🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 8❤️

596 30 0
                                    

...

=Chapter 8=

=Hyannis=


Naalimpungatan ako dahil sa init ng araw na tumatagus sa bintana and then sumagi sa isipan ko na anong oras na pala at ngayon dapat ang unang araw ko sa trabaho. Shitings how can I forgot that thing? Ganun naba kasarap ang tulog ko para hindi magising?

Dali dali akong naligo at nag bihis halos iumpug ko naman ang sarili ko sa pader ng malamang wala pala akong matino na damit para sa trabaho. Nagbihis muna ako ng pantalon at shirt staka lumabas.

Nakasimangot na sinalubong ko si Third na nasa kusina at nag luluto, mali nag hahanda na pala ng mesa. Mabuti naman at mabuti nang pakiramdam ko.

"Oh anong mukha yan?" Tanong niya nang umupo ako sa upuan ko. Parang maiiyak ako sa katangahan ko.

"Whaaa...huhuhu...Chong anong gagawin ko?"

"Hoy! Bakit? anong nangyari? Hey tell me." Nag aalalang tanong niya. Naiiyak na talaga ako bakit kasi inuna kopa ang pamukmuk sa kwarto at hindi man lang inalala na wala akong formal na damit diyan sa closet ko at panu nalang ang trabaho ko ngayon? Baka sisantihin ako ng CEO dahil wala ako ngayon.

"Hushhh...now tell me what's the problem." Sabi niya at pumantay pa talaga siya sa harap ko ung tipong nag 90 degree talaga ung katawan niya para mag pantay kami ganun yun.

"Eh kasi ngayon ung start ng trabaho ko diba? Kaya lang kanina kolang nalaman na wala pala akong formal na damit Chong...anong gagawin ko? Baka matanggal ako sa trabaho ayoko nun sayang ung sahod." Sagot ko sa kanya pero ang putspa tinawanan pa ako.

"Haha... I know this would happen, kumain muna tayo then may pupuntahan tayo. Don't worry hwag mo munang isipin ang trabaho ngayon bukas muna yun isipin." Sabi niya sakin at nag lakad patungo sa upuan niya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Just eat you'll know later"

Wala na akong magawa ng magsimula na siyang kumuha ng pagkain kaya kumuha narin ako. Nag dasal muna kami bago kumain.

"Punasan mo nga yang mukha mo para kang bata na pinagalitan ng tatay niya bago kumain."

"Eh sorry naman nag aalala lang pero kailangan kong ipaalam kay Jhasynt na wala akong damit ngayon."

"Alam na niya kaya hwag kang mag alala."

"Eh ung CEO kaya?"

"Alam na rin niya at pinayagan ka naman na bukas pumasok."

"Hay mabuti naman kung ganun. Saan kaya ako makakabili ng mura?" Napa isip kasi ako kung saan  ung hindi ako gagastos ng malaki. Pero hindi kona man lang pinag taka kung bakit alam na ng magiging boss ko.

"Pwede kumain ka nalang diyan mamaya mo nayan problemahin.

Natapos kami sa pagkain at kaagad naman akong naghugas ng pinggan. Bago kami lumabas ng bahay sinigurado ko muna na naka lock ng mabuti mahirap na. Nakatago pa naman dun lahat ng pinaghirapan ko.

Nag lakad kami hanggang sa narating namin ang labasan at tinungo ang kotse ni Third na naka park doon. Hanggang ngayon d parin ako makapaniwala na dala dala niya kahit saan ang kotse ng CEO. Like what the if pero di bale na nga at least ang isang tulad ko nakakasakay sa ganitong klase ng kotse oh diba nag fefeeling mayaman ako pero d bale na pag bigyan niyo nalang ako kasi pansamantala lang naman to eh.

🔸🔸🔸

Tumigil bigla ang kotse niya sa napakalawak na parking lot ng SM Mall. Like what the hell are we doing here?

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now