🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 35❤️

456 19 0
                                    

...

=Chapter 35=

=HYANNIS=

Pagkauwi namin hinatid ko sa bawat rooms nila ang regalo ko para sa kanila except doon kay Third na naibigay kona.

Nandito parin kami sa mansion. Gusto sana ni Papa na bumukod kami kaya lang tudo pursige naman si Third na hwag na kasi daw wala namang nakatira dito sa mansion at mas safe dito kasi maraming bantay kaysa sa lumipat pa kami.

Sa una nag dalawang isip pa si Papa pero sa huli napapayag din ni Mama pero kami ang gagastos para sa bahay na ito na ayaw pa sanang payagan ni Third pero sa huli pumayag nadin.

May trabaho naman kasi si Ben at iyon ay ang pamamahala sa company ng Father niya.

Si Papa nakahanap nadin ng trabaho at si Mama patuloy parin sa trabaho niya.

Kinaumagahan maaga akong nagising dahil sa kadahilanang naiihi nanaman ako. Daily routine kona kasi ito kaya napapa-aga narin ang gising ko tuwing umaga.

Pagkatapos kong makaligo at makapagbihis bumaba na ako para mag agahan.

"Good morning Manang si Third?" Bati ko kay Manang ng madatnan ko siyang naghahanda na ng pagkain.

"Naku hija sa palagay ko tulog pa iyon. Magdamag kasing nakaharap sa trabaho at madaling araw na natulog." Paliwanag niya na ikinatingin ko naman sa ikalawang palapag ng bahay.

"Ung lalaking iyon talaga tsk. Sige Manang doon nalang ako kakain sa kwarto niya." Sabi ko staka kinuha ang Isang tray at sinimulang maglapag ng pagkain doon.

Nag timpla nadin ako ng Coffee para sa kanya.

"Sigurado kang kaya moyan hija?" Manang

"Opo Manang, kerry ko nato. Mag agahan narin po kayong lahat."

"Eh ikaw bahala, sige tatawagin kolang sila."

Sinimulan konang ihakbang ang paa ko patungo sa hagdan at tinungo kung nasaan ang kwarto ni Third.

As usual hindi naka lock ang pinto niya ng buksan ko ito.

Pagkapasok ko bumungad sakin ang maayos at mabangong kwarto niya.

Namataan ko naman siyang mahimbing na natutulog habang nakadapa.

Inilapag ko sa maliit na mesa niya ang dala ko at humakbang palapit sa kanya.

Sumampa ako sa kabilang bahagi ng kama niya kasi doon naka harap ang mukha niya.

"Love gising na, hoy!" Tapik ko sa kanya para magising siya.

"Good morning! Bangon na naka ready na ang breakfast natin at dinala kona dito." Sabi ko sa kanya ng gumalaw siya.

"Mamaya na, samahan mo nalang ako matulog mona" Napangiti ako kasi nakapikit pa siya habang nagsasalita.

"Anong oras kanaba natulog at bakit puyat na puyat ka?"

"3 ng umaga kaya hayaan mo mona ako huh?"

"Sige matulog ka muna. Kawawa naman ang Boyfriend ko pagod na pagod talaga sa trabaho."

Sabi ko habang hinihimas ang buhok niya para makatulog siya ulit.

Nakita ko namang sumilay ang ngiti sa labi niya.

Gumalaw siya sa pagkakahiga bago hinila ako pahiga sa tabi niya na ikinagulat ko naman.

"Samahan mo akong matulog."

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now