🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 34❤️

434 18 0
                                    

...

=Chapter 34=

=HYANNIS=


Days past at naging normal na ulit ang buhay ko kaya lang namimiss kong makita na parang lokong nakangiti na nakaupo si Zeus dito sa Cafe ko.

Hindi na siya nagpakita sakin and about the guards hindi parin sila nawawala.

Nasanay narin naman ako kaya hinayaan kona.

"Call me if anything happen, ok?"

Palagi niyang paalala sakin kapag nahatid na niya ako sa trabaho.

"Noted, btw saan tayo later?" Tanong ko sa kanya.

Sinabi lang niya kasi sakin kagabe na may pupuntahan daw kami sa lunch at ayaw ipa-alam sakin kung saan kaya hindi ko maiwasang mag-isip tuloy.

"You'll find out later, ingat ka dito ayokong may mangyaring masama saiyo papakasalan pa kita- aw!"

Sinamaan ko siya ng tingin at kinurot sa tagiliran.

Naman kasi eh ang aga aga ng go-good vibes sakin alam naman niya na mabilis akong mamula pag dating sa bagay na iyan.

"Umalis ka na nga ang aga aga eh, Sige na Ingat ka papakasalan pa kita."

Napangiti ako sa sinabi kong iyon. Gosh kinikilig ako ano ba!.

"Sure Love mag iingat talaga ako"

He just give me a smack bago pumasok sa kotse niya.

"Ingat!"

Sigaw ko sa kanya bago niya pinaharorot palayo ang kotse niya.

Papasok na sana ako sa Cafe ng may sumalubong sakin.

"Excuse me kayo ba si Ms. Hyannis Del Vergara?" Tanong niya.

"Yes! Bakit po ba?" Nakangiti kong baling sa kanya.

"May package po kasi para sa inyo ito po at paki permahan nalang din po dito."

Inabot ko ung hawak niya at kaagad na pumerma doon.

"Ito po Ms.Del Vergara salamat po"

Napatingin ako sa Isang maliit na box na ini-abot niya.

Walang nakapangalan kung kanino galing pero naka address ung package para sakin.

Hmm. Sino naman ang magkaka interest na padalhan ako nito?

Dumeretso ako sa office at nilapag sa table ko ang package staka sinuot ang apron bago tinali ang mahaba kong buhok at lumabas ng office para mag linis.

"Good morning Ms.Hyan" Bati sakin ng ilang kasamahan ko ng dumating sila.

"Good morning din sa inyo." Balik kong bati sa kanila bago ipinag patuloy ang trabaho ko.

After ng paglilinis nag open na kami.

Ako muna ang nag bantay sa counter kasi umabsent ung employee na naka toka dito.

Ilang oras ang ginugul ko sa trabaho, minsan tumutulong ako sa pag seserve para mapadali ang trabaho kasi meron namang pumapalit sakin sa counter.

Lunch time nang tumawag sakin si Third at sinabing hindi matutuloy ang lunch date namin kasi daw may lunch meeting siya together with his business partners kaya nakisama nalang ako dito sa mga kasamahan kong kumain ng lunch.

After lunch bumalik akong office, hindi narin naman kasi masyadong marami ang customers kaysa kanina kaya medyo magaan narin ang trabaho.

Naisipan kong mag open ng account sa Facebook ko at sakto namang online si Ms.Trisha kaya nakipag VC ako sa kanya.

Addicted to You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon