🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 29❤️

483 19 0
                                    

...

=Chapter 29=

=HYANNIS=


"Hey sleepy head gising na" Naalimpungatan ako nang may gumising sakin.

Gumalaw lang ako nang unti bago bumalik ulit sa pagtulog.

"Gising na please"

"Papa naman eh, inaantok pa ako promise kaya mamaya na" Husky kong sabi sa kanya.

Ayokong alisin ang eye mask na suot ko kasi alam kong masisilaw lang ako kapag ginawa ko.

Bumalik ako sa pagtulog pero hindi ako kaagad nakatulog dahil sa mahina niyang tawa.

"Love tama nayang pagtulog mo anong oras na oh. Hindi kapa nakakain nang breakfast kaya mag b-brunch ka nalang."

Biglang nanlaki ang mata ko sa ilalim ng suot kong eye mask.

Itinaklob ko biglaan ang kumot sa buong katawan ko.

"Teka ang aga-aga bakit nandito ka?"

"Tanghali na kaya"

"Eh kahit na nakakahiya kaya basta ka nalang pumasok dito."

"Kailan kapa nahiya? Tara na bumangon kana diyan may pupuntahan tayo."

"Pagod ako, gusto kong magpahinga." Sabi ko bago inalis ang kumot sa katawan ko at ang takip sa mata ko.

Hindi nga ako nagkamali kasi nasilaw nga ako sa kagwapuhan nitong lalaking kaharap ko.

Hindi talaga ako makapaniwala na inamin niya rin saking gusto niya ako na we're on the same feelings.

Sa buong buhay ko hindi ako nanghangad nang ganito, dati mag ka crush lang ako sa gwapo ok na ako satisfy na ako doon pero hindi ko inakala na bibigyan ako nang ganitong biyaya.

At hindi ko akalain na siya pa ang naunang na fall in. Ang sarap lang sa pakiramdam.

"Satisfy kana ba sa mukha ko?" Napa kurap kurap ako nang mapansing sobrang lalim nang titig ko sa kanya.

"Eh kasi naman eh." Nahihiyang sabi ko. Kainis para akong teenager sa lagay na ito.

"Kasi ano?" Sabi niya at nag lean sa harap ko.

"Ah ano, wala hwag mo nang alamin sakin nalang yun."

"Tsk ikaw talaga" sabi niya sabay pingot sa ilong ko. "Btw good morning Love" Napangiti ako nang malawak nang may inilabas siyang red rose sa likod niya.

Whaaa ang sweet nang manliligaw ko.

Hindi talaga ako makapaniwala na birthday ko kagabe at siya ang may pakana nun pagkatapos hindi ko inaasahang aamin siya sakin sa mismong araw ng birthday ko na ipinaliwanag naman niya kagabe.

"Panu mo nalamang birthday ko?"

"Well sabihin na natin na ikwento sakin ni Paps ang about diyan matagal na panahon nang nakakalipas."

"Palagi ba talaga akong kinuwento ni Papa saiyo?" Biglang tanong ko at hinarap siya.

Nandito kasi kami ngayon sa rooftop nang hotel at hindi ko inaasahan ang madadatnan ko dito.

Mayroong dine table na naka ready sa gitna tapos napapaligiran pa nang candles ang paligid.

Sinabi niya na dito sana siya magtatapat sakin kaya lang napa aga raw. Kaya tinawa ko nalang ang kahihiyan na nararamdaman ko.

Addicted to You (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu