🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 9❤️

555 19 0
                                    


...

=Chapter 9=

=Hyan=

Ok this is it...heto na talaga papasok na talaga ako bilang isang secretary and I'm so kinakabahan pakwang papel lang. Ilang beses konang kinalma ang sarili ko pero putspa grabe parin ang tambol ng dibdib ko parang lalabas na yata, pati kamay ko na nginginig sa kaba.

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok doon. Kaya nag lakad naman ako para salubungin ito.

"Kanina kapa diyan sa loob, may balak kabang buruhin ang sarili mo?" Tanong niya sakin habang kinikilatis ako.

"Eh Chong kinakabahan ako eh, kanina naman ok pa ako pero nang makapag palit na ako bigla nalang ako kinabahan ewan koba kung bakit."

"Tsk excited kalang. Tara na baka ma late ka."
Sabi niya at tinalikuran na ako.

"Wait lang Chong naka tsinelas pa ako. Hala anong susuotin kong pampaa?" Napatigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Try mo kayang mag suot ng sneakers para masaya." Walang modong sabi niya. Lalaking to sarap upakan, nag tatanong ng maayos eh.

"Hindi ako nag bibiro," tinitigan ko siya ng masama. Napa buntong hininga naman siya.

"Mag flats ka trainee ka palang naman staka kana mag heels kung regular employee kana." Walang ganang sabi niya sakin akala mo pinag kaitan ng kagalangan para ganun ung pakikitungo niya. Psh pasalamat siya at may galang ako minsan kung wala palaging kabo sakin ang lalaking ito.

Tinungo ko nalang ang lalagyan ng flats ko at nag hanap ng babagay sa suot ko.  Nakasuot ako ngayon ng dirty white na pencil skirt at pinarisan ko naman iyon ng dirty white din na uper skirt. Actually lahat ng binili ng Third ay mag kakaterno kaya hindi na ako mahihirapan sa paghahanap ng iteterno ko. Matapos kong masuot ung flats ay lumabas na ako ng kwarto pero siniguro ko monang nasa bag kona lahat ng gamit ko. Kahit ganito buhay ko alam ko parin naman kung papano maging formal sa harap ng ibang tao at siniguro ko talagang handa ako sa mga ganun.

"Ang tagal mo naman." Bungad niya sakin ng makalabas ako. Pinakatitigan ko siya at naka suot siya ng simi-formal ngayon, light blue na long sleeve shirt na tinupi niya into one fourth na naka tuk-in naman sa pants niyang dark blue at pinarisan niya ito ng black shoes. Ung totoo may driver bang ganito ang pormahan?

"Tigilan mo nga yang kakaisip na driver ako. Tsk let's go." Napakamot nalang ako sa ulo ko bago sumonod sa kanya. Sinigurado ko monang naka lock ang bahay bago kami nag simulang maglakad patungong labasan, remember doon nakapark ang kotse ng amo nitong lalaking ito. Pero malapit na akong magpalit ng paniniwala na sa amo niya ito.

Remember the condo? How can a driver like him to have an expensive condo like that at idagdag mopa ung look niya ngayon? Isa lang talaga ang segurado ako sa ngayon at yun ay ang hindi kopa lubusang kilala ang lalaking ito ni buong pangalan niya nga ay hindi ko kilala diba? Only the name Third at yun lang. Well except sa thought na mahilig siya sa curry.

Nang makalapit kami sa kotse ay kaagad kaming sumakay. I put my seat belt on at kaagad niya namang ini-start ito. The ride was smooth at wala namang naging mahabang traffic madalas kasi un dito sa Manila eh lalo na sa EDSA mabuti nalang at hindi ang rota namin doon.

Ang kabang nawala kanina ay bumalik ng mag park kami sa loob ng parking lot nitong building na pag tatrabahuhan ko simula ngayon. Hindi agad ako nakalabas ng sasakyan dahil pakiramdam ko hindi ko kayang maglakad patungong elevator.

Nag taka naman si Third nang makitang hindi parin ako gumagalaw dito kaya nag lakad ito patungo sakin.

"May plano kabang manatili diyan buong mag damag?" Salubong niya sakin ng mabuksan niya ang pinto ng kotse.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now