Chapter 15;

666 26 1
                                    

Nag-ayos na ako nang sarili dahil sasamahan ko ngayon si Sir, este Mark sa mall dahil may bibilhin daw siya. Alam niyo naman kung saan siya mag-punta ay kasama ako, dahil yon naman talaga ang trabaho ko ang maging alalay niya. (Mukhang gagawin pa niya akong taga bitbit kaya isinama niya ako hehehe... wag kayong maingay mga readers ah joke lang yon walang kaso sakin yon)

Nandito padin ako sa kwarto ko, habang nag-bibihis naka suot lang ako ng jeans, at malaking t-shirt na panglalaki hindi naman ako sanay sa mga maiiksing damit gaya ng sinusoot ng ibang mga babae, naka lugay lang din ang mahaba kung buhok na kahit kailan ay hindi pa nakakatikim ng salon, naka tsinelas lang din ako. Kaya madali lang talagang malaman ng mga taong makakasalubong namin mamaya na isa lang akong alalay ni Sir Mark pag pinagtabi na ako sa kanya. Tumingin pa muna ako sa salamin saka nag-lagay ng polbo, binasa kona lang din ng laway ang aking labi dahil hindi naman ako sanay mag-lagay ng lipstick at kolorete sa aking mukha hanggang sa polbo lang talaga ako. Nang makontento na ako ay agad na akong bumaba, don kona lang hihintayin si Mark sa sala dahil tiyak akong hindi pa siya tapos mag-bihis.

Pagbaba ko wala pang tao dito sa sala, kaya naupo nalang ako sa sopa. Siguro ay nasa kusina pa sila habang sina Mrs. Lopez naman ay nasa hongkong para asikasohin yong kumpanya nila doon. Limang minuto na ako nag-hihintay dito sa may sala ng matanaw kona nga si Sir Mark na pababa ng hagdan naka sumbrero ito na kulay puti na ang brand ay adidas, naka T-shirt na black din ito na may tatak sa gitna na adidas, naka blue jeans, at naka puting sapatos din ito na may tatak na adidas sa gilid. (Hindi naman halata na paborito niya talaga ang brand na adidas ano?)

Nang mapatingin siya sa akin ay agad naman siyang ngumiti. Hindi kona malayan na nakatitig na pala ako sa kanya at nakalapit na pala siya sa akin, amoy na amoy kona man ang mamahalin niyang pabango. Natigil lang ako nang bigla siyang mag-salita.

"Hey, you ok?" napalunok pa muna ako dahil parang natuyo ang laway ko sa aking lalamunan.

"O-oo a-ayos l-lang a-ako" nag kanda utal-utal pa ako. Napasabi nalang ako sa aking isipan. Umayos ka nga Samantha baka isipin niya na pinag-papantasyahan mo siya. Kaya naman ngumiti nalang ako sa kaniya para kahit papano ay hindi ako masyadong kabahan.

"So, let's go?"

"S-sige p-po" kaya nauna nalang akong lumabas sa kanya.

Wala namang ka alam-alam si Samantha na napangiti nalang pala ng palihim si Mark dahil halatang-halata siya. Sumunod nalamang si Mark sa kanya. Agad na silang nakarating sa parking lot ng sasakyan niya. Pinag-buksan naman ng pinto ni Mark si Samantha, kaya namula ang pisngi nito agad niya namang iniwas ang kanyang paningin para hindi makita ni Mark na namumula siya. Umikot naman si Mark sa harapan at agad na din siyang sumakay at pinaandar na nito ang manibela.

Makalipas ang isang oras na biyahe ay nakarating na nga kami sa mall. Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto, at sabay na kaming pumasok sa loob.

"Ano nga pala ang bibilhin mo dito?"

"Groceries, wala na kasing stock sa bahay si Manang Telma sana ang bibili kaya nag-presinta na ako na ako nalang ang bumili para naman makapag-pahinga si Manang, matanda na kasi siya kaya hindi na siya dapat magpa-pagod" napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na nakita niya pala yong pag-ngiti ko.

"Bakit ka ngumingiti?"

"Wala, natutuwa lang akong malaman na nag-bago kana nga" kaya napangiti at napatango nalang din siya.

Nangdito na kami sa may grocery store kuha lang siya ng kuha saka inilalagay sa cart na tulak-tulak niya. Nag-presinta pa ako na ako nalang sana ang mag-tutulak sa cart pero hindi siya pumayag kaya naman daw niya. Kaya ito ako naka-sunod lang sa likuran niya na parang isang bantay. Pinag-titinginan na din kami ng ibang bumibili at yong iba ay nag-bubulungan pa. Hindi nalang namin pinansin at dumeritso nalang kami sa may counter area siya pa din ang pumila habang ako ay nasa gilid lang.

Pagkatapos niya mag-bayad ay napadaan kami sa isang store ng mga stuffed toys, sakto namang may tumawag sa phone niya kaya nag tingin-tingin pa muna ako sa mga nag-gagandahang mga stuffed toys na narito. Hanggang sa napukaw ang atensiyon ko sa isang pinaka-malaking teddy bear kulay pink ito na katulad lang din ng laki ng isang tao may hugis puso din ito sa gitna at may naka sulat sa ibaba ng puso nito, I will make you happy yan ang nakalagay tiningnan ko ang price tag at umabot ito ng 10 thousand pesos. Hindi ko namalayan na nasa tabi kona pala si Mark.

"Gusto mo ba yang teddy bear na yan?"

"P-po? Oo naman po kaso ang mahal" may lungkot ng tono sa pananalita ko, sabay yuko.

"I'll buy it for you" kaya napa angat nalang ako ng tingin sa kanya.

"Pero mahal yon, wala akong ma ipang-babayad sayo"

"Nah, don't mind the money okay. Basta mapasaya lang kita masaya na din ako" sabay kuha niya sa teddy bear at tumingin sa akin ng diretso. "Samantha I will make you happy, the way you gave me happiness to my life. And I promise that you will never cry anymore" sabay bigay sa akin nung malaking teddy bear na hawak-hawak na niya ngayon. Napa ngiti naman ako at may luhang bumagsak sa mga mata ko dahil sa labis na kaligayahan.

"Kakasabi ko nga lang na wala ng luha ang babagsak sayong mga mata, tapos ngayon umiiyak kana naman" sabay kuha sa panyo niya at pinunasan niya ang mga luha ko. Tumawa nalang kaming dalawa.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now