🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 31❤️

460 21 0
                                    

...

=Chapter 31=

=HYANNIS=


Akala ko pagkatapos nang dinner namin uuwi na kami pero mali ako kasi may pupuntahan daw kaming event.

Wala akong ka ideya sa event na sinasabi nila kaya sumama nalang ako.

I think ako nalang ang walang ka ideya ideya sa mga nangyayari sa mundo.

Ganun naba ako ka preoccupied kay Third para hindi na isipin ang mga bagay bagay sa paligid namin?

"Hindi ba ako mukhang hagard ngayon?" Tanong ko kay Ben kasi naman ang emo kaya nang nangyari kanina tapos sinakal pa ako nitong magaling kong kuya.

Magkasama kami ngayon at sina Mama naman at Papa ang mag kasama.

Hinayaan na namin sila para naman mag ka moment sila sa isat-isa.

"Hmm...hindi naman pero panigurado yang puso mo hagard na hagard para kay Third."

Hinampas ko siya bigla sa braso niya nang sabihin iyon.

Ano na kaya ang ginagawa ni Third. Nakakain na kaya iyon?

Hmm matawagan nga.

Nilabas ko ang Cellphone ko sa pouch ko. Napalitan na yung dati kong phone kasi kasama iyon sa mga nasunog.

Naawa nga ako that time sa matandang may ari ng paupahan kasi nawalan siya ng kabuhayan tapos malalaman kolang na binayaran na pala siya ni Third.

Ang matandang iyon talaga mukhang pera kahit kailan.

Ilang ring pa ang narinig ko bago niya nasagot.

"Hello Love?"

"Sorry busy kaba? I just want to check you lang naman if nakapag dinner kana, hwag masyadong lulung sa trabaho kumain ka sa tamang oras."

"Mahal na mahal mo talaga ako no kasi kahit na kasama mo ang pamilya mo nagawa mo parin akong kausapin."

"Teka panu mo nalaman?"

"Ah...eh...Paps text me yes pinaalam sakin ng papa mo kani-kanina lang."

"Ow ganun?"

"Gusto pa sana kitang makausap nang matagal kaya lang may kailangan pa akong tapusin, don't worry I'll call you later"

"Yeah sure, baba mona basta hwag kalimutang kumain ah?"

"Yes Love, I love you"

"I love you too, Love Sige na baba mona"

"Ikaw na"

"Psh. Sige na nga. Love you ulit."

Kaagad ko namang pinatay ang tawag. Ayaw talaga niyang siya ang nag e-end nang call.

"Matawagan din nga ang Mahal ko at nang nakatanggap din ako nang matamis na I love you galing sa kanya." Biglang sabi ni Ben na katabi kolang pala.

Inilabas niya ung Cellphone niya at may dinial na number doon.

Nanatili nang ilang segundo ang cellphone sa tainga niya pagkatapos.

"Busy ang line niya siguro nag babake nanaman iyon. Psh mas matamis pa yata yong cup cake kaysa sa I love you niya" Nakabusangot niyang sabi kaya naman humagalpak ako nang tawa sa kanya.

"Ang sama mong kapatid"

"Hoy! Hindi ah supportado kaya kita."

"Psh paniwala naman ako kuno dabi. Maupo na ngalang tayo dun." Turo niya sa mesang nasaunahan.

Addicted to You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon