Chapter 16;

603 25 1
                                    

Naka higa ako ngayon habang yakap-yakap si Macky. Oo si Macky ang teddy bear na binigay sa akin kanina ni Mark. Kaya Macky ang ipinangalan ko sa kanya dahil si Mark naman talaga ang bumili nito kaya sa kanya ko ipinangalan itong teddy bear nato. Dahil wala akong magawa ay kinausap ko nalang si Macky kahit pa nag mumukha akong tanga dahil hindi naman siya sumasagot sa akin.

"Hi Macky, alam mo napakasaya ko dahil nag-bago na yong amo natin, hindi na siya yong cold at walang expression na tao. Sana mag tuloy-tuloy na yong pag-babago niya at sana tuluyan na nga niyang makalimutan ang sakit nang nakaraan niya, para naman tuluyan na talaga siyang maging masaya. Dahil alam ko naman na mabait talaga siyang tao" sabay yakap ko ulit dito.

Hanggang sa tinawag ako ni Manang Telma dahil ngayon nga daw ang dating nina Ma'am Celine at Sir Marcos galing ibang bansa. Kaya bumaba na nga ako para kahit papano ay makatulong ako sa kanila sa kusina. Ilang oras din ang lumipas at sa wakas ay natapos na nga kami sa pag-luluto dinala nalang namin isa-isa ang mga pagkain sa dining area.

Sina Ma'am Celine at Sir Marcos palang ang narito sa dining area, wala pa si Mark, marahil ay hindi pa siya gising. Kami naman ay nasa gilid lang, pagkatapos naming ihanda ang mga pagkain.

Nang biglang mag-salita si Ma'am Celine. "Manang Telma pakitawag naman po si Mark sa itaas, baka hindi pa gising ang batang yon. Para naman makasabay namin siyang kumain"

"Sige po Ma'am" aakyat na sana si Manang Telma para puntahan si Mark, pero hindi na natuloy dahil bumaba na siya.

"Good morning mom,dad" sabay lapit nito sa kanila, at humalik pa ito sa pisnge ni Ma'am Celine habang nag-mano naman ito kay Sir Marcos. Nagulat pa sila dahil sa inasal ni Mark. Pero ngumiti lang din ang mga ito dahil napapansin nga nila na mukhang nag-bago na ang kanilang anak, simula ng pumunta sila sa ibang bansa para asikasohin ang negosyo nila doon.

Umupo na nga si Mark sa katapat na upuan ni Ma'am Celine, habang si Sir Marcos naman ay nasatabi ni Ma'am Celine. Ngumiti pa muna si Mark bago bumati sa amin ni Manang Telma.

"Good morning Manang, Good morning Samantha" sabay ngiti sa akin. Kaya naman nagpa balik-balik yong tingin nila sa aming dalawa hanggang sa si Sir Marcos na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"By the way son, mukhang maganda ang gising mo ngayon ah. Ano ba ang nakain mo?" may pagka sarkastiko sa tono nito. Hinawakan naman agad ni Ma'am Celine ang kamay ni Sir Marcos na nasa hapag-kainan, at pinandilatan niya rin ito ng mata sabay sabing "Marcos!" may banta sa tinig nito dahil natatakot si Ma'am Celine na ang mga sinabi ni Sir Marcos ay maging dahilan pa kung bakit mag-bago na naman ang anak. Nasanay na naman din si Sir Marcos sa bastos at pagiging cold ng anak, kung kayat nag ta-taka lamang siya kung bakit ito biglang bumait, at umayos ang pakikitungo nito sa kanila.

Sa halip na magalit ay binigyan na lamang ni Mark ang mga ito ng isang ngiti. Ngiti na mag-papagaan sa loob ng sinuman kapag itoy kanilang nakita. Naging panatag naman ang loob ni Ma'am Celine dahil hindi naman pala nito dinibdib ang sinabi ng kaniyang asawa. Kaya si Ma'am Celine na din ang nag-paalis ng tensiyon sa pagitan ng mag-ama.

"Masaya ako anak at hindi na ikaw yong dating Mark na nakilala ko, hindi na ikaw yong cold at walang expression na anak ko. Kaya masayang-masaya talaga ako at bumalik na yong dating Mark na kilala ko, yong masayahing Mark na parang walang problema sa buhay" sabay hawak sa kamay ni Mark.

"May nakapag-sabi po kasi sa akin Mom na dapat hindi na ako makulong sa nakaraan, na dapat mag move forward na ako, at hindi ko dapat idamay yong mga taong nakapaligid sa akin na wala namang kasalanan" sabay tingin sa akin diretso sabay ngiti ulit nito, kaya naman napayuko nalang ako.

"That's great. Sino naman ang nag-sabi niyan para mapasalamatan ko?" may halong panonokso sa tono ng pananalita nito.

"Next time Mom nahihiya pa kasi siyang mag-pakilala sa inyo" sabay tingin ulit sa akin. Hindi naman nila nahala iyon dahil bigla silang nag-tawanan.

"Mom pwede bang isabay nalang natin sa pagkain yong mga maids? Madame naman tong foods hindi natin to mauubos lahat"

"Sure" sabay baling sa amin at itinuro pa nito ang bakanteng mga upuan. "Hali na kayo samahan niyo na kaming kumain dito" wala naman kaming magawa kundi sumunod sa utos ni Ma'am Celine kahit pa nahihiya na yong ibang kasamahan ko. Habang si Manang Telma naman ay wala kang mababakas na hiya sa kaniya dahil siguro ay matagal na din siyang naninilbihan dito at para na din isang pamilya ang turingan nila sa isat-isa.

Umupo na sila ako nalang ang hindi pa, wala ng ibang upuan kundi ang katabi nalang na silya ni Mark kaya umupo nalang ako sa tabi niya. Napapagitnaan namin siya ni Manang Telma.

"Kumusta naman ang trato ni Mark sa iyo Samantha? Pinapahirapan ka ba niya?" seryosong wika ni Sir Marcos. Ngayon ko lang ulit siya nakitang mag seryoso kung kayat nakaramdam ako ng kaunting kaba.

"Maayos naman po Sir Marcos, ang totoo po niyan mag kasondo na po kaming dalawa" sabay tingin ko kay Mark na nakatingin na din pala sa akin. Kaya ako na ang unang umiwas.

"Mabuti naman kung ganon" kaya nag-simula na nga kaming kumain.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now