🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 17❤️

537 18 0
                                    


...

=Chapter 17=

=Hyannis=


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

Natanggap agad ako at may panibago na akong trabaho kaya lang talaga hospital yun eh, ang lugar na kailan man ay hindi ko magugustuhan.

Kahit na janitress ang trabaho ko dun, hindi ko parin maiwasang isipin na maraming tao ang naghihirap at nasasaktan doon.

"Hey Earth to Hyannis." Napakurap ako at biglang napatingin sa taong kanina pa pala nakatayo sa harapan ko.

"Oh Sam, sorry may iniisip lang."

"Ang lalim nga eh, kanina pa kita kinakausap pero tulala kalang. Sino bang tinititigan mo dun?" Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Tinititigan? Saan? Napalingon ako sa tinititigan ko kanina at wala namang kakaiba doon.

"Wala, may iniisip lang nga diba! Malay kobang may tao pala diyan kanina pa. At sino bayun?" Takang tanong ko sa kanya, Malay mo kilala niya tapos napapahiya kona pala ang sarili ko sa taong iyon.

Psh. next time nga haharap na ako sa pader bago ko isipin ang iniisip ko.

"Ewan di ko rin kilala pero girl gwapo. Ikaw ah galing mong pumili. Tapos titig na titig din saiyo, naku girl baka kilala ka nun."

"Aba malabong mangyari yun Sam. Bilang lang ang taong kakilala ko at kung nangyari man yun ay hindi kona yun kasalanan."

"Tsk. Lalim kasi nang iniisip mo! Ano ba iyon?"

"Hwag monang alamin sakin nalang iyon."

"Aba ma secreto na si gurl, basta mamaya na start mo ah."

"Oo na! Nag baon na nga ako ng sanda-makmak na face mask eh."

"Hahaha...ung totoo?" Tatawa tawang sabi niya sakin.

"Tsk ewan ko saiyo!"

Bumalik ako sa ginagawa ko at pinagpatuloy ito.

"Hala! Sir Sorry!" May narinig akong mga lumagapok na kagamitan at nang nilingon ko ito ung bago naming employee na natapunan ng juice ung isang customer.

At dahil ako ang malapit sa scene ako na ang lumapit para makipag ariglo.

"Goodness!"

"Sir excuse me to interrupt but we're sorry for what happened to your suit sir." Napatingin siya sakin saglit bago bumuntong hininga.

Lumapit ako sa table niya para patayuin si Rea na nanginginig na sa takot.

"Rea ako na dito kumuha ka nalang ng mop."

"Opo Ate Hyan." Sabi niya at kaagad na umalis.

"Sir we're sorry again, bago Po siya kaya ganun. Let me pick those broken glasses baka masugatan kayo." Umupo ako at sinimulang pulutin ung nabasag na baso.

"You sure? Panu kung ikaw ang masugatan?" Nag aalalang tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya " Hwag po kayong mag alala Sir nag iingat Po ako."

"Ate Hyan ito napo ang Mop...ahhh" napalingon ako sa kanya ng sumigaw siya habang tumatakbo pero sa kamalas malasan niya natapilok siya sa mop na dala niya at deretso sakin ang bagsak.

At para ma protektahan ang sarili ko sa pagbagsak naitukod ko ang dalawang kamay ko kung saan naroroon ang mga bubug na inipon ko.

Gusto kong mag mura sa sakit na naramdaman ko kaya lang pinigilan ko.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now