🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 4❤️

672 27 0
                                    


...

=Chapter 4=

=Hyannis=


Napatingin ako sa paligid ko.

This is it makakauwi narin ako sa wakas samin.

Gamit ang isang kamay ko binuhat ko ang bag na dala ko at nag simula nang maglakad dahil paalis na ang barkong sasakyan ko.

Pagkapasok ko kaagad akong nag hanap ng bed na mahihigahan ko sa kalagitnaan ng byahe.

Hindi ako nag byahe though air dahil mahal kaya titiisin ko nalang ang mahabang byahe nato total ilang oras lang naman eh makakauwi na ako sa amin.

Nahiga muna ako sa higaan at pinakiramdaman ang paligid.

Gabe ang pinili kong byahe para naman maka pagpahinga ako at hindi mapagod ng sobra.

Isang oras na ang lumipas simula nung umandar ang barko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Pa ikot ikot lang ako sa hinihiga-an ko pero wala parin.

Nung mainis ako napag disisyonan ko nalang na bumangon. Napatingin ako sa katabi ko.

"Ahm Ms. Pwede pakibantayan muna ang pwesto ko. Magpapahangin lang muna ako sa taas para naman dalawin ako ng antok."

"Ah sige po ate ako nang bahala. Dalhin niyo nalang po ang mga importante niyong gamit para walang problema."

"Sige salamat ha."

Sinuot ko ung sapatos ko at nagsimula nang tahakin ang daan.

Medyo nag pagiwang giwang pa ako na parang lasing dahil narin sa malakas ang alon na tinatahak nitong barko na sinasakyan ko.

Umakyat ako ng hagdan at narating ko ang taas which is ang ikatlong palapag o ung rooftop.

Tahimik doon at medyo madilim kaya hindi mo mapapansin kung may tao ba o wala.

Naramdaman korin ang lamig na dulot ng hangin kaya napayakap ako sa saliri ko.

Tinungo ko ang railis ng barko at doon tumayo.

Tinititigan ko ang paligid kahit na wala naman akong makita dahil madilim.

Tanging ang ingay lamang na nag mumula sa makina nitong barko ang gumagambala sa tainga ko.

Lumipas na ang ilang minuto pero nandito parin ako, nakatayo at iniisip kung ano ang maaari kong gawin para mabawi ang bahay namin.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at napag disisyonan nang bumalik dahil inaantok narin ako sa wakas pero napatigil ako sa paghakbang ng masilayan ang isang rebulto ng lalaki na nakatayo hindi kalayuan sakin.

Ramdam kong ako ang pakay niya dahil saakin siya nakatingin.

"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?"
Mahinahon na pagkakasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sa palagay moba matatakasan mo kami?"

"Teka sino kaba? Hindi kita kilala kaya wala akong atraso na dapat takasan sa inyo."

"Tama ka wala ka ngang atraso pero siya meron! So ngayon tatapusin kona ang atraso niya."

"Teka! Hindi kita maintindihan"

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now