🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 33❤️

438 17 0
                                    

...

=Chapter 33=

=HYANNIS=

"What did you want to eat?"

Saglit akong napatingin sa kanya bago ibinalik ang tingin sa menu na hawak ko.

Kanina pa ako pabalik balik ng tingin dito pero hindi ako makapili ng maayos.

Lutang na kasi ung pag-iisip ko at hindi ko mapigilang isipin kung papano ko iiwasan si Zeus.

Ayoko nang mag away pa kami ni Third sa bagay na iyan kaya gagawin ko nalang kung anong sinasabi niya.

At para hindi niya narin ituloy ang ano mang naiisip niya kanina.

Masama kasi ang kutob ko sa bagay na iyon.

Hindi kopa siya hundred percent na kilala at alam kong may ugali siyang tinatago sakin na ayaw kong malaman pero kahit na ganun minahal ko parin siya.

"Ikaw nalang ang pumili Love, hindi kasi ako mapag decide eh" Tugon ko sa kanya at tiniklop ang menu.

Itinuro niya sa waiter ang kung ano mang order niya at ako naman ay nakatingin lang sa kanya hanggang sa umalis naiyong waiter.

"Masarap ba akong titigan?" Tanong niya ng magtama ang paningin namin.

Napangiti naman ako saglit.

"Hindi ang pangit mong tignan."

Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.

Hindi naman kami nag hintay ng matagal sa paghihintay ng pagkain kasi kaagad naman itong dumating.

As we started to eat tahimik lang kaming dalawa hanggang sa natapos kami at ipinagmaneho na niya ako pabalik ng Cafe.

"Susunduin kita mamaya." Sabi niya bago ako hinalikan.

"Sige, ingat ka sa pag d-drive see you later"

Pagkalabas ko ng kotse niya kaagad naman itong tumakbo palayo.

Sinundan kolang iyon ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan bago tumalikod at tinungo ang Cafe ko.

Ganun nalang ang pagtatakang pumasok sa isipan ko nang madatnang may dalawang tao na nakatayo sa gilid ng entrance ng Cafe ko.

"Teka sinong nag-utos sa inyo na mag bantay dito?"

Nakilala ko kasi ung isa sa kanina na tauhan sa mansion.

Hindi kaya?

"Si Third ba ang nag utos sa inyo? Bumalik na kayo sa mansion hindi na kailangan ng bantay dito."

"Pasensiya napo Ms.Hyan inutos ni Boss na magbantay kami dito hanggang sa magsara ang Cafe niyo."

"Oh Gosh."

Tinalikuran ko sila at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng office ko.

I can't believe it.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now