🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 38❤️

483 18 0
                                    


...

=Chapter 38=

=HYANNIS=


ONE YEAR LATER

Kaagad na bumaba ako ng kotse ng tumigil ito.

Hawak ang dalawang uri ng bulaklak nagsimula na akong mag lakad patungo sa lugar na iyon.

Tumigil ako ng marating ko ang puntod nilang dalawa.

Hindi ko akalaing ito ang magiging kapalaran nila. Masakit mang isipin pero kailangang tanggapin lalo na at nakaraan na iyon.

Inilapag ko ang bulaklak sa bawat puntod nila at nag sindi narin ng kandila.

It's been a year at ngayon ko nalang ulit nabisita ang puntod nilang dalawa.

Gustuhin ko mang bisitahin sila palagi hindi ko magawa kasi busy ako sa trabaho at isa narin sa rason palagi akong nagiging emosyonal kapag pumupunta dito.

Parang ang bigat sa dibdib at hindi ko matanggap ang nangyari.

Hindi ko matanggap na sa ganung pangyayari mawawala siya at hindi man lang ako nabigyan ng chance na kausapin siya habang may hininga pa siya.

Pero kahit na ganun nag papasalamat parin ako kasi nakapagpahinga na sila hindi na nila mararanasan pa ang kalupitan ng mundong ito.

Hindi na niya mararanasan ang mag-isa, mangulila at mabuhay ng masama.

Masaya ako kasi kahit papano napatawad kona ang isa sa kanila pero sa kanya hindi man lang ako na bigyan ng chance na makausap siya.

Nag alay muna ako ng simpleng dasal para sa kanilang dalawa bago nag mulat ng mata at nakangiting humarap sa kanya pero hindi nagtagal ang ngiting iyon.

"Bakit hindi tayo umalis ng sabay?"

Tanong ko na may halong kalungkutan sa mata.

"Bakit ako lang? Alam mo ang daya mo, gusto kong sumama saiyo pero ano tong ginawa mo?"

Nakasimangot kong sabi.

Saglit akong natahimik pagkatapos naramdaman kona ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko.

Nakatalikod ako sa kanya ngayon kaya niyakap niya ako ng patalikod.

"Sinabi ko naman saiyong mahihirapan akong magtrabaho kapag nariyan ka diba? Kasi iisipin ko palang na maiwan kitang mag-isa dun sa hotel na tutuluyan natin hindi na ako mapanatag kaya mabuti nang mauna ka nalang dun. Pangako kapag natapos ang deal ko susunod ako dun. Kaya hwag kanang mag tampo huh?!"

Mahabang paliwanag niya sakin.

Gusto ko sanang sumama sa kanya papuntang Japan, pangarap kong makapunta doon kaya gusto ko sanang sumama kaya lang ayaw niya akong payagan kasi raw hindi siya makakapag focus sa trabaho niya kapag nasa tabi niya ako.

Napaka clingy na niya kasi eh.

Simula nung magising siya mula sa operasyon niya walang araw na hindi ako malapit sa kanya.

That time akala ko talaga hindi na siya mabubuhay pa pero miracle talaga ang nangyari kasi hindi umabot sa puso niya ang bala at na agapan iyon kaagad ng mga doctor.

At ung kaso ko naman nawalan lang ako ng malay dahil sa sobrang pagod at shock I'm also lucky kasi walang nabaling boto sa likuran ko. At ang bala sa tiyan ko ay kaagarang natanggal din.

All I can say that we're so really lucky but when it comes to this two guy, Drekzus and Zeus I think kapalaran na talaga nila siguro ang mamatay sa ganoong edad.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now