Chapter 2;

959 81 13
                                    


Nagising ako sa aking pag-kakatulog dahil sa malakas na katok sa pinto ng tinutuloyan kong bahay...

Tokkk...tokkk...tokkk...

Kaya naman agad akong napa-balikwas ng bangon at dumiretso na ako sa pinto.
Pagka-bukas na pagka-bukas ko ng pinto ay nakita ko si Aleng Marta na umuusok na ang ilong sa galit.

Si Aleng Marta ang may-ari ng tinitirhan kung bahay.

"Oh, Aleng Marta maayong buntag."
Translation; Oh, Aleng Marta magandang umaga.

"Walay nindot sa buntag nako Samantha kung hangtod karon wala gihapon ko nimo ge bayran sa imong abang."
Translation; Walang maganda sa umaga ko Samantha kung hanggang ngayon hindi mo parin ako binabayaran sa iyong upa.

"Alam mo Aleng Marta ang ganda-ganda mo po ngayon."

"Talaga ba?" Sabay flip hair sa buhok niyang maliit.

"Opo ang ganda-ganda niyo po ngayon." ( Naniwala naman ang uto-uto bwaaahhhh)

"Ay, Naku Samantha wag mo akung dina-daan sa mga biro mo ah. Alam kuna yang ganyang klaseng pang uuto mo. Asan na ang bayad?" Sabay abot ng kamay at nakataas ang isang kilay nito.

"Yon, na nga po e wala pa po akong pambayad ngayon. Pwede pong sa susunod na araw nalang?"

"Abay-abay palagi kanalang susunod-susunod wala ka namang na ibabayad sa akin." Galit pang sabi niya. "Ah basta kung hindi ka makakabayad ura mismo lumayas ka na."

"Wag kana man pong ganyan sa akin Aleng Marta."

"Ah, basta pag hindi mo pa ako mababayaran ngayong araw na to umalis kana lamang."
Sabay alis nito.

Bagsak ang mga balikat na bumalik ako sa loob.
Saan naman kaya ako kukuha ng ma ipang-babayad nito? Eh hindi naman kakasya ang isang daang pera na sahod ko ngayong araw sa pambabayad ko kay Aleng Marta mahigit isang libo ang babayaran ko sa kanya.

Hayst bahala na gagawan ko nalang ng paraan mag a-advance nalang ako kay Aleng Bebang.

Pagkatapos nung nangyari ay gaya ng naka-gawian ko pumunta na nga ako ng palengke. Naa-butan ko naman si Gina doon pero wala pa ang kanyang ina.

"Oh! Samantha bakit ang tamlay-tamlay mo ata ngayon may sakit ka ba?"

"Wala naman Gina. May problema lang."

"Huh? Anong problema naman iyan?"

"Pumunta kasi si Aleng Marta kanina, sinisingil na ako. E wala naman akong pambayad kaya binigyan niya ako ng palugit pero hanggang mamayang hapon lang."

"Gonoon ba? Naku paano na yan?"

"Hindi ko alam siguro mag a-advance nalang ako sa Mama mo yong ibang pera pag ta-trabahohan ko nalang marunong naman ako sa gawaing bahay eh."

"Naku iwan ko lang kung makaka advance ka Sam. Gipit din kasi kami ngayon eh. May babayaran pa kasi kaming kuryente at tubig."

"Gonoon ba?"

"Oo pero sige paki-usapan mo nalang si Mama"

"Naku, wag na ano kung ganoong may babayaran naman pala kayo. Mag-hahanap nalang siguro ako ng ibang paraan para makabayad ako kay Aleng Marta"

"Alam mo may sulusyon ako sa problema mo Sam"

"Ano naman yon?"

"Tanggapin mo nalang kaya yong inaalok ko sayong trabaho sa Manila, tutal wala pa naman akong nahahanap na kapalit ko doon. Sayang din naman yong sasahurin mong 20k doon. Isa pa hindi kana kaylangan mag upa ng bahay e sa laki ba naman ng bahay doon ng magiging amo mo. Parang CR nga lang sa mansyon na yon ang inuupahan mo e. Siyaka wag mo nalang intindihin yong demonyo kung boss doon makisama ka nalang"

"E ano pa nga ba, sige papayag na ako."

"Talaga?" Gulat pang sabi niya.

"Oo pag hindi ako makaka advance sa mama mo. Sige papayag na ako."

"Sige-sige sasabihan ko nalang din si mama na hindi ka bigyan ng advance." Hehehe...

Pinandilatan ko naman siya ng mata kaya tumigil naman siya at sabay peace sign pa.

Kaya naman ilang minuto lang ang lumipas at tapos na kaming ayusin ang mga paninda. At dumating na din si Aleng Bebang. Kaya agad ko naman siyang kinausap.

"Aleng Bebang?"

"Oh Samantha! Pasensiya kana at natagalan ako may importante lang akung inasikaso."

"Ok lang po yon Aleng Bebang, nandito naman po si Gina. Ahm Aleng Bebang may sasabihin lang po sana ako sa iyo."

"Oh ano iyon?"

"Nais ko lang po sanang mag advance ng isang libo ibabayad ko po sana kay Aleng Marta sa upa."

"Naku Sam, pasensya kana ah. Hindi kita mapapa advance ngayon may babayaran pa kasi akong kuryente at tubig e."

"Naku ok lang po, Nasabi na din po yan sa akin ni Gina kanina."

"Ganoon ba? Pasensya kana talaga Sam ah."

"Ok lang po talaga Aleng Bebang alam kung gaya ko e, nagigipit din po kayo ngayon."

Kaya agad naman akong lumapit kay Gina at ginantihan ko nalamang siya ng pilit na ngiti.

"Ano? Ibibigay ko naba yong address ng amo ko?"

"Sige, wala naman akong ibang mapag pipilian e." Kaya agad-agad na man niyang binigay sa akin ang address. Lopez Village 112. Pagkabasa ko sa address.

"Dapat bukas pumunta kana Sam tatawagan ko nalang Ang mga amo ko doon na may naipalit na ako. Don kanalang din Muna tumuloy sa bahay namin tiyak akong pag-uwi mo mamaya e nasa labas na ng bahay mo ang mga gamit mo."

"Sige, salamat talaga Gina ah, tatanawin ko tong utang na loob."

"Naku, ano kaba wala yon ano. Para saan pa at naging mag kaibigan tayo."

Kaya naman nag patuloy nalang din kami sa aming ginagawa.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now