Chapter 22;

563 32 9
                                    

Nangdito ako sa loob ng kwarto ko napag desisyonan ko na mag linis-linis mona dahil, matagal na pala akong hindi nakakapag-linis dito. Natigil lang ako sa paglilinis ng biglang may kumatok sa pinto.

Tokkk...tokkk...tokkk...

"Samantha are you there?" nagulat ako nang boses pala iyon ni Ma'am Celine. Nakauwi na pala sila ni Sir Marcos galing ibang bansa. Kaya naman agad kong ibinaba ang hawak kong maruruming damit inayos ko pa mona ang aking sarili bago ko siya sinagot.

"Opo, pasok po kayo Ma'am hindi yan naka lock" pagkasabi ko non ay agad niya namang binuksan ang pinto. Kinabahan naman ako nang seryosong mukha ni Ma'am Celine ang tumambad sa akin.

"Can I talk to you?" sabi nito, pero ang doon pa din ang seryosong mukha nito.

"Sige po, upo po mona kayo" sabay turo ko sa upuan na nasa gilid lang din nitong kama. Umupo naman siya at ako naman ay umupo dito sa kama ko, kasi isa lang naman ang upuan na nangdito sa kwarto ko.

"Samantha, alam mo naman na mabait ako sayo hindi ba?" panimula nito.

"Oo, naman po" sabay ngiti ko sa kanya, kahit na kinakabahan na ako sa mga sasabihin niya.

"At nag-papasalamat ako dahil, binago mo ang anak ko, hindi na siya yong dating Mark na walang pakialam sa buhay, hindi na siya yong Mark na parang may galit sa mundo, at Mark na walang respeto sa amin na mga magulang niya. Kaya I'm very thankful talaga sayo, even na nangdon kami sa states nakiki-balita naman kami kay Manang Telma about Mark. And also Manang Telma always saying na malaki nga ang ipinagbago ni Mark simula ng dumating ka dito. But one thing ang hindi ko nagustuhan!" may diin sa huling pagkakasabi nito, sabay taas din ng kaliwang kilay nito. Saka tumayo at nag lakad-lakad habang tinitignan ang kabuuhan nitong kwarto.

"Nag-kakagosto ka na raw sa anak ko!" kaya naman agad na nanglaki ang aking mata. Dahil sa sinabi ni Ma'am Celine.

"P-po h-hindi p-po" utal-utal na pag-kakasabi ko.

"Siguraduhin mo lang Samantha! Ayo kong mapunta ang anak ko sa—" sabay tingin sa akin mula ulo, hanggang paa. Agad naman akong nangliit sa aking sarili dahil sa pag-tingin sa akin nang ganon ni Ma'am Celine. "Katulad mong katulong, malaking kahihiyan yon sa pamilya namin. Isang ma impluwensiyang anak ni Celine Lopez nag kagusto sa isang katulong! Alam mo namang ayo kong mangyari yon hindi ba? Kaya please Samantha! Know your limit, kung ayaw mong magalit at mag-iba ang pakikitungo ko sayo. Itatak mo sa isipan mo na katulong ka lang ni Mark at wala nang hihigit pa don! Ang katulad ni Mark ay dapat lang mapunta sa mga kagaya namin. Do you know my point Samantha?" na may pag-taas pa din ng kaliwang kilay nito.

"Opo Ma'am, wag po kayong mag-alala alam ko naman po kung anong papel ko dito, katulong lang po ako at boss ko naman si Sir Mark. Kaya wala po kayong dapat ipag-alala Ma'am dahil wala po akong gusto kay Sir Mark"

"Good!" sabay alis nito.

Napabuntong hininga nalang ako, at don ko napag-tanto na mali pala ako. Akala ko mabait si Ma'am Celine at hindi siya kagaya ng ibang mga mayayaman diyan. Pero kagaya lang pala siya sa kanila. May mga tao talaga na akala mo mabait pero, dadating at darating din talaga ang araw na makikita mo ang tunay nilang pag-uugali.

*********
Nangdito ako sa may swimming pool, nilinisan ko mona ito dahil wala pa naman akong ibang gagawin. Nang biglang may mag-salita na naman sa likuran ko.

"Hey" sabay tabi sa akin, napa-ayos naman ako ng tayo sabay tingin sa kanya.

"Kayo pala yan Sir, ano pong ginagawa niyo dito?"

"Why? This is my home, so I'm allowed naman na mag punta dito hindi ba?" may pag-tataka sa mukha nito.

"Hindi ko naman po nakakalimutan na bahay mo to Sir. Ang ibig ko pong sabihin diba may trabaho pa po kayo?"

"Nah, nangdito na sina mom and dad they can handle to our company, so I'm free" sabay ngiti nito sa akin.

"Ganon po ba? Sige po Sir mauna na po ako, tapos naman din yang nilinisan ko. Tutulungan ko lang po mona si Manang Telma doon sa loob" akmang aalis na ako ng bigla niya akong tinawag.

"Teka Sam swimming tayo" sabay turo doon sa pool ngayon ko lang na pansin na may dala-dala pala siyang tuwalya sa kanang kamay niya.

"Po? Hindi po pwede eh, kayo nalang po" pero agad niya naman akong nahawakan sa wrist ko. Pero nawalan ako ng balanse kaya ang ending ay nahulog na nga kami pareho sa pool. Dahil hindi din ako marunong lumangoy ay nangangapa ako para ding nakakaramdam ako ng pag-kapos ng hininga. Hanggang sa maramdaman ko nalang na may dalawang kamay ang pumulupot sa bewang ko at hinihila ako pataas.

Nang makarating na kami sa itaas ay hinahabol ko pa rin ang hininga ko, hanggang sa mahimasmasan na ako. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Sir Mark.

"Hey, I'm sorry I didn't mean to do that. It just I don't know that, you don't know how to swim" mababakas pa din ang pag-aalala sa boses nito.

"Okay lang po sir hindi niyo naman kasalanan iyon, sadyang aksidente lang talaga ang nangyari" nginitian ko nalang siya, para kahit papano ay hindi na siya mag-alala pa sa akin. Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap. Sabay sabing.

"I'm scared Samantha, I don't want to lose you, I can't" nangbiglang sumagi sa isipan ko ang mga pinag-sasabi sa akin ni Ma'am Celine kanina kaya agad ko siyang naitulak. Hindi ko alam kong paano ako nakaahon doon sa pool, pero hindi ko nalang inintindi sa halip ay agad na akong tumakbo papasok ng mansyon. At iniwan ko doon si Sir Mark na may halong pag-tataka at pag-kagulat dahil sa aking ginawa.

***********************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now