🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 1❤️

1.1K 31 3
                                    


=Chapter 1=

=Hyannis Del Vergara=


Nandito ako ngayon sa labas ng Cafe na pinagtatrabahuhan ko.

Last three months nung nag apply ako dito then himala at natanggap ako.

Hindi ako sa counter naka assign kasi taga serve ako ng mga order pero kahit papano natutunan kona kung pano mag barista.

"Hyan paki hatid sa table 7" sigaw sakin nung kasama ko.

"Sige" kinuha ko ung tray at nag simulang mag lakad patungong table 7

"Here's your order ma'am, sir." Nakangiti kong sabi habang nilalapag sa table nila ang dalawang slice of cake, isang coffee at isang juice. "Enjoy and have a good day"

"Thank you" Nag nod lang ako sa kanila bago tumalikod. Nag simula narin akong mag ayos dahil patapus na ang trabaho ko.

"Jess ikaw nang bahala dito ah mauna na ako."
Sabi ko sa kanya bago nagsimulang lakarin ang daan.

Tutungo na ako ngayon sa convenient store at dahil mamayang six pm pa ang pasok ko makakapag lakad lakad pa ako dahil five pm palang naman.

Since that day natatakot na akong mapag-isa sa madilim na daan kaya palagi akong maydala na flashlight. Nakakatawa mang pakinggan pero flashlight talaga ang dala ko kasi wala akong tiwala sa cellphone lang.

Nakarating ako sa convenient store at dahil maaga ako ng ilang minuto nilibang ko muna ang sarili ko sa pakikipag usap sa kasama ko.

"Balita ko balak monang mag resign dito?"
Tanong ko sa kanya habang kumakain ng chocolate.

"Natanggap kasi ako sa company na pinasukan ko, kahit janitress lang tiba tiba narin dahil malaki ang sahod."

"Magkano bang sahod doon?" Curious na tanong ko.

"10k per month kesa naman dito na 8k lang per month. Kaya ngalang malaki laki rin ang lilinisan."

"Ok nayun. Teka may slot paba? Ipasok mo naman ako pag meron oh."

"Naku Hyan pasensiya na. Completo na Kasi ang kinakailangan nilang trabahante eh."

"Tsk. Ganun? Sayang...d bali nalang may coffee shop pa naman ako na pinag tatrabahuhan."

"Mabuti ngayang saiyo kasi makakatanggap ka nang 17K per month"

"Yun ngalang nakakapagod, oh siya time kona palit lang muna ako ha."

Dumeretso na ako kaagad sa isang kwarto dito at nag bihis ng uniform. Lumabas ako kaagad ng matapos na ako. Naka tuka ako ngayon sa counter at ang kasama ko naman ang mag lilinis at dahil last day niya ngayon bale bukas mag-isa nalang ako na gagawa ng lahat ng ito.

"Good afternoon sir"

Bati namin sa customer na pumasok. Inilapag nito sa harapan ko ang isang drink kaagad ko naman ini-scan ang barcode nito.

"45 pesos po sir." Binigyan niya ako ng 50 pesos napansin kolang na naka yuko lang siya at hindi tumitingin sakin.

Kaya hindi korin makita ang mukha niya ng maayos dahil naka takip ang hood niya dito at may suot siyang shades.

Nag kibit balikat nalang ako bago tinanggap ang pera niya.

Magbibigay pa sana ako ng sukli kaya lang umalis na. Tsk mag iiwan na ngalang ng sukli hindi pa sinabing keep the change tapos limang pesos pa.

Nilagay ko nalang sa kaha ang pera at naupo sa stole na nakalaan para sakin.

"Oh anong mukha yan?" Tanong nang kasama ko ng nilapitan niya ako.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now