Chapter 30;

542 22 3
                                    


NAKATINGIN lang ako sa kisame nag iisip kung bakit ako nasaktan ng ganito. Na isip ko pinarosahan ba ako ng diyos?! pero basi sa nabasa ko 'Everything has a reason' and maybe God do this just to make me stronger and fight the challenges. 'Napasabak talaga ako sa English' 

Naisipan Kong bumangon at pumunta sa banyo. Kaso 'Napa-aray ako' feeling ko kasi ang bigat ng katawan ko lalo na ang bandang braso ko. Agad ko namang  inispeksyon ang aking braso sa salamin kong meron bang pasang na iwan. Kung ikaw kaya tinulak ng ganon, magkakapasa ka talaga. At tama nga merong pasang na Iwan, bakat na bakat ang kamay ni Mark. 

'hay' sabi ko at nangalumbaba akong nakatanaw sa salamin at tumingin sa braso kong namamaga dahil sa marahas na paghawak ni Mark sakin. Siya pa yong may ganang sabihan ako na  nagsisinungaling ako pa nga ang na agrabiyado dito. Masakit isiping ma's pinagtanggol pa niya ang Eline na yon, na kakainis nakaka bwesit. 

"Ugh! Ano bayan mga luha please tumigil na kayo" humikbing sabi ko. Wala akong ganang lumabas dahil parang mabigat ang pakiramdam ko at saka nakakahiya lumabas dahil sa namamaga kong mata at ayaw ko rin ipakita sa kanila na mahina ako. Habang pinapahiran ko ng ointment ang pasa ko saktong merong komatok. 

Tok* tok tok*

"Iha, nandiyan kaba?!" napabuntong hininga nalang ako kasi si Manang Telma lang pala yon. Ang buong akala ko si mark pero Malabo yong mangyari. 

" Opo Manang Telma, saglit lang ho!" sagot kong malumanay at dali daling kong tinabonan ang pasa dahil alam kong mag alala talaga si Manang Telma.

Pag bukas ko sa pinto bumongad sakin ang malungkot na mukha ni Manang Telma " Ayos kalang ba iha?!" 

"Naku ho! Ayos lang naman ako palagi saka bakit niyo na tanong?haha" 

"Iha kahit ilang sandali kalang namamalagi rito Alam ko na ang takbo ng isip mo at nakabisado na kita" sabay lapit sakin at niyakap ako. Sa pag yakap niya tila naibsan ang aking dinadala at unti unting lumalabas ang butil ng luha ko. "Manang" yon lang ang nasambit ko at agad naman akong napa hikbi. Pagka sabi ko sa katagang iyon ay lalong humihigpit ang kanyang mga yakap at tinatapik ang likuran ko, yong parang akong sanggol na ngangailangan nang aruga ng isang ina. 

Nakalipas ng ilang minuto na pag tanto ko kung nasan na si Zandrex. Dahil diko na siya mahagilap o nakita man lang. "Manang nasan na pala si Zandrex?! Hindi na po kasi siya nakikita" kausap ko pa nga siya kamakailan lang tapos ngayon parang bula na biglang naglaho. 

"Sapagkakaalam ko iha bumalik na siya sa ibang bansa para ipagpatuloy ang pagaaral niya doon"

"Ahh ganon po ba! Nakakainggit naman siya pero masaya ako para sakanya Manang" Totoo talagang masaya ako para kay Zendrex at nakakalungkot isipin na diko na siya makitang muli . Hay' diko  namalayan na kanina pa pala ako tinitignan ni Manang na para bang inoobserbahan niya ako.

Kahit wala na akong kinagisnang ina, naging masaya parin ako dahil nandiyan si manang Telma handang tumulong sakin. Kaya tinuringan ko na siyang parang pangalawang ina. 

Ngumiti ako nang ubod ng tamis para malaman niya na okay lang ako "Manang naman okay lang talaga ako, wag na ho kayong mag alala saakin. Kaya ko na po ang sarili ko.

"Totoo bayan iha?"

"Si manang naman, promise okay lang po talaga ako saka ginamot mo naman rin ako"

"Ahmm?... Saan yakap lang kaya ginawa ko sayo iha?" naguguluhang sambit ni manang Telma.

"Yong.... YAKAPSOLE ho manang hahaha" 

"Itong batang to! Napaka ano mo. 
Sige na at ayosin mo na ang mukha mo atsaka mag agahan na tayo!!..

"Opo manang, sige ho mag aayos mona ako at susunod lang ako.." 

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now