Chapter 25;

545 22 10
                                    

Kahit na hindi natuloy ang date namin ni Mark kahapon, nag-papasalamat pa din ako dahil ang sabi niya ay babawi lang daw siya ngayon. Kaya naman pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Hindi mapag-sidlan ang aking tuwa, dahil sa wakas ay nag-iba na si Mark, hindi na siya yong dating Mark na suplado, at palaging walang pakialam sa mundo.

Kaya kahit na alam kong bawal, susugal pa din ako para sa aming dalawa. Ipaglalaban ko din siya kagaya ng mga pangako niya sa akin.

Tapos ko na ngang ayosan ang sarili ko. Nang bigla namang bumukas ang pinto, nagulat pa ako pero si Manang Telma lang pala. Nakangiti pa ito sa akin.

"Maari ba kitang makausap Samantha?" sabi niya habang hindi pa din nawawala ang ngiti nito.

"Oo naman po, pasok po kayo" agad naman siyang pumasok at tumabi sa akin dito sa kaman.

"Hija, alam ko na ang namamagitan sa inyo ni Mark"

"P-po?" gulat kong tanong sa kanya.

"Oo, sinabi niya na sa akin, kaya wag kang mag-alala hindi ko ito ipagsasabi. Alam mo naman ang batang iyon ako na ang nagpalaki sa kanya, mula pagka bata hanggang ngayon kaya walang maitatago sa akin ang batang iyon" hinawakan niya naman ang magkabila kong kamay. "Samantha hija, alam kong simula ng dumating ka dito ay naiisip ko na  talaga na ikaw lang ang makapag-pabago sa kanya. At hindi nga ako nag-kakamali nagbago si Mark ng dahil sayo" sabay tingin at ngiti sa akin, kaya naman napangiti nalang din ako.

"Pero sana hija, wag kang tuluyang mahulog kay Mark" mababakas sa tono ng pananalita nito ang lungkot.

"P-po b-bakit n-naman po?"

"Wala hija, sige aalis na ako" akmang tatayo na si Manang pero pinigilan ko naman siya.

"Manang, ano pong ibig niyong sabihin?"

"Samantha hija kong ano man ang mangyari ang dito lang ako para sayo" ngumiti naman siya sa akin pero ang doon pa rin ang lungkot sa mukha nito. Pinigilan ko sana ulit siya, kaso nabuksan na niya ang pinto at tuluyan na nga siyang umalis. Napa-upo nalang ako at nangdoon pa din ang aking pagtataka sa mga pinagsasabi ni Manang Telma. "Bakit naman kaya, hindi ako dapat mahulog kay Mark?" na tanong ko nalang sa aking isipan.

****************
Nangdito kaming dalawa ni Mark sa kwarto niya. Dito nalang daw namin gaganapin ang date namin para walang makakita at baka malaman pa ito ni Ma'am Celine. Sabi naman niya ay dumalo daw ang mga ito sa business trip nila. Siya lang daw ang hindi sumama para makasama ako ngayong araw. Kaya naman ang mga pinag-iisip ko kanina ay tuluyan ko na ngang kinalimutan. Siguro naman ay nag-kakamali lang si Manang Telma kanina.

Nakasandal ako sa balikat niya habang nakayakap naman siya sa akin nakaupo naman kaming dalawa dito sa kama niya habang nag mo-movie marathon kami. Hindi ko naman maiwasang singhotin siya, dahil sa napaka bangong pabango niya na nanonoot talaga sa ilong ko. Pero ang kamalasan lang ay na huli niya ako. Napabitaw naman siya sa akin, kaya naman napabitaw din ako sa pagkakasandal sa kanya.

"Anong ginagawa mo" napapailing at napapatawa pa ito.

"Huh? May naamoy lang akong mabaho"

"Mabaho?" bakit mabaho ba ang kilikili ko?" sabay amoy nito sa kilikili niya. Kaya naman napatawa nalang din ako dahil para siyang tanga.

"Hindi naman mabaho kilikili ko ah!" napapoot pa ito at napasimangot. Kaya naman napa bulalas nalang ako ng tawa.

"Bwaaaahhhh..." sabay hawak ko sa tiyan ko dahil hindi pa din talaga siya matigil sa pagamoy sa kilikili niya.

"Hey, why are you laughing?" kaya naman napa-poot ulit ito.

"Hindi ka talaga matigil sa pag-tawa mo ah!" nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo at kiniliti ako kaya naman ang ending ay hindi na ako maawat sa pag-tawa.

"Hahaha... t-tama n-na hahaha..." kaya naman tumigil na siya sa pagkiliti sa akin, at tumabi nalang ulit siya.

"Sana ganito nalang tayo palagi" sabi ko sa kanya. Pero nagulat ako ng magiba ang expression ng mukha niya. Para bang bumalik na naman siya sa pagiging cold niya. Bigla ko nalang tuloy naisip ang sinabi sa akin ni Manang Telma kanina na huwag akong tuluyang mahulog kay Mark.

"Bakit may mali ba sa sinabi ko?" pero imbes na sagotin niya ako ay bigla nalang siyang tumayo.

"Wala! Sige umalis kana, mamaya nalang ulit tayo magusap pupunta pa ako sa kumpanya.

"Pero Mark—" diko na naituloy ang aking sasabihin ng bigla nalang siyang umalis at padabog na isinara ang pinto. Napasabi nalang ako sa aking sarili kong may nasabi ba akong mali sa kanya, na naging dahilan kong bakit naging ganon ang reaksiyon niya.

Nilinis ko nalang ang pinag-kainan namin, pati na rin ang kwarto niya saka ako lumabas pero nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko si Manang Telma galing pala siya sa kwarto ko pero hindi niya ako nadatnan doon.

"Manang Telma kayo po pala? Ano pong ginagawa niyo diyan?" ngumiti pa mona ito bago sumagot sa akin.

"Isasama sana kita doon sa palengke, ang sabi kasi sa akin ni Celine may bisita daw tayong darating mamayang gabi"

"Ganon po ba sige po, mag-bibihis lang po ako" papasok na sana ako sa kwarto ko pero agad niya naman akong Nahawakan sa aking balikat.

"Bakit po?" tanong ko sa kanya.

"Hija, sana alalahanin mo yong sinabi ko" para bang isa itong naging babala sa akin. Agad naman akong siniklaban ng takot at kaba. Isang tipid na ngiti nalang ang iginanti ko sa kanya. Saka na ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Hindi pa din talaga ako mapalagay, dahil na din sa inakto ni Mark kanina ay para bang may mali, parang may hindi magandang mangyayari at lalo na sa bisitang sinasabi ni Manang Telma sa akin na darating mamayang gabi. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman sila kong bakit ako nagkakaganito.

**********************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now