🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 23❤️

478 23 1
                                    


...

=Chapter 23=

=Hyannis=


Tahimik lang ako sa buong byahe namin patungo sa mansion niya.

Hindi ko alam kung mag tatagal ba ako dun.

Napag isip isip korin kasi na mabuti pa sigurong umuwi nalang ako samin total nandun naman ang pamilya ko.

Malabo nang mahanap o matagpuan kopa si Papa dito kasi hindi ko alam kung buhay paba siya o kagaya rin ni mama na wala na.

At least doon sa amin magiging tahimik ang buhay ko diba pero kung hindi ko papakialaman ang tiya ko about sa bahay pero hindi ibig sabihin nun na hahayaan ko nalang ang bahay nang ama ko sa kanya.

Pumasok ang kotse sa gate nang mansion na maraming bantay at deretso naman ang takbo nito patungong garahe.

"Tara na ihahatid kita sa magiging kwarto mo."

Tinitigan ko ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko bago bumuntong hininga at tinanggap iyon.

Ngayong araw nakailang lahad na siya ng kamay niya sakin at hindi ko maiwasang hindi tanggapin iyon.

Alam kung tinulungan niya lang ako pero hindi ko maiwasang makaramdam nang kakaiba lalo na sa twing nandiyan siya sa tabi ko.

Sumulyap ako sa kanya na nauuna nang maglakad sakin papasok nang bahay hindi ko maiwasang mag tanong sa isipan ko sa kanya.

Bakit ba kasi ang bait mo sakin?

Bakit ba palagi kang nandiyan kapag napapahamak ako?

Hindi naman kita ganun kakilala para gawin mo sakin ito.

Hindi ko tuloy mapigilian ang puso kong unti-unti nang nahuhulog saiyo.

Malaking hininga ang pinakawalan ko matapos isipin ang mga bagay na iyon.

"Are you okey? Is there something bothering you? Tell me if I can do anything about it." Napatigil ako sa paglalakad nang harapin niya ako.

Bigla naman akong nataranta kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya but in the end I prefer to remain silent hanggang sa nakarating kami sa magiging room ko.

"Magpahinga kana muna sa ngayon. Pwede ka namang lumabas kung gusto mo. May Pool sa likod  mas magandang tumambay doon."

"Sige...ah. Susubukan ko." Hindi ako makatingin sa kanya nang maayos kaya yumuko nalang ako hanggang sa narinig ko ang pag sara nang pinto.

Napahiga nalang ako bigla sa kama at pinakititigan ang kisami. Naisipan koring ikutin ang buong kwarto kasi masyado itong malaki kaysa sa inaasahan kong kwarto.

Kumpleto na ito sa gamit pati narin ung bathroom na malawak at may bathtub pa. Nakahiwalay din ang comfort room sa bathroom dahil may pinto pa bago ka makapasok nang comfort room.

May malaking cabinet  din doon na kasya ilang tao sa loob. Meron ding ilang mga gamit na kadalasang makikita mo sa isang kwarto.

Tinungo ko naman ang balcony na may sliding door sa bandang kaliwa nang kama. Muntik pa nga akong bumangga kung hindi kolang namalayan

Pagkalabas ko nasilayan ko ang labas nang Mansiyon at dahil nasa ikalawang palapag ako mas naging maganda ang view na nakikita ko.

Nasilayan ko ang ilang mga kalalakihan na parang nagrurunda sa paligid kaya benaliwala ko nalang ito.

Tumambay ako doon nang ilang minuto kasi masarap ung ihip nang hangin kaya lang kailangan kung pumasok nang naabot na ako nang sinag nang araw.

Lumipas ang ilang araw kong pananatili sa mansion at minsan puro mga tauhan lang dito ang nakakasama ko kasi palaging busy ung dalawa sa kung ano mang ginagawa nila.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now