Chapter 28;

537 23 10
                                    

Hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyayari parang isang bangungut at panaginip lang ang lahat na gusto ko ng magising pero kahit anong pilit ko ay Ang doon pa rin ang katotohanang nag kabalikan na naman silang dalawa ni Eline. At ako itong iniwan lang na para isang basura sa tabi-tabi. Pero kasalanan ko naman talaga dahil nagpaloko ako sa kanya. Kahit isang pagkakataon ay hindi niya naman sinabi sa akin na girlfriend niya na ako. Ako lang tong may malaking ambisyon na tinatak sa isipan ko na boyfriend ko na siya. Pero ang totoo pala ay isang laro lang pala ang lahat.

Ganyan naman talaga sila, hahanap ng papalit sa puwang nilang puso pero pag-bumalik na ang tunay na nag mamay-ari nito, ay iiwan at iiwan kana nila sa eri.

Kaya imbes na mag mukmok at umiyak dahil sa kagagahan at katangahang ginawa ko ay ibinaling ko nalang ang atensiyon ko sa ibang mga bagay. Naglinis ng naglinis lang ako dito sa loob ng mansyon at mas pinakintab ko pa ang sahig nila ng sa ganon ay madulas sila at mabagok ang mga ulo nila! Dahil sa panggigigil ko ay hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala ang bruha at tiyanak na ito. Walang iba kundi si Eline!

Hindi ko nalamang siya papansinin pero kuda siya ng kuda. Baka sabihin ng mga kasamahan kong kasambahay dito na nabuang na siya. Dahil kuda siya ng kuda kahit wala namang kausap.
(Nabuang means "Nabaliw")

"So the Babaeng malandi is here, pumapatol sa amo para yumaman, your such a gold digger bitch!"

"Aba.. aba.. Hoy ikaw! Butan-butan raka unya DEMONYO man diay kang dako. Unsay gold digger huh! Abe kaha nimog wala ko kasabot ato huh! Bisag wala ko kahuman og eskwela kasabot pud kog ENGLISH. Paguban mo niya, parehas lang mong duha angay mo e sabong nga murag manok!"
Translation: (Aba.. aba.. Hoy ikaw! Akala mo kung sinong mabait DEMONYO pala. Anong gold digger huh! Akala mo siguro hindi kita naintindihan, kahit hindi ako nakatapos ng pagaaral nakakaintindi parin ako ng ENGLISH. Magsama kayong dalawa magkatulad lang kayo. Ang dapat sa inyo ay isabong na parang manok)

"What did you say?"

"Oh diba hindi ka makaintindi bobo ka kasi. BOBO!" sabay alis ko. Narinig ko pa siyang magsalita.

"Hey, bitch I'm talking to you! Comeback here!"

"Talk your face" nasabi ko nalang sa kanya. Pinahiran ko naman ang namomoong luha sa mata ko.

Isa pa yong babae na yon akala ko pa naman magiging kaibigan ko na siya, pero ang sama-sama pala ng ugali. Totoo nga talagang sa kabutihang ipinapakita sa iyo ng tao, ay naka-kubli ang mga tunay nilang paguugali.

Hindi ko rin alam kung saan ko hinugot ang mga pinagsasabi ko doon sa bruha na yon. Siguro dahil ito sa galit at sama ng loob na rin dahil sa kanilang dalawa.

Nag patuloy nalang ulit ako sa paglilinis pero ngayon naman ay nasa kusina na ako. Pumasok naman si Manang Telma dito sa loob.

"Samantha, hija narinig ko ang pagtatalo niyo ni Eline at alam ko rin ang mga pinagsasabi mo sa kanya"

"Po?" gulat kong tanong sa kanya.

"Naintindihan niyo po ang sinasabi ko don sa bruh— ang ibig ko pong sabihin ay sa Eline na yon?" tango naman ang isinagot niya sa akin. Sabay hawak sa kamay ko.

"Bakit niyo po naintindihan? Akala ko po ba ay pure tagalog po kayo"

"Bisaya ang asawa ko hija, nakilala ko siya sa davao kaya nakakaintindi rin ako ng bisaya"

"Ganon po ba?" yon nalang ang tanging nasabi ko sa kanya.

"Hija, ramdam ko ang galit mo sa pananalita mo palang kanina ay nararamdaman ko talaga. Kaya sana huwag kang magbago, wag sanang magbago ang Samantha'ng nakilala ko. Sana ikaw pa din yong Samantha na masiyahin, at pawang walang problema"

"Hindi naman po ako nagbago Manang dati na po talaga akong ganito"

"Anong ganito?" may pagtatakang tanong nito.

"Ganito na po talaga ako pag nagagalit. Akalain niyo yon Manang nung nasa Cebu pa ako mayroon akong kaibigan ang pangalan niya ay Gina, inaway po kasi siya ng mga bully sa lansangan dahil ninakaw daw ni Gina ang laroan. Kahit hindi naman talaga siya ang nagnakaw, kaya ayon napa sugod ako ng wala sa oras. Kaya ayon nasabunotan ko tuloy" parang ganito Manang oh.. pinakita ko pa kay Manang kong paano ko sinabunutan yong isang bruha kaya ayon tuloy tawa siya ng tawa dahil para daw akong uma-acting.

"Masaya ako Samantha at naging masiyahin kana ulit. Sana pa lagi kang ganyan yong tipong wala kang problemang iniinda. Alam mo namang anak na ang turing ko sayo"

"Makakaasa ka Manang" ako nalang ang kusang yumakap sa kanya. Kaya naman yumakap naman siya sa akin pabalik at hinahagod-hagod pa nito ang aking buhok. Naalala ko tuloy ang aking mga magulang alam kong masaya na sila kong nasaan man sila ngayon. Nag papasalamat din ako kay Manang Telma dahil kahit wala na akong mga magulang ay ipinaramdam niya sa akin. Kong paano ang mabuhay na may masasandalan at masasabihan ka sa ano mang problema.

Napabitaw naman na siya kaya bumitaw na rin ako sa yakapan naming dalawa.

"Oh, siya tama na ang drama mag trabaho na tayo" napatawa nalang ako at bumalik na nga kami sa aming trabaho.

Lalabas na sana kami ni Manang Telma sa kusina pero narinig namin si Eline na sinisermonan niya ang isa naming kasamahan dahil natapon nito ang pagkain na dapat sanay ibibigay niya kay Eline. Narinig ko nalang na nagsalita si Manang dito sa aking tabi hindi naman ito narinig ni Eline dahil malayo lang kami sa kanila.

"Malaki na nga ang ipinagbago ng batang iyan, hindi naman yan dating ganyan"

"Ano po ang ibig niyong sabihin Manang?"

"Katulad din si Eline sayo dati hija na may galang, pero ngayon hindi ko na siya kilala ibang-iba na siya, minsan naiisip ko nalang na hindi siya si Eline" napatawa nalang ito. Napatingin naman ako kay Eline na hanggang ngayon ay hindi pa rin maawat sa kakasermon at pagpapahiya doon sa kasamahan namin.

****************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now