🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 22❤️

514 23 0
                                    


...

=Chapter 22=

=Hyannis=

"Mukhang masaya yang pinag u-usapan niyo ha" Sabay kaming napalingon ni Ms.Trisha sa taong nagsalita malapit sa pinto.

"Syempre ang sarap nitong kausap si Hyan, mukha ngang hindi na admit sa hospital dahil sa ang daming daldal" Napangisi nalang ako dahil sa mga walang kwentang usapan namin kanina.

"Wala ka pabang balak na umalis?" Tanong sa kanya ni Ben.

"Mamaya na, btw nasaan si Third 'bat d mo kasama?"

"Ayun, mukhang ka-kausapin yata ung doctor nitong babae nato." Turo niya sakin.

"So it means pwede na akong lumabas anytime?" Na excite naman ako na pwede na akong makalabas dito, pang two days kona dito kaya siguro ok nayun.

"It's up to your doctor."

"Hayy! Sana talaga palabasin na ako, gusto konang makita ang bahay kung ok paba." Masigla kong sabi na ikina-iba naman ng reaction nila.

"Oh napano kayo?" Tanong ko sa kanila habang nangingiti pa.

"Wala Hyan kumain ka nalang at staka ubusin moyang lahat nang dala ko kundi magtatampo talaga ako saiyo."

"Oo na promise uubusin koyan at kung lumabas man kami dito na hindi kopa yan ubos babaunin ko nalang." Paliwanag ko sa kanya habang sinusubo ung piraso nang orange.

"Mahal ipagbalat mo naman ako nang apple oh." Biglang saad ni Ben na ikinatawa ko naman.

"Ano ka sinuswerte? Kita mo namang para kay Hyan lahat nang to diba? Kaya bumili ka nang saiyo!"

"Pag bumili ba ako ipagbabalat morin ako?"

"Depende sa mood ko."

Nakangiti at kinikilig na nakatingin lang ako sa kanila. Alam niyo yun ang sweet nilang tignan habang nasa tabi ni Ms.Trisha si Ben na kinukulit ito.

Hayy kailan kaya ako magkakaroon nang ganyan. Sana lord pag dumating bigyan niyo naman ako nang sign ha.

Nabaling ang attention ko sa pintong bumukas kaya bigla kong nalunok ang orange na kinakain ko nang magtama ang paningin namin ni Third.

Halos mawalan na ako nang hininga nang bumara sa lalamunan ko ung orange na kinakain ko.

Dali dali naman akong inabutan nang isang baso nang tubig ni Ben.

"Ano ba kasing pinag gagawa mo at bakit nabulunan kapa nang kinakain mo" Ms.Trisha habang hinihimas ung likod ko.

Inubos ko ung laman nung baso bago umiling sa kanya.

"Wala sadyang nabulunan lang talaga ako" Napatingin ako sa lalaking nakasandal habang seryosong nakatingin sakin.

Nahiya naman ako dahil sa nangyari kaya napayuko nalang ako. Ayokong salubungin ang mga tingin niyang nakakatunaw nang puso.

"Sa susunod hinay hinay lang sa pagkain, oh ito pa, tapos lunukin mo ulit ha" Kinuha ko ang inabot ni Ben staka ito sinamaan nang tingin.

Panira talaga nang mood tong lalaki nato. Sarap hambalusin sana siya nalang ang nabulunan.

"Hello?...yes...ok...just wait and I'll be there" napalingon ako kay Ms.Trisha na may kausap sa phone niya then kaagad naman niya itong ibinaba.

"I think I need to go, I'm sorry Hyan hindi ako mag tatagal may importante akong kailangan na gawin." Tumango naman ako sa kanya at pinagmasdan siyang dinampot ang bag niya.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now