now