Chapter 18;

630 27 16
                                    

Dahil sa nangyaring pag-tatanggol sa akin ni Sir Mark, hindi ko alam pero may kaka-iba akong naramdaman na para bang bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa tingin ko ay hindi na to normal kaya hanggat maaga pa ay ako nalang ang kusang iiwas para hindi na lumalim ang pag-tingin ko sa kanya. Dahil para sa akin ay isa ito sa malaking pagka-kamali, amo ko siya, at katulong niya lang ako, langit siya, lupa naman ako. Kaya kahit pa pagba-liktarin ko man ang mundo ay maling-mali talaga na magka-gusto ako sa kanya. Kaya simula ngayon ilulugar kona ang aking sarili aakto ako na katulong lang talaga niya, wala ng iba pa.

Wala ngayon si Sir Mark dahil, may i-memeet daw siyang client. Kaya naman bilang isang katulong ay pumasok ako sa kwarto niya para mag-linis, wala naman masyadong kalat ang narito maliban nalang sa mga damit na labahin, na naka imbak sa gilid. Kinuha ko naman ito para sana ilagay sa lagayan ng mga marurumi niyang damit. Nang may makapa ako, ganon nalang ang pang-lalaki ng mata ko ng makita na ang nakapa ko ay.

"BOXER? Tika, bakit ang laki naman ata nito?" sinukat-sukat ko pa ito sa eri. "Ganon na ba talaga kalaki ang ano ni Sir? Para maging ganito ang boxer niya, eh parang short nalang to sa akin ah!" iwina-wagayway ko pa ito ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat naman ako ng tumambad sa harapan ko si Sir Mark, nanglaki naman ang mata niya ng makitang hawak-hawak ko pa rin ang boxer niya habang naka-taas ito sa eri. Dahil sa gulat at pagka-taranta ay nabitawan ko pa ito, na sagi pa ng aking kamay yong mga damit niya na nilagay ko sa lagayan ng mga maruruming damit. Kaya ang resulta ay nag-kalat ang mga damit niya sa sa sahig, daglian ko naman itong pinulot dahil sa labis na pagka-taranta saka inilagay ko ulit sa lagayan.

Napangiti, at napa-iling naman si Mark dahil sa pinang-gagawa ni Samantha. Nakaramdam din ito ng hiya dahil sa nakitang hawak-hawak ni Samantha ang boxer niya kanina, habang iwina-wagayway pa nito sa eri. Kaya pakiramdam niya tuloy ay pinag-papantasyahan siya nito.

"Anong ginagawa mo? Bakit hawak-hawak mo yong boxer ko?" namula naman ang pisnge ni Samantha, bagay na napansin ni Mark kaya sa loob-loob nito ay napangiti nalang ulit siya. Agad namang iniwas ni Samantha ang topic.

"Ang dito kana pala, akala ko ba ay may client ka?"

"Hindi natuloy, bukas nalang daw ulit"

"Ganon ba? Sige aalis na ako" akmang aalis na siya ng bigla na naman siyang tinawag ni Mark.

"Samantha, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit mo nga pala hawak-hawak ang boxer ko kanina?" may pag-pipigil ng tawa sa boses nito. Kaya naman napaharap ulit si Samantha sa kaniya.

"Sinusuka– ang ibig kong sabihin, tinitignan ko lang kung may butas ba, dahil tatahiin ko. Sige alis na ako" sabay takbo paalis nito. Muli nalang napa-iling si Mark dahil sa isinagot ni Samantha. Sa kabilang banda ay agad na mang pumasok si Samantha sa kanyang kwarto, dahil sa labis na kahihiyan.

"Ikaw talaga, Samantha kung ano-ano kasing pinang-gagawa mo ayan tuloy nahuli ka. Kahit kaylan ka talaga nakakahiya ka" pag-kausap ko sa aking sarili. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nang-yaring kahihiyan sa akin kanina. Kaya naman kinausap ko nalang ulit si Macky, para kahit papano ay may mapag-sabihan ako.

"Macky, alam mo nakakahiya talaga yong ginawa ko kanina. Sana naman hindi mama-samain ng amo natin yong nadatnan niyang pag-tataas ko ng boxer niya sa eri" samay himas ko sa matambok niyang pisnge, kinurot ko naman ito dahil sa pang-gigigil dahil sa ka cute-tan niya.

"Macky, nakakahiya ba talaga yong ginawa ko? Pano na yan mukhang wala na akong mukha na maihaharap sa kanya. Kasi naman e, masama ba talagang maging curious, kung bakit ganon nalang kalaki ang boxer niya" kaya ang ginawa ko ay nag-taklob nalang ako ng kumot. At natulog nalang ako.

K-I-N-A-B-U-K-A-S-A-N
Habang papalabas ako ng aking kwarto ay tingin lang ako ng tingin dahil baka makasalubong ko si Mark sa daan mahirap na. Hanggang sa makita ako ni Manang Telma, nag-tataka pa ito dahil para bang may pinag-kakautangan ako na gusto kong tagoan.

"Oh, hija ano bang nang-yayari sa iyo? Bakit parang may pinag-tataguan ka yata?

"A-ah e-eh wala po may hinahanap lang po ako"

"Naku, hija alam kona ang ganyang palusot, kaya wag mo akong niloloko. Kung si Mark man ang tinatagoan mo, wag kang mag-alala maaga siyang umalis kanina may aasikasohin lang daw siya sa kumpanya. Gigisingin sana kita para makasama ka, pero ang sabi niya wag nalang daw hayaan kana lang daw monang mag-pahinga" may panonokso pa sa huling salita nito. Napailing-iling pa muna si Manang bago umalis. Ako naman ay napa poot nalang dahil sa kanyang pinag-sasabi.

*****************************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now