🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 26❤️

483 21 4
                                    

...

=Chapter 26=

=HYANNIS=


Matapos ang usapang iyon nakiusap ako kay Third na patapusin nalang ang isang linggo kong pananatili dito sa Island bago bumalik nang Manila.

Bukod sa gusto ko pang samahan si Tito dito ay iniisip korin kung babalik paba ako sa Manila o hindi na.

But there is something inside me that telling me na bumalik ako nang Manila dahil nandun ang mga taong makakapagpasaya sa akin.

"Ano insan tutunganga ka nalang ba diyan? Hindi ka sasakay?" Napalingon ako kay insan na nakasakay na sa bangka at hinihintay nalang ako na umakyat

"Oo na paakyat na nga ho. Dami pang sinasabi eh"

"Aminin mona kasing nanghihinayang ka kasi hindi makakasama si Mr. Pinderson saiyo."

"The heck sa mga pinagsasabi mo diyan! Tumigil ka nga!" Sabi ko at kaagad na umakyat sa bangka.

Nakarating kami nang Sandbar pero hindi parin matigil sa panunukso sakin si Anton kaya pagkababa ko lumayo talaga ako sa kanya ng sobrang layo ung hindi niya ako mahahanap.

Kainis talaga ang lalaki nayun ayaw akong tantanan.

Maraming tourist na nandito sa Sandbar kaya na aliw akong maglibot. Isa pa marami naring mga nagtitinda sa gilid at maaaliw ka talaga sa sari saring mga bagay na gawa sa shell.

Hindi na ako nasundan ni Anton kasi hinarang siya ng ilang tourist na nakakilala sa kanya kaya tawa ako nang tawa habang pinapanuod siyang hindi makawala.

Ang sama kobang pinsan? Well ganito talaga kami ni Anton.

Ibinaling ko ang paningin ko sa nag kukumpulang mga babae sa d kalayuan sakin.

Ang tawa ko kanina sa pinsan ko nadagdagan nang makita si Third na pinapalibutan narin at hindi makawala.

So nandito din pala siya.

Ganito ba talaga kapag gwapo? Palaging kinukulong ng kababaihan?

Napasandal ako sa puno nang niyog habang sumisipsip sa juice na binili ko kanina habang palipat lipat ang tingin sa dalawa at naghihintay nang strategy nila kung papano makalayo.

Muntik na akong masamid nang bumaling ang paningin ko kay Third at saktong nakatitig din pala sakin.

May sinabi siya sa mga babae at bigla nalang silang nagsi-alisan.

"Kanina mopa ako tinatawanan at hindi nakaligtas yun sa paningin ko." Napalunok ako nang ilang beses nang nakalapit na siya sakin at kinorner ako sa niyog kaya wala akong magawa kundi ang tumitig sa mga mata niyang napakaganda.

"Tell me bakit mo ako pinagtatawanan ha?"

"Ah..ano kasi...pareho kayo nang sitwasyon ni Anton at staka iniisip ko kung sino ang mauunang makalaya kaya ayun..." Awkward na pagkakasabi ko. Pinagtitinginan na kaya kami nang mga tao at wala man lang siyang pakialam.

"Alam moba kung bakit ako nakaalis?" Sabi niya na  ikina-iling ko naman.

"Well sinabi kolang naman sa kanila na may asawa na ako at pinagtatawanan niya ako ngayon dahil may pinaplano siyang masama sa mga babaeng nakapaligid sa akin kapag hindi pa nila ako pinakawalan."

"Teka! Ang lame naman nang excuse mo at walang katotohanan." Sabi ko staka tinulak siya palayo.

Ngumisi naman siya sakin na ikina-iwas ko nang tingin.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now