Chapter 3;

875 79 8
                                    


Nagka totoo nga ang sinabi ni Gina pagka-uwi ko kasi galing palengke ay naabutan ko na nga ang mga gamit ko doon na naka hilera sa labas ng bahay.

Kaya naman agad ko din itong kinuha. At gaya nga din ng sabi ni Gina na doon muna ako tutuloy sa kanila kaya naman pumunta na agad ako sa kanila para mag-palipas ng gabi, kasi bukas na ako luluwas ng Maynila.

Pag-karating na pagka-rating ko sa bahay nila Gina ay agad naman akong pinagbuksan nito. Naabutan ko din doon si Aleng Bebang na nag-luluto ng pang-hapunan kaya naman agad akong lumapit sa kanya at tinulungan ito.

"Oh Samantha ang diyan kana pala maupo ka, malapit na din naman itong matapos."

"Naku hindi po tutulungan ko na po kayo nakakahiya naman po sa inyo."

"Naku, ano kaba hindi kana man iba sa amin tiyaka bisita ka namin dito kaya maupo ka nalang diyan."

"Oo nga naman Samantha maupo kana lang diyan kami nalang dalawa ni mama ang bahala dito.Tiyaka pasasalamat ko na din to para sayo dahil tinanggap mo ang alok ko hindi na ako makakabalik doon." hehehe joke sabay peace sign pa nito.

"Ako nga dapat ang mag-pasalamat sayo e dahil kung hindi dahil sa pangungulit mo e hindi ko naman tatanggapin ang alok mo. Ang lakas mo talaga sa akin ah! Akalain mong napapayag mo ako."

"Hehehe syempre ganoon talaga itong beauty ko sabay turo sa mukha niya, walang makakatanggi nito."

"Hehehe ikaw talaga Gina puro ka biro."

"Tama na muna iyan." Biglang singit ni Aleng Bebang. "Kumain na muna kayo at ng makatulog kayo ng maaga. Diba bukas kana aalis Samantha?"

"Opo bukas na nga po."

"Oh siya ikaw Gina ikaw nalang ang maghahatid bukas kay Samantha don sa terminal ng bus ah. Alam mo na maaga pa ako bukas sa palengke."

"Opo ma, wag kang mag-alala ako na po mag-hahatid kay Samantha bukas."

"Naku, wag na po ako nalang po mag-isa pupunta bukas. Makaka-abala pa po ako sa inyo."

"Ano ka ba Samantha hahayaan pa ba kitang pumunta bukas ng mag-isa, syempre ihahatid kita ano. Siyaka hindi kana man nakaka-abala sa akin."

"Salamat talaga Gina wag kang mag-alala babawi ako sa susunod."

"Hehehe ok lang ano kaba kahit hindi ka bumawi basta tatawag ka sa akin ah."

"Oo naman wag kang mag-alala."

Pag-katapos nga naming mag-usap ay kumain na nga kami. Ilang minuto lang din ang nakalipas at tapos na kaming kumain gusto ko pa sanang tumulong kay Aleng Bebang sa pag-aayos ng aming kinainan pero hindi din siya pumayag siya nalang daw ang bahala. Kaya naman natulog na lang din kami ni Gina dahil maaga pa nga kaming aalis bukas.

K-I-N-A-B-U-K-A-S-A-N

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko.

Kringgg...Kringgg...Kringgg...

Kaya naman gumising na ako 5:00 am palang ng umaga mamaya pang alas 6:00 am ang alis namin.

Kaya naman nag ready nalang ako sa aking mga dadalhin, maliit lang naman ang dadalhin kung mga gamit. Pag-katapos kung mag-ayos ay naligo nalang din ako. Pag-tingin ko sa ulit oras ay 6:30 am na kaya naman bumaba na ako.

Naabutan ko doon si Aleng Bebang at Gina na naghahanda na ng meryinda. Kaya naman binati ko na din sila.

"Maayong Buntag Aleng Bebang, Gina."
Translation; Magandang umaga Aleng Bebang, Gina.

"Maayong buntag pud Sam. Sabay-sabay nilang sabi."
Translation; Magandang umaga din Sam.

"Hali kana Sam maupo kana dito. Tapos na naman ito." Sabi ni Aleng Bebang.

Kaya naman umupo nalang ako.
Kumain nalang din kami. Ilang minuto lang din ang nakalipas at tapos na kaming kumain. Kaya naman nag ready na kami para pumunta sa terminal ng bus.

"Marameng salamat po sa lahat Aleng Bebang sa pag-papatuloy niyo sa akin dito. At kahit hindi inyo po ako kamag-anak hindi niyo parin ako tinuring na iba, at tinanggap niyo parin ako dito na para niyo ng anak."

"Ganon talaga tayong mga pilipino Sam at tiyaka sino ba namang mag-tutulungan kung di tayo-tayo lang din naman. Sige umalis na kayo baka maiwan kapa ng bus."

"Sige po salamat po talaga ng marami."

"Ikaw Gina ihatid mo ng maayos si Sam doon sa terminal ng bus. Tiyaka pag-katapos pumunta ka din agad sa palengke at ng matulungan mo ako."

"Sige po ma, aalis na po kami."

"Sige." Agad naman akung niyakap ni Aleng Bebang at niyakap ko din siya pabalik.

"Ma mi-miss kita Samantha bumalik ka ulit dito kapag may oras ka ah. Tatawag ka din palagi."

"Opo salamat po talaga, ma mi-miss ko din po kayo para ko na din po kasi kayong ina, tiyaka si Gina din po para ko na ding kapatid."

Matapos naming mag-paalam sa isat-isa ni Aleng Bebang ay pumara na kaagad si Gina ng tricycle para makapunta na kami sa terminal ng bus.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now