Chapter 26;

533 19 7
                                    

Tinulungan ko na ngang maghanda si Manang Telma dahil ngayon na nga darating ang sinasabi niyang bisita. Habang si Mark naman ay hindi ko pa rin nakikita simula ng umalis siya. Makalipas ang ilang oras ay natapos na nga namin ni Manang Telma ang pagluluto kaya naman isa-isa namang hinatid ng ibang katulong ang mga pagkain doon sa dining area. Ilang ulit ko na ding tinanong si Manang Telma kong sino ba ang sinasabi niyang bisita dahil madami talaga ang mga pagkain na niluto namin, na para bang may okasyon dahil sa dami nito pero ang sinasagot niya lang sa akin ay malalaman mo rin mamaya. Hindi na lamang ako nagpumilit pa dahil ilang bises ko na siyang tinanong pero ganon pa rin ang sagot niya sa akin.

Naka hilera na nga ang lahat ng pagkain dito sa mesa. Nangdito na din si Ma'am Celine at Sir Marcos. Nag palinga-linga naman ako sa paligid pero hindi ko talaga mahanap si Mark. Nasaan na kaya yon? natanong ko nalang sa aking isipan.

Kami naman bilang katulong ay nangdito lang sa gilid, at naghihintay lang ng i-uutos nila. Katabi ko naman si Manang Telma na kampanting-kampanti lang na nakatayo. Habang ako naman ay bumalik na naman ang hindi ko maipaliwanag na kaba dahil sa sinasabi nilang bisita. Nararamdaman ko talaga na may hindi magandang mangyayari ngayong gabi.

Ilang minuto ang lumipas ng biglang may mag door bell sa labas. Nag presinta naman si Manang Telma na siya na daw ang bubukas ng pinto. Ito na siguro ang sinasabi nilang bisita.

Pagbukas ni Manang Telma sa pinto ay tumambad sa amin ang isang babae na nasa idad apatnapu pataas. Maputi ito at nagtataglay din siya ng kakaibang ganda. Nasa likod naman niya ang isang lalaki na nasa apatnapu din pataas. Malalaman mo talaga na isa silang mayayaman na pamilya dahil sa pananamit nila.

Agad naman siyang sinalubong ni Ma'am Celine tinawag niya ang babae na Erica nag biso-biso din sila. Makikita mo talaga na matagal na silang magkakilala. Habang isang tango at tipid na ngiti naman ang iginanti ng lalaki kay Ma'am Celine. Nag kamay naman sina Sir Marcos at nung lalaki. Habang pabalik na sina Ma'am Celine, at Sir Marcos, kasama ang kanilang bisita dito sa dining area narinig ko na nagsalita si Ma'am Celine.

"By the way Erica, where is Eli?" tanong ni Ma'am Celine kay Ma'am Erica.

"Outside, someone calling him over the phone kaya don't worry susunod din yon"  sabi naman ni Ma'am Erica kay Ma'am Celine. Sino si Eli? natanong ko nalang sa aking isipan.

"So take a sit, enjoy the foods" ang sabi nalang ni Sir Marcos. Naupo naman na sila kaya naman pinaglagyan na namin sila ng makakain. Pagkatapos namin silang lagyan ng pagkain ay bumalik na naman kami sa pwesto namin kanina.

Nasa kalagitnaan naman na sila ng paguusap ng biglang bumukas ang pinto. At pumasok ang napakagandang babae na anak ata nung bisita nila Ma'am Celine dahil magkahawig sila ni Ma'am Erica. Napatingin ako sa kabuuhan ng mukha niya, parang familiar siya sa akin. Don ko lang na alala na siya pala yong babaeng nakabanggaan ko sa palengke. Hindi niya naman ako napansin dahil naka focus siya kina Ma'am Celine lumapit naman siya agad dito. Sabay bati nito.

"Hi tita Celine it's nice to see you again" sabay biso nito kay Ma'am Celine. At yakap kay Sir Marcos.

"It's nice to see you too hija" ang sabi naman ni Ma'am Celine sa kanya.

Nagpalinga-linga naman si Eli sa paligid na para bang may hinahanap pero nung mapadako naman ang paningin niya sa akin ay agad ko naman siyang nginitian. Pero laking pagtataka ko na sa halip na ngumiti din siya sa akin ay inirapan niya lang ako. Ibang-iba siya sa Eli na nakilala ko sa palengke. Uupo na sana siya pero bigla namang bumukas ang pinto at tumambad nga doon si Mark. Nang makita niya ito ay agad tumakbo si Eli papalapit kay Mark. Akala ko ay iiwasan niya ang pagyakap sa kanya ni Eli pero laking gulat ko ng yumakap din siya pabalik dito. At tuluyan na ngang pumatak ang aking luha ng marinig ko na nagsalita si Mark habang yakap-yakap pa rin ang babae. I miss you Eline. Habang nakatingin sa akin ng malamig, at doon ko lang napagtanto na ang Eli na babaeng nakabanggaan ko sa palengke ay siya palang Eline na sinasabi sa akin ni Sir Zandrex dati. Na tumangging magpakasal kay Mark.

Tinignan ko naman si Mark pero yong malamig na tingin niya sa akin kanina ay, nawala at napalitan ng ligaya habang nakatingin ngayon kay Eline.

Tuluyan na ngang bumuhos ang aking luha at hindi naman nila ito napapansin dahil busy sila kakatingin sa mga nangyayari ngayon kina Eline at Mark.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na aking nararamdaman ngayon, sari-saring emosyon at galit ang nararamdaman ko ngayon kay Mark. Dahil lahat pala ng pangako at sinasabi niya sa akin ay pawang kasinungalingan lang pala ang lahat. At ako naman tong si tanga at naniwala sa mga pinagsasabi niya. Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Manang Telma ang kamay ko, hindi ko namalayan na nasa tabi ko lang pala siya.

Ngayon alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng ipinahiwatig sa akin ni Manang Telma na huwag akong mahulog kay Mark dahil hanggang ngayon pala ay si Eline parin ang tinitibok ng puso niya. Mapait naman akong napangiti dahil sa kadahilanang ginagamit niya lang pala ako para pampalipas oras niya.

Nang mapatingin naman ako sa gawi ni Ma'am Celine ay nakatingin na pala ito sa akin. Tingin na may halong pangiinis at pangungutya. Iniwas ko nalang ang aking paningin at ibinaling ko ulit kina Mark at Eline na hanggang ngayon ay labis ang ligayang nadarama dahil sa wakas ay nagkasama at nagkita na naman sila.

************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now