🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 28❤️

492 21 2
                                    

...

=Chapter 28=

=HYANNIS=


"Papa anong gagawin ko?"

Nasa kwarto ako ngayon ni Papa at kanina pa ako dito palakad lakad at hindi alam ang gagawin.

Ang tanda tanda kona pero nag mumukha akong high school na dadalo nang JS Ball at hindi alam ang gagawin.

"Hyanni kumalma ka nga kanina kapa pabalik balik diyan nahihilo na ako saiyo."

Napatigil naman ako sa paglalakad at naupo nalang sa kama niya.

"Eh Papa naman eh hindi ko talaga alam ang gagawin ko promise."

"Yanni relax, ok? Niyaya kalang niya na maging date hindi maging asawa kaya relax. Dinaig mopa ang Mama mo sa pagka praning niya minsan." Papa at pinagtatawanan na ako.

"Eh Papa naman. Panu ako hindi mapapraning kung mamaya nayun at staka hindi ko alam kung ano ang susuotin ko ni hindi ko nga alam kung papanu mag ayos kapag dadalo nang party eh dapat maging representable naman ang dating ko nakakahiya kaya yun para kay Third." Paliwanag ko sa kanya.

Lumipat naman siya nang upo sa tabi ko at bigla akong niyakap.

"Ang anak ko nag grown up na talaga at hindi ko man lang nasilayan iyon. Don't worry about it anak si Third nang bahala saiyo, magtiwala ka sa kanya."

"Pero Papa-"

"Sige na mag ready kana."

"Sige na ngapo. Bye Pa"

Humalik muna ako sa kanya bago lumabas ng kwarto niya.

Nakatulalang naglalakad ako patungo sa kwarto ko nang bigla akong nabangga nang isa sa mga tauhan dito sa mansion.

"Naku kuya pasensiya napo hindi po kasi ak-" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto ko kung sino ang taong iyon.

Ilang hakbang paatras ang ginawa ko nang makilala ko siya.

"Ms.Hyan-"

"Hwag kang lumapit!" Sabi ko na ikinatigil naman niya sa paghakbang.

"Anong ginagawa mo dito ha! Sinabi nang hwag kang lalapit!" Napasigaw na ako dahil sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko. Ang lalaking ito, hinding hindi ko nakakalimutan ang araw na iyon.

"Pasensiya, sana mapatawad mo ako sa ginawa ko" Sabi niya at sinikap na abutin ako kaya naman bigla akong nataranta at nagsisigaw na.

"Hwag kang lumapit! Hwag kang lumapit! Nagmamakaawa ako saiyo hwag parang awa mona hwag mo akong saktan ulit!."

Biglang bumalik sa alala ko ang panahong pinasok ako sa bahay at pinagtangkaan akong patayin, ang taong ito! Siya ang may kagagawan nun at hinding hindi ko makakalimutan ang mukha nang taong iyon lalo na ngayong nakatayo siya mismo sa harapan ko.

Nag-uunahan na sa pagtulo ang luha ko at nanginginig narin dahil sa takot ang katawan ko.

"Hyan! Anong nangyayari dito?" Bigla kong narinig ang boses niya, kaagad naman siyang nakalapit sakin at niyakap ako.

"Anong ginawa mo?! Diba sinabi ko saiyong hwag kang magpapakita sa kanya?"

"Boss Pasensiya na hindi ko naman alam mangyayari to."

"T-Third siya, siya yung nagtangkang patayin ako, Third baka gawin niya sakin ulit iyon natatakot ako Third, natatakot ako."

"Sshhh...Hyan makinig ka! Hyan tignan mo ako sa mata" Napatigil ako sa pag iisip nang kung ano ano at tumingin sa kanya.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now