🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 32❤️

458 15 0
                                    


...

=Chapter 32=

=HYANNIS=

Masaya ako, yun ang pagkaka-alam ko sa mga nakalipas na araw.

Nagkaroon ako ng bagong pagkakalibangan at hindi na ako na bo-bored.

"Good morning Ms. Hyan!" Napalingon ako sa intrada ng Cafe nang pumasok ang dalawang tauhan ko at binati nila ako.

"Good morning din sa inyo." Balik na bati ko sa kanila.

Pag ka bukas ko kasi kaagad akong naglinis.

Kailangang mapanatiling maganda at malinis itong Cafe.

Regalo pa naman to ni Third sakin sa birthday ko kaya dapat pahalagahan at ingatan ko.

"Naku Ms. Hyan sana hinayaan niyo na samin ang pag lilinis." Sabi ng isa sa mga tauhan ko.

"Wala man akong experience sa pag ba-bake tulad mo at least makapag linis man lang ako dito sa Cafe ok na sakin."

"Kahit na po tudo sanay naman kayo at staka nagtatrabaho kami dito kaya trabaho namin yan."

"Naku nag tatrabaho din naman ako dito kaya hayaan niyo na. Gusto kong linisan ang regalo sakin ni Third."

"Ayieee si Mam kinikilig." Bigla naman akong namula dahil sa panunukso nila.

"Ano ba kayo! Magtrabaho na ngalang tayo." Pang-iiba kong sa usapan.

Kita namang pag dating kay Third palagi akong namumula eh. Lakas yata talaga nang tama ko dun.

Pagpatak ng 7 open na ang Cafe at marami naring customers ang pumapasok at tumatambay.

Pasalamat ko nalang at magagaling ang mga tauhan ko.

Minsan lang ako mapadpad magbantay sa cashier kasi may tauhan naman akong naka tuka doon at minsan lang din akong nakakapag serve kasi may naka tuka din dun kaya talaga ang pagpasok ng maaga at paglinis nitong Cafe ang tanging nagagawa ko.

Hinahatid naman ako ni Third dito kasi nga kailangan niya ring pumasok sa trabaho.

Masaya nga kasi pareho kaming may trabaho na inaasikaso.

Kaya panigurado hindi kami magugutom sa future.

Nagpalipas ako ng oras sa office ko at minsan lumalabas para manuod sa mga barista at nag seserve, inu-obserbahan kung maayos ba ang trabaho nila o hindi.

May mini kitchen din dito for baking kaya napupunta din ako doon minsan.

Malapit nang mag lunch time kaya bumalik ako nang office ko at hinubad ang apron na suot ko.

Pag kalabas ko sinalubong ako ng isa sa mga server ko.

"Ms. Hyan may naghahanap po sinyo" Sabi niya sakin.

"Si Third ba?" Derektang tanong ko na ikina-iling naman niya.

"Naku hindi ngayon kolang siya nakita, pero puntahan niyo nalang nandun po sa table 7" Sagot Niya na ikinakunot naman nang noo ko.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now