🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: EPILOGUE❤️

862 39 10
                                    


...

=Epilogue=


Noon hindi kona pinangarap na magkakaroon pa ako ng boyfriend kasi puro trabaho nalang ang laman ng utak ko.

Trabaho, trabaho, trabaho hanggang sa makaipon ng pera para mabawi ang bahay ng ama ko mula sa tiyahin ko.

Hindi ko kasi matanggap noon na basta nalang inangkin ng tiyahin ko ang bahay ni Papa at ang sabi pa niya.

"Ibibigay ko lang ang bahay na ito saiyo kapag binigyan mo ako ng 500,000 pesos"

Para sa kanya parang biro lang iyon pero sa akin sineryoso ko iyon.

Kaya naman pumunta ako ng Manila na hindi alam kong ano ang papalarin sa lugar na iyon na kung mahahanap ko ba ang hinahanap ko o hindi na kung mabubuhay ba ako o hindi.

Maraming mga negatibong bagay ang pumapasok sa utak ko pero lahat ng iyon ay isinantabi ko kasi buo ang disisyon ko, yun ay ang umalis.

Minsan naisip ko nalang na sumuko pero kapag na aalala ko ang dahilan kong bakit ko ito ginagawa nabibigyan ako ng lakas na ipag patuloy iyon.

Hindi kasi biro ang mag trabaho na dalawa ang pinapasukan kaya ngalang goal ko ang maka ipon kaya kinaya ko ang pagod at hirap.

Akala ko patuloy na akong mag-iisa pero nag kamali ako kasi dumating ang isang taong nag nga-nga-lang Third na tumira mismo sa Apartment ko matiyak lang ang kaligtasan ko.

Simila nun hindi kona naramdaman ang mag-isa simula nun nabuhayan ako ng loob na kayanin ang mga pagsubok at simula nun natoto akong mag mahal.

Siya na yata ang magandang nangyari sa buhay ko pero hindi ko aakalaing meron pa palang mas magandang darating sa buhay ko at yun ay simula ng pinanganak ko siya, ang panganay namin ni Third.

Matapos ang araw na iyon wala na akong mahihiling pa para sa buhay ko maliban sa masaya at kompletong pamilya.

"Ano pong magiging pangalan ng baby Mrs. and Mr. Pinderson?"

Napatingin ako sa sanggol na mahimbing na natutulog sa bisig ko. I smile at him before utter the words.

"Knoxville Joe Pinderson, iyan ang magiging pangalan niya"

My husband hug me tightly matapos kong ibigay ang pangalan ng anak ko.

Hinalikan niya ako sa ulo at sinunod ang anak namin.

"Thank you for this wonderful gift Love"

"It is because of you, thank you for everything and for coming to my life, I love you and I promise to be a good mother and wife to the both of you."

Hindi ko inakala na siya itong bubuo sa mga pangarap kong hindi nabuo ng bata pa ako.

Mga pangarap na hindi ko inakalang mararanasan ko lahat at dahil iyon sa kanya.

Loving him is like a blessing to me kasi kung hindi ko siya nakilala at minahal hindi ko mararanasan ang ganitong kasayang buhay.

Kaya pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi mararanasan ng anak ko ang mga paghihirap na naranasan ko.

"Ang apo ko nasaan na?"

Nabaling ang attention naming dalawa sa bumukas na pinto at doon pumasok sina Mama, Papa, Trisha at Ben.

Buhat buhat ni Ben ang isang taong gulang niyang anak nasi Bea Trix at buhat buhat naman ni Papa ang dalawang taong gulang na si Hyuhan.

Lahat sila ay nakangiting nakatingin samin.

"Hala! Ang gwapo ng Apo natin Pa" Mama ng i-abot ko sa kanya ang anak ko.

Kaagad naman nila itong pinagkaguluhan samantalang hinayaan na nilang palakad lakad sa loob ng kwarto ang mga batang dala nila.

"Anong pangalan niya anak?"

"Knoxville Joe Po Ma" Sagot ni Third na ikinatango ko naman.

"Pwede niyo siyang tawaging Joe sa pangalan niya." Sabi ko

"Joe ang gwapong bata nagmana talaga sa ama niyang gwapo." Mama.

Sumimangot naman ako kasi halos silang lahat iyon ang sinabi.

"Ang labi niya lang talaga ang gumaya saiyo anak" Papa na ang tinutukoy ay ako.

Yeah, kanina ng pinag mamasdan ko ang mukha ng anak ko kuhang kuha niya talaga ang mukha ng ama niya at ang mapupula niyang labi lang talaga ang nakuha niya sakin.

Iyon siguro ang nagiging resulta nang paglilihi ko sa kanya.

Ng ipinag bubuntis ko kasi siya nagiging emosyonal ako sa tuwing hindi ko nakikita si Third kaya halos sa bahay na siya mamalagi para lang hindi ako maiwan kaya naman sa bahay narin niya ginagawa ang trabaho niya.

Hindi ako naging mapili sa pagkain dahil mukha at presensiya lang ni Third sapat na sakin.

"Hwag kanang mainggit Love kahit labi lang ang nakuha niya saiyo ang mahalaga ay anak parin natin siya at hindi parin nun mababago ang katotohanang ikaw ang naglabas sa kanya sa mundong ito at ikaw ang Ina niya."

Niyakap niya ako mula sa likod at napayakap narin ako sa kanya habang pinagkakaguluhan parin nila ang anak namin na walang paki sa paligid niya kasi mahimbing na natutulog parin.

"Katulad mo siya Hyanni hindi palaiyakin, tanda kopa ng ipinanganak kita kahit pinag aagawan ka na ng Tito at Tita mo ang himbing parin ng tulog mo at hindi ka iyakin. Ito ang nakuha ng anak mo mula saiyo." Papa

"Masaya ako na nakuha ng anak natin ang ugali niya saiyo. Ang ugaling nagustuhan ng lahat at ang ugaling minahal ko sa umpisa palang. Hindi ko inakala na I've been addicted to you for a long time and here are you now in my arms and finally my wife. I love you Mrs. Pinderson"

"And I love you too Mr.Pinderson. I've been addicted to you too kaya patas lang tayo"

Masaya ako kasi naging addict ako sa isang Joxx Pinderson at hindi ko iyon pinagsisihan.

Ano pabang hihilingin ko?

May Third na ako.

May Joe na ako.

Maganda na ang pamumuhay ko.

At masaya na ang buong pamilya ko.

I think hanggang dito nalang siguro ang kwento ng buhay ko.

Sana naging masaya kang samahan ako sa kwento kong ito at sana napaligaya kita kahit sa kaunting panahon lang.

Sana balang araw mahanap mo rin ang taong kakaadikan mo, na mamahalin mo, na hindi ka iiwan at ipaglalaban ka hanggang kamatayan at magiging masaya ako kapag nahanap mona ang taong iyon.

Ang masasabi kolang mag hintay ka, hintayin mo ang taong para saiyo kasi nandiyan lang siya sa tabi tabi at hinihintay ang tamang oras para magtagpo kayong dalawa.

Hanggang dito nalang salamat at paalam.

-Hyannis Del Vergara Pinderson

The End








A/N: I just want to say thank you for my friend na patuloy akong ini-incourage na mag sulat until na matapos ko siya. Thanks Len!

Credits nga pala sa may ari ng photo na ginawa kong cover. I was happy to see your post at saktong tumugma siya sa story na ginawa ko. So thank you sa pag post if hindi dahil saiyo wala akong matinong cover.

Salamat din sa inyo, sa votes at comments na binigay niyo. I didn't expect it. Goal ko lang kasi ay makapagsulat pero dahil sa inyo na inspire pa lalo ako.

See you sa next stories ko. Just follow my profile lang for updates. Arigato😍

#MJOJ_21
12-12-20

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now