🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 24❤️

437 19 0
                                    


...

=Chapter 24=

=HYANNIS=


Nakatakas ako, nakalayo na ako at malaya na ako.

Yan ang mga salitang pilit kong pinapasok sa utak ko habang umuusad ang eroplanong sinasakyan ko.

Ayoko sanang iwan siya, ayoko sanang iwan at lumayo sa kanila pero heto nalang ang natatanging paraan na naiisip ko upang hindi na maging pabigat sa kanila.

Sa totoo lang nagpapasalamat ako kasi dumating sila sa buhay ko nang hindi inaasahan. At hindi ko inakalang mag mamahal ako nang panibagong tao sa buhay ko.

Sa loob nang anim na taon na pananatili ko dito sa Manila ngayon lang ako nakaramdam na may mga tunay na kaibigang nandiyan palagi para samahan, pahalagahan, iingatan at ililigtas ka.

Kaya nga napag isip isip korin na lumayo nalang kasi habang tumatagal lalong lumalala ang mga pangyayari sa buhay ko at ayokong dumating ung panahon na sila ang mapahamak nang dahil sakin.

Ayoko naring maging pabigat pa sa kanila kasi sa totoo lang kakakilala ko palang sa kanila tapos heto at ganito na ang trato nila sakin.

Ayokong dumating sa punto na hindi kona mapangalagaan ang sarili ko kasi aasa nalang ako sa tulong nila at ayokong mangyari iyon.

Tanaw ang malawak na karagatan sa ibaba, iniisip ko kung ano na kayang ginagawa nila ngayon? Hinahanap din kaya nila ako?

It's been more than an hour nang umalis ako kasi nahirapan pa ako kakahanap nang masasakyan patungong airport.

Hindi narin ako nakatulog nang maayos dahil sa kakaisip sa mga bagay na ginawa ko.

Pagkalapag nang eroplano sa Iloilo airport kaagad akong sumakay nang taxi.

"Diin ka ma'am?" (Saan ka ma'am?)

"Sa Tagbak terminal ho Manong." Tumango naman ang taxi driver at nagsimula nang patakbubin ang taxi.

Pasado ala singko narin nang umaga at medyo inaantok narin ako. Siguro sa Van nalang ako matutulog mamaya total three hours naman ang byahe patungong Bayan nang Estancia.

Mabuti nalang at isang katamtaman lang na laki nang bag ang dala ko kaya hindi naging hassle sa akin pag pasok sa loob nang Van.

Hinayaan ko ang sarili kong matulog sa byahe habang yakap ang bag ko na tinutukuran ko narin para lang makatulog nang maayos.

Nagising ako nang maramdaman na tumigil iyong Van at bumungad sakin ang maliwanag na paligid na nag papahiwatig na umaga na.

Tinignan ko ang wrist watch ko at pasado 8 na nang umaga.

Unti unti nang nagsisibabaan ang mga pasahero, tumayo narin ako sa kinauupuan ko at umusad na palabas. Staka ako nag bayad nang pamasahe pag kalabas ko.

Tumambad sakin ang malawak at bagong terminal nang Estancia.

Napangiti ako nang maisip na sa wakas nakauwi rin ako makalipas ang ilang taon pero hindi ko maiwasang isipin kung anong magiging reaction nila pag nakitang nandito na ako.

At dahil wala akong matutuluyan dito dahil galit ako sa tiya ko doon ko naisipang tumuloy sa tiyuhin ko.

"Ms. Masakay ka?" Salubong sakin nung isang driver. Tumango naman ako sa kanya at staka pumasok nang tricycle.

"Sa Villa po Manong."

"Taga diri ka o indi?" (Taga dito ba kayo o hindi?)

"Pure Ilongga Nong galing nagkadto sa Manila para mag ubra kag sobong lang nakapuli." (Pure Ilongga Manong kaya lang napunta sa Manila at ngayon lang naka-uwi.) Tumatawang sabi ko sa kanya.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now