Chapter 19;

597 24 4
                                    

Mabuti nalang pala at wala ngayon si Sir Mark, kong nag ka-taon na ang dito siya ngayon, baka kinain na ako ng buhay dahil sa labis na kahihiyan, at katangahan na nagawa ko kahapon. Sana lang pag-uwi niya ay hindi mag cross ang landas naming dalawa.

Nangdito kami ni Manang Telma, kasama na ang ibang katulong para maghanda ng tanghalian ng biglang pumasok yong isang kasambahay.

At agad itong lumapit kay Manang, may sinabi pa ito sa kanya na narinig ko naman.

"Manang Telma, nangdito na po si Sir Mark, at hinahanap niya po si Samantha" sabay baling nito sa akin, pati na din si Manang Telma ay napa tingin na rin sa akin. Dahil sa aking narinig ay bigla nalang lumakas ang kabog ng aking dib-dib, na para bang may tambol sa loob nito. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ako nag kakaganito. Hanggang sa nag flashback lahat ng katangahan at kahihiyan na nagawa ko sa kanya, kaya naman nakaramdam na naman ako ng hiya. Iniwas naman ni Manang Telma ang paningin niya sa akin bago ulit bumaling ng tingin don sa babae.

Tinapik pa muna ni Manang Telma ang balikat nito bago mag-salita. "Sige na Nina bumalik kana ulit sa trabaho mo, salamat na din at sinabi mong nang-dito na si Mark, upang maihanda na din natin itong mga pagkain" Nina pala ang pangalan niya? Ngayon ko lang nalaman dahil wala naman akong ka close sa mga kasambahay dito, maliban nalang kay Manang Telma. Natauhan lang ako sa pag-iisip ng biglang tinawag ni Manang Telma ang pangalan ko.

"Samantha hija, ayos ka lang ba? Bakit tulala ka diyan?

" Naku, ayos lang po ako. May iniisip lang po"

"Ganon ba? Oh siya ihatid muna itong mga pagkain don sa dining, at susunod na kami"

"Po? Ihahatid ko po?"

"Oo" sabay bigay sa akin nung tray na may ibat-ibang ulam. Mag rereklamo pa sana ako, kaya lang tinalikuran na niya ako at bumalik na siya muli sa pag-luluto.

Agad naman akong naka-isip ng paraan, kaya yong tray ay ibinalik ko ng dali-dali sa pinag-lagyan nito. Sabay hawak sa tiyan ko na para bang na mimilipit ako sa sakit.

"Araaaayyy, ahhh ang sakit" na may pa luha-luha pa ng mata. Kaya naman yong ibang mga katulong ay napatingin sa akin. Lumapit na din si Manang Telma na may mababakas na pag-aalala sa mukha nito.

"Iha ayos ka lang ba? Saan ang masakit?" tinuro ko naman kung saan banda. Habang tinitignan ko ang mukha ni Manang ay na ko-konsensiya ako, humihingi nalang ako ng sorry sa kanya, sa aking isipan. "Sorry talaga Manang ah, hindi pa po kasi ako handang humarap kay Sir Mark sana mapatawad mo po ako"

"Sige na mag-pahinga ka mona hija, kami nalang ang bahala dito" habang hindi pa din nawawala ang pag-aalala sa mukha nito.

"Sige po salamat po talaga" nasabi ko nalang at umakto pa din akong namimilipit sa sakit.

"Gusto mo bang ihatid nalang kita sa kwarto mo?"

"Naku, Manang wag na po kaya ko na po ang sarili ko"

"Sigurado ka?"

"Opo"

"Oh siya sige, mag pa hinga ka na kami nalang ang bahala dito"

"Sige po, salama po talaga" ngumiti nalang ako kay Manang kahit pa parang na kokonsensiya ako sa aking ginawang pag sisinungaling. Ginantihan naman niya ako ng ngiti kaya naman umalis nalang ako doon sa kusina. Pagka-labas na pagka-labas ko ay tumingin-tingin pa muna ako, baka kasi makasalubong ko si Sir Mark mahirap na, baka mauwi pa sa lahat ang pag-papanggap ko. Kaya nung ma-siguro ko na wala siya ay dali-dali akong tumakbo paakyat. Muntikan pa akong madulas dahil sa kintab ng tinatapakan ko.

Pag-karating ko sa aking kwarto ay agad ko itong i-nelock, lumundag kaagad ako sa kama, kinuha ko naman si Macky na nasa gilid ko lang at agad ko itong niyakap. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Paggising ko ay alas kwatro na ng hapon. Kaya napag desisyunan ko na lumabas na muna. Gaya ng ginawa ko kanina ay tingin ng tingin lang ulit ako. Nang masiguro ko ulit na walang bakas ni Sir Mark ay tumakbo na naman ako sa may garden nitong bahay. Napag desisyunan ko na diligan ang mga halaman na narito dahil naalala ko na matagal-tagal na pala itong hindi na didiligan. Nagulat nalang ako ng biglang may nag-salita sa likuran ko.

"Sinasabi ko na nga ba, nag papanggap ka lang na sumakit yong tiyan mo kanina!"

"Ayy, kabayo! Ikaw pala yan Sir, akala ko kasi kong sino, ikaw kasi eh ginulat mo ako" napatahimik naman ako nang makita ko siyang seryosong naka-tingin sa akin. Kaya naman kinabahan ako, dahil seryoso talaga siya.

"Sabihin mo nga sa akin Samantha! Sumakit ba talaga ang tiyan mo kanina?"

"Opo sumakit po talaga ang tiyan ko, ito na nga po bumalik na naman yong sakit, arayy" sabay hawak ko ulit sa tiyan ko na parang na mimilipit sa sakit.

"Sinungaling! Nakita kita kaninang lumabas sa kusina na para bang may pinag-tatagoan ka. Tumakbo ka pa nga papunta sa room mo!" patay kana talaga Samantha! nakita niya pala yong ginawa mo? Bagong kahihiyan na naman to. Natigil lang ako sa pag-iisip ng biglang mag-salita na naman siya.

"Now tell me, pinag-tataguan mo ba ako?"

"Po? Hindi po sige po bye, sumakit na naman kasi yong tiyan ko" saka ako dali-daling tumakbo papasok, dumiretso na ka agad ako sa aking kwarto. Nang maka-upo ako ay para bang nabunutan ako ng tinik. Na himas-masan na din ako sa subrang kaba. Pero natigil lang ako ng biglang sumakit ang tiyan ko, totoong sakit na talaga na parang pinipiga ang puson ko. Pag-tingin ko sa kalendaryo ay doon ko lang napag-tanto na ngayon pala ako. Napa sabi nalang ako sa aking sarili na "Karma mo na talaga yan Samantha! Akalain mong kanina nag papanggap ka lang na masakit ang tiyan mo, pero ngayon nagka-totoo na talaga" kay malas naman ng araw ko ngayon oh!

*****************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now