🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 37❤️

441 21 0
                                    


...

=Chapter 37=

=BEN=

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa opisina ko, pakiramdam ko parang may mali kaya hindi ako makapag focus sa trabaho.

Itinigil ko ang pag t-type sa laptop at staka napa sandal sa kina uupuan ko.

Nawala lang ako sa kalagitnaan ng pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko.

Tinignan ko kung sino iyon at si Mom lang pala.

"Yes Mom napatawag ka? Kumusta ang trip niyo ni Papa?"

Tanong ko habang hinihilot ang sentido ko. This past few days kasi hindi na ako naka uwi ng mansion dahil sa sobrang busy sa trabaho.

Nangkaroon ng problema sa ilang stockholders pag katapos dumagdag pa ang mga utang ni Dad sa Ibang Company kaya babad talaga ako sa trabaho.

Pasalamat ko nalang ngayon at na aksiyonan ko kaagad at nahanapan ng paraan kasi kung hindi panigurado lubog na ang companyang inaalagaan ko.

"Ok naman kami dito at staka marami na kaming na explore na lugar, eh ikaw kumusta ang companya?"

"It's fine now Mom na tapos kona ang problema"

"My Son is really amazing, oh kumusta pala kapatid mo? Hindi ko kasi ma contact eh kanina kopa tinatawagan"

Napaupo ako ng tuwid sa sinabi niya. I look at my wrist watch at 4 palang ng hapon then nasa trabaho pa iyon pero never iyon nagpapatay ng phone o I kaya ay iniiwan niya nalang ng basta basta.

I knew Hyan at hindi nun hahayaan na malayo sa katawan nito ang cellphone pero paanong hindi niya ma contact.

"I'll contact her Mom don't worry baka nag ba-bake lang yun." Pag dadahilan ko sa kanya.

"Sige Sige, I'll call her later. Baba kona ingat kayo diyan"

"Kayo din Mom."

Binaba na niya ung tawag at ka-agad kong hinanap sa contacts ko ang pangalan ni Hyan.

Tinawagan ko iyon pero ring lang ng ring walang sumasagot nakailang call ako pero ganun parin.

I was expecting na baka magkasama sila ni Third kaya siya nalang ang kinontack ko at same din ring lang ng ring.

Binaba ko ang cellphone ko at kaagad na dinampot ang jacket ng suit ko at nagmadaling lumabas ng office at tinungo ang elevator.

Pinindot ko ang ground floor at pagkababa ko kaagad kong tinungo ang kotse kong nakapark at kaagad na pinaharorot ito patungo sa Cafe ng kapatid ko.

Bigla kasi akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko lang sa tuwing may mangyayaring masama at hindi maganda ang kutob ko dito.

"Ben" Bungad sakin ng isang bantay pagkarating ko sa entrance ng Cafe.

"Si Hyan nasa loob ba?"

Tanong ko na ikina-iba naman ng reaction nila.

"Nagmamadaling umalis kanina si Ms.Hyan Ben tapos isang oras na hindi pa nakabalik itinawag po namin ito kay Boss makalipas ang kalahating oras pero hindi po namin ma contact si Boss."

Addicted to You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon