🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 16❤️

538 23 0
                                    


...

=Chapter 16=

=Hyannis=


Masikip, yan ang nararamdaman ko ngayon. Kainis naman kasi itong conductor ng jeep.

Nagsisiksikan na nga kami dito tapos mag dadagdag pa ng pasahero.

Nakakabanas talaga. Sana mayaman nalang ako para may sariling kotse ako hindi ung nakikipag siksikan ako dito tuwing umaga.

Kaya lang pangit naman kung naging mayaman ako, baka naging spoiled brat pa ako pag nagkataon.

Ilang minuto ang nakalipas bago tumigil ang jeep.

"Oh baba na ang crossing diyan."

Naghintay naman ako na makalabas ang iba staka ako sumunod na lumabas. Mabuti nalang at maliit ako kaya hindi nakakapagod yumuko sa loob ng jeep.

Namamawis akong lumabas ng jeep kaya tudo punas ang ginawa ko para lang hindi ako mangamoy.

Nawawala ang effect ng perfume ko.

Tumayo ako sa pedestrian lane at hinintay na mag kulay green ung traffic light.

Sumabay ako sa mga taong tumawid ng mag stop signal ung red light.

Nang makarating ako sa kabilang linya tinahak kona ang daan patungo sa Cafe.

"Ang aga mo ha." Salubong sakin ni Jess ng makarating ako. Sarado pa ung Cafe kasi 6 palang ng umaga mamaya mag bubukas narin to.

"Mas maaga ka" balik kong sabi sa kanya.

Sumandal ako sa glass wall ng Cafe.

"Hyan, Tinapay gusto mo?" Napalingon ako kay Jess ng inalok niya sakin ang sandwich na dala Niya.

Umiling ako sa kanya kasi naka kain na ako ng breakfast.

"Nakapag breakfast na ako Jess kaya salamat nalang."

Pinagmasdan ko ang mga sasakyan na nag dadaanan sa harapan ko pati narin bawat galaw ng mga tao na dumadaan.

May plano na ako para sa paghahanap ko kay papa dito sa Manila.

Yes, ama ko ang dahilan kung bakit napunta ako dito at patuloy na naninirahan dito dahil gusto ko siyang hanapin at makasama muli.

When my mother has gone sumunod si Papa. I don't know what's the reason basta nalang lumuwas si Papa ng Manila, ang sabi niya magtatrabaho siya para sa pag-aaral ko dahil wala na si Mama.

Nalungkot ako nang umalis siya, imagine highschool palang ako nun but tinanggap ko kasi sabi ko sa sarili ko ginagawa niya yun para mapag-aral ako.

Until I graduated high school at naging college, doon na nagsimula.

Nawalan na ako ng communication sa kanya at natigil narin ang pagpapadala niya ng pera pero nakapagtapos parin ako sa tulong ng Tiyo at Lola ko.

And then a decision came to me.

I traveled to Manila to find him.

Akala ko sa una magiging madali lang ang buhay ko dito pero nang nandito na ako nagkamali ako, mas mahirap pa ang buhay dito keysa sa amin.

Hanggang ngayon ay wala parin akong balita kung nasaan siya, may mga nakapagsabi na nakilala nila si Papa pero hanggang doon lang yun.

Kaya hindi ako makapag-ipon ng pera pamasahe pauwi kasi palagi kong na gagastos sa kakahanap sa kanya.

Napuntahan ko narin ang mga lugar na maaari ko siyang matagpuan pero abandonado na ang lugar na iyon.

"Ang a-aga niyong dalawa ha" napukaw ang attention ko nang dumating ang isa sa mga kasamahan namin at binuksan ang Cafe.

Addicted to You (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum