🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 5❤️

614 25 0
                                    

...

=Chapter 5=

=Hyannis=


Nakakabanas naman itong si Chong eh, yayain akong kumain sa labas tapos ang jending papasakayin lang pala ako ng taxi at uutusang umuwi.

Nasaan nayong libre ko? Putspa talaga ho makaganti nga mamaya.

Wala sa mood naman na pumasok ako ng bahay at dumeretso ng kusina.

Nagugutom na talaga ako kaya wala akong magawa kundi ang iligtas ang sarili ko mula sa gutom.

Umabot pa ako ng ilang minuto sa pag dedecide kung ano ang lulutuin ko.

Dati naman hindi ako problemado kung ano ang lulutuin ko basta kukuha lang ako ng delata at yun makakain na ako.

I was humming habang nagbabalat ng sibuyas dahil mag luluto ako ng kaldereta.

Haha nalala ko ung delata eh kaya naalala korin ang paborito kong ulam.

After minutes ready to eat na ang niluto ko at nakapag saing narin ako ng kanin.

Pero napatalon nalang ako sa gulat ng biglang lumagapok ang pinto.

Hala anong meron? I was in the middle of thinking na baka pinasok ako ng magnanakaw ng biglang dumaan naman sa sala ang hindi mapintang si Third.

Yeah hindi na mapinta sa sobrang pagkakunot ng reaction niya what's wrong bakit galit na galit yun?.

Sa halip na kumain tinungo ko ang kwarto ng lalaking iyon.

Nakita ko namang bukas kaya d na ako nag atubiling kumatok.

Sumilip ako sa kwarto niya at nakita ko siyang pabalik balik at halos hindi na mag kanda ugaga kung ano ang gagawin.

"Chong?"

Tawag ko sa kanya at halos magtindigan naman ang balahibo ko sa katawan ng sumigaw ito bigla.

"Get out!"

Agad ko namang naisara ang pinto at dali daling bumalik sa kusina.

Problema nun?

Bakit galit na galit?

Parang tinawag lang!

Pero ung reaction niya kanina parang papatay ng tao creepy.

Nakakatakot, Natatok tuloy ako bigla.

Halos ihampas kuna ang kamay ko sa pader dahil sa panginginig nito.

Hindi ko tuloy mahawakan ng maayos ang pinggan na dala ko, nilagay ko ito sa kabilang banda baka kasi hindi payun nakakain eh.

This is my first time na makita siyang galit na galit.

Naupo ako sa dati kong pwesto at nag simulang nang kumuha ng pagkain.

Nag dasal muna ako bago sumubo pero nabitin lang sa ere ang kutsara na hawak ko dahil napaisip naman ako kung bakit ganun siya kagalit kanina.

May nangyari bang masama?

Na nakawan ba siya?

Hindi ko talaga makuha kung bakit ganun siya kanina at worst para siyang papatay ng tao.

"I'm sorry if nasigawan kita kanina. I know na natakot ka sakin dahil sa inasal ko."

Nagulantang ako bigla dahil sa pagsulpot niya kaya ang kutsara na dapat patungo sa baba ko ay bumagsak at lumikha ng ingay.

Addicted to You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon