🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 10❤️

581 21 0
                                    


...

=Chapter 10=

=Hyannis=


Nakabalik ako nang office at halos wala pang mga tao doon kaya naupo nalang ako sa upuan ko at sinimulan ang naiwang trabaho ko. Makalipas ang ilang minuto nagsidatingan narin ang iba pati na si Jhasynt na ngingiti ngiti pa sakin. Aba nginingiti ngiti ng babaeng ito na parang may sayad sa utak?

"Oh nginingiti ngiti mo diyan?" Tanong ko sa kanya ng makaupo siya sa tabi ko ang creepy kasi eh.

"Ikaw ha...close pala kayo ni Erole d mo man lang nasabi." Who's Erole? Wala kaya akong kakilala na Erole tapos ka close kopa?

"Si Erole ang Isa sa mga gwapong nilalang dito." Nangunot kaman ang noo ko sa sinabi niya. "The guy in the cafeteria ung kinausap ka" ahhh ung nabugahan ko pala kanina. Bakit Pina alala pa. Nakalimutan ko na nga diba? Pakshit talagang babae nato.

"Psh d ko naman kilala yun at staka may nangyari lang kaya nag ka chitchat ng kunti." Simpleng paliwanag ko sa kanya pero hindi kona sinama ung kahihiyan ko.

"Eh ano bang nangyari?" Chismusa ng babaeng to!

"Hwag monang alamin. Simpleng chitchat lang yun napansin sigurong bago ako kaya ganun." Paliwanag ko sa kanya pero taliwas naman sa katotohanan. Pero nagulat nalang ako ng hinampas niya ako.

"Whaaa...ang swerte mo talaga gurl kahit kailan, lapitin ka ng mga gwapo una si ano tapos si ano ngayon si Erole naman. Ikaw na talaga gurl. How to be you Po. Nakaka-inggit ka alam mo iyon." Nag eemote pa na sabi niya. Nasiraan na talaga yata ito.

"Edi ma inggit ka. At staka hwag na nga nating pagusapan yan trabaho nalang ok?" Seryosong sabi ko sa kanya. Sa halip kasi na unahin ang trabaho pakikipag kwentohan ang inuuna eh.

"Tsk ang Kj mo naman minsan lang naman Tayo makapag kwentuhan tapos ang seryoso mopa dinaig mopa ung mga regular dito." Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ang attention sa trabaho.

Madali namang lumipas ang oras at dahil hanggang five pm lang ang trabaho ko sinimulan konang iligpit ang gamit ko.

Sinave ko muna ang eni-encode ko bago tumayo. Overtime si Jhasynt kasi ang dami pa ng pinapagawa sa kanya, gusto ko sana siyang tulungan kaya lang sinabi naman niyang kaya niya na yun kaya hinayaan kona.

Aba may sarili din akong ginawa kaya matutu akong makuntinto kung ano lang ang trabaho ko.

Nag paalam na ako sa kanya at nag lakad na patungong elevator. Hindi ko alam kung makakasabay koba ngayon si Third o hindi basta ang alam kolang kasama un ni boss ngayon at baka busy yun kaya hindi kami mag sasabay ng uwi panigurado.

Kaagad ko namang pinindot ang ground floor pagkapasok ko ng elevator sakto namang ako lang mag-isa doon kaya sigurado madali akong makababa. Nasa floor 38th ako ng bumukas ang elevator at may pumasok na isa, dalawa, tatlo.

Tatlong tao ang pumasok dalawang babae at isang lalaki at swear sana hindi nalang tumigil ang elevator kanina.

"Oh hi Ms. Cute" Nakangiting salubong niya sakin. Nagsitinginan naman ang dalawang babae na I think nasa middle 30's na ang edad I think.

Ngumiti lang ako sa kanila at itinuon naman nila ang tingin sa harap. Thank God. Ang awkward kasi eh. Lakas pa naman ng boses nitong mokong nato.

Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang tumabi sakin kaya napa atras naman ako para lumayo ng kunti sa kanya. Hindi ko feel makipag kaibigan sa isang ito eh.

"So pauwi kana? Btw nasa anong floor ka? Nasa floor 38 ako eh ikaw?" Duh obvious naman na galing siyang floor 38th kasi doon tumigil ung elevator diba?

"Floor 41" maikling sabi ko sa kanya habang hindi tumitingin sa mukha niya. Ang awkward parin kasi nung nangyari kanina sa cafeteria eh at nakakahiya kaya hindi ko feel kausapin siya.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now