Chapter 6;

730 39 0
                                    

Nandito na kami sa labas ng aking kwarto hindi na ako hinatid ni Manang Telma sa loob dahil may aasikasohin pa daw siya kaya naman pumasok nalang ako. Nag-pasalamat nalang din ako sa kaniya. Pag-pasok ko sa loob ay labis akong namangha dahil sa linis ng kwarto kung titignan mas malaki pa ito sa dating kwarto ko sa Cebu kaya naman inilagay ko na din ang mga gamit ko sa isang cabinet na narito. Nag pahinga nalang din ako kasi gabi na at pagod din ako sa biyahe at para na din makapag-handa ako dahil bukas na ako mag-sisimula sa aking trabaho bilang katulong ni Sir Mark. Habang nakahiga hindi ko mapigilang mag-isip kung ano ba ang itsura ni Sir Mark hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan... Maaga akong nagising para kahit papano makatulong ako kina Manang Telma alam ko namang hindi niya ako papayagan pero pipilitin ko pa din siya hindi din naman ako sanay na walang ginagawa at tumunganga lang dito sa bahay kaya naman pag-baba ko naabutan ko na nga si Manang Telma na naghahanda ng umagahan sa hapag kainan nilapitan ko naman siya "Manang Telma ako napo diyan" wala naman siyang magawa dahil nag-pumilit ako habang yong ibang katulong naman ay nasa kusina pa. Pag-katapos kung maghanda ay inutusan ako ni Manang Telma na diligan ang mga halaman na nasa garden kaya naman agad na akong lumabas ng bahay para mag-dilig hindi na ako nahirapan pa dahil nakita ko naman kung saan ang garden nila nung pag-pasok ko kahapon. Kaya naman sinimulan ko na ang pag-didilig ng biglang.

"Manang Telma ikaw po ba ya–" dina niya natapos ang kanyang sasabihin dahil agad na siyang nabasa nung matapat ko sa kanya ang hose dahil sa gulat hindi ko pa siya masyadong makita dahil sa mga halaman naibaba ko na yong hose ng bigla siyang mag-salita.

"What the hell! Look what you did to me" galit na sabi niya sabay turo sa sarili niya. "Who are you?" Hindi naman ako nakapag-salita dahil nakatitig pa din ako sa kanya gwapo, may matangos na ilong, maputi, matangkad, may maskuladong pangangatawan, may mahahabang pilik mata, may makakapal na kilay, at manipis na labi na mapula-pula, matangkad at maputi, in short nasa kanya na lahat. Natigilan lang ako ng bigla siyang sumigaw.

"I said who are you?"

"Sorry po ako nga po pala si Sam–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang dumating si Manang Telma "Mark ikaw pala iyan, sus maryusep anong nangyari saiyong bata ka bakit basang-basa ka?"
"That girl did this to me" sabay turo sa akin. "Pagsabihan mo nga yan Manang na wag tatanga-tanga" sabay lingon sakin. "Tsk stupid" kahit mahina lang yon ay narinig ko naman dahil malapit lang siya sa akin, umalis din naman siya pagkatapos niya akong pag-salitaan. "Pasinseya kana iha, ganon lang talaga ang batang yon napaka initin ng ulo hindi naman yan dating ganyan noong bata pa yan ako mismo ang naka saksi dahil ako na ang nag-alaga sa kanya simula bata pa siya iwan ko nga ba diyan kung bakit naging ganyan yan. Wala namang sinasabi sa akin yang batang yan e basta pag-uwi niya lang isang araw galing ibang bansa naging mainitin na ang ulo niyan. Kaya pag-pasinseyahan mo nalang ang Sir Mark mo ikaw nalang ang umintindi." Sabay tapik sa balikat ko at sinundan na nga niya si Sir Mark sa loob.

Nakaka-hiya ka talaga Samantha ayan tuloy sa pag-papantasya mo napahamak ka pa. Bago ka pa nga lang mukang matatanggal kana e malay ko bang si Sir Mark yon nagulat lang naman ako kaya ko siya nabasa hayst bala na nga hihingi nalang ako ng tawad sa kanya. Parang timang na ako dito habang kinakausap ko ang sarili ko. Kaya naman pinag patuloy ko nalamang ang pag-didilig ko ng matapos ko ng diligan ang lahat ng halaman dito ay pumasok na din ako sa loob.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now