🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 21❤️

527 20 0
                                    


...

=Chapter 21=

=Hyannis=


Ilang oras ko nang tinititigan ang kisami pero wala parin akong makuha na sagot sa mga tanong ko.

"Hay nakaka boring naman to." Bigla kong bulalas nang mainip sa kakaisip sa naging sagot niya kanina.

Ano namang paki ko kung naranasan na niyang maging masaya once sa buhay niya.

All people deserve to be happy kaya bakit ko iniisip kung ano ang dahilan nang kasiyahan niya.

Masyado nabang big deal sakin iyon para isipin kopa nang ilang oras?

Kasi naman the way he mention it parang napaka special nang araw na iyon para sa kanya at dahil dun kaya niya naranasan ang pinaka masayang parte nang buhay niya.

"So anong binabalak mo? Lalabas ka nanaman? Tapos ano? Hahalughugin nanaman namin ang buong hospital para lang makita ka? Sige subukan molang at hahayaan talaga kita sa labas nang sa ganun ay dun kana matulog kasi talagang hindi kita papasukin dito kahit na mag ma kaawa kapa"

Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya.
Bawal ba talagang gumala ako sa labas?

"Grabe ka naman Chong. Maganda ang atmosphere sa labas at nakakagaling sa pakiramdam nang patiente kaya hayaan mona akong lumabas. Ang boring kaya dito." Paliwanag ko sa kanya na hindi naman niya sinang-ayunan.

Anong gagawin ko eh bored na bored talaga ako dito.

"Basta just follow me or else" Matigas na sabi niya na ikinatahimik ko nalang

Nagmukmuk nalang ako habang nakahiga. Sinubukan kong makatulog pero ayaw talaga nang conscious ko na patulugin ako.

Ilang beses kong sinubukan pero wala napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kisami na wala namang ka kwenta kwenta kasi puro puti ang nakikita ko kaya napilitan nalang akong pumikit kahit na hindi naman ako makatulog.

"Do you want to watch movie?" Napamulat ako nang bigla siyang magsalita.

"Meron ba?" Mahinahong tanong ko sa kanya, pwede narin naman iyon pang tanggal ng boredom diba?

"Yes, wait operate kolang." Tumayo siya sa couch na kinauupuan niya at tumungo sa harap ng TV.

Meron siyang isinaksak doon sa TV na connektado sa Cellphone niya.

May mga files siya na pinuntahan at maya maya lang ay nag start na ang movie.

"Anong title niyan?" Tanong ko habang inaayos ang pagkakaupo ko sa higaan. Siya naman ay tumungo sa inuupuan niya kanina at nagsimula naring manuod.

"Basta manuod ka nalang. Malalaman morin naman ang title mamaya." Sagot niya kaya benaliwala ko nalang siya.

Nagsimula ang movie sa isang babae na kumukuha nang litrato sa magandang view na pinuntahan niya at kaagad naman niya itong finorward sa mga kaibigan niya.

Jumanji 2 The Next Level ung title nang movie na pinalabas niya.

Nag enjoy naman ako sa kakapanuod hanggang sa nangalay ako kaya nahiga ako ulit.

Hindi ko nalang namalayan na inaantok na pala ako sa kakapanuod kaya napag desisyonan ko nalang na ipikit ang mga mata ko at sinubukang matulog.

=BEN=


"Nasaan na?" Tanong ko sa kanya at kaagad naman niyang inabot ang brown envelope na hawak niya.

Kinuha ko ito sa kanya at sinimulang buksan at basahin ang laman nun.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now