🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 15❤️

506 26 0
                                    

...

=Chapter 15=

=Hyannis=

"Hyan kain na, lumabas kana diyan!" Dinig kong sigaw ni Ben.

Bakit ba ang hilig sumigaw ng lalaking to. Parang nasa kabilang baryo ako kung makasigaw siya, Ang lakas.

Niligpit ko nalang ang ginagawa ko bago lumabas ng kwarto.

"Aba ang bango naman, anong tawag diyan?"

"Nilagang palaka at daga!" Derektang sabi niya kaya napalayo naman ako sa mesa.

"What the Ben ung totoo?" Nangunot noong sabi ko sa kanya at siya naman ay hindi na mapigil ang sarili sa kakatawa.

"What the! ba't ang bilis mong lokohin? Pareho talaga kayo ni Third ng reaction kapag niloloko."

"So masaya ka? Ung totoo nga Ben. Papalayasin talaga kita kapag hindi ka nagtino."

"Ito naman, pinalayas nga ako ni Third tapos papalayasin morin ako."

"What! So you mean magkasama kayo sa iisang bahay?"

"No! Of course not. Neighbors lang kami." Sabi niya at staka naupo sa dating pwesto ni Third.

"Ahh...akala ko kasi."

"Upo na, Nilagang Baka yan kaya hwag kang OA."

"Ikaw kasi eh mukhang totoo ung pagkakasabi mo."

Naupo ako kaharap siya at nagsimula nang kumain na pinangunahan muna ng dasal.

Ano kayang ginagawa niya ngayon?

...

"Bye Ben ingat sa pag mamaneho." Paalam ko sa kanya kasi anong oras narin.

Ayaw pa nga sana niya akong ihatid ko siya sa labasan kasi raw delikado pero nag pumilit na ako.

Wala namang mangyayaring masama siguro diba?

"Yeah. Thanks sa dinner." Nakasimangot na sabi niya. Pasaway ako eh kaya ganyan ung mukha niyan.

Pumasok na siya ng kotse niya at sinimulan na itong patakbuhin palayo.

Nagsimula narin akong maglakad pabalik sa bahay.

=BEN=

NANG makapasok ako sa mansiyon kaagad akong nag park at hinanap si Third sa kwarto niya pero wala akong naabutan na Third doon.

Where the hell did that guy go again?

"Drei" tawag ko sa isa sa mga kasamahan namin dito.

"Oh Ben. Kanina kapa?"

"Hindi kakarating lang, by the way nasaan si Third?"

"Si Boss? Hindi ba niya naipaalam saiyong umalis siya?" Sarap naman nitong batukan ng taong to, kaya nga nag tatanong diba? Kasi walang sinabi sakin.

Tinitigan ko siya ng seryoso gamit ang mga nakakunot kong noo.

"Mukhang hindi nga niya nasabi. Umalis si Boss kanina dala ung Lamborg niya. Mukhang mapapalaban yata." I know Third with his damn car panigurado nandoon na naman iyon.

"Talagang mapapalaban iyon. Ge Drei I need to go."

Tinapik ko siya sa balikat at dali daling tinungo ang Audi ko staka pinaharorot yun patungo sa lugar na kung saan pwede ang illegal.

As I park my car dinig na dinig ko ung mga sigawan at hiyawan. It's starting iyon lang ang tanging alam ko.

Tinungo ko ang mas mataas na bahagi ng lugar na ito at doon kitang kita ko lahat ng nangyayari sa baba.

Addicted to You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon