🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 14❤️

541 18 0
                                    


...

=Chapter 14=

=Hyannis=


Hindi mapaliwanag na saya ang naramdaman ko nang tumapak ako sa pintuan ng Cafe ni Ms. Trisha.

Hindi kona mabilang kung ilang araw or weeks akong nawala dito and now I'm back.

I can't believe it happen.

Malamang kung hindi ko pinagtabuyan si Third malamang na sa office parin ako ngayon.

"Good morning Ma'am wel- Hyan?"

Napalingon ako sa bumati sakin at iyon ay si Sam.

"Sam! I miss you."

Lumapit siya sakin at niyakap ako. Hindi lang yakap kasi hinampas pa ako.

"Ikaw ah ang swerte mo naman sa trabaho mo. Btw pasok mo naman ako doon oh." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Paano ko siya maipasok doon kung umalis na ako sa companyang iyon.

"I resigned in that company Sam at heto ako ngayon, babalik na ako dito" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Really? I mean really dito ka ulit? Pero bakit ka umalis? Swerte na doon eh." Nag kibit balikat nalang ako sa kanya. Ayoko nang sabihin pa ang reason kung bakit ako umalis.

"Sabihin na nating mas gusto ko ang coffee kaysa sa mga papel" natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw talaga. Btw masaya ako at bumalik ka dito. Nadagdagan ng masisipag na employee ang Cafe ni Manager." Sabi niya habang ngumingiti ngiti pa sakin.

Alam kong nasa utak ng babaeng to eh. Pero hayaan pagbibigyan ko nalang para pambawi narin dahil first day ko ngayon.

"Welcome back Hyan." Napalingon ako sa bumati sakin and then I saw Ms. Trisha waving her hands on me.

"Thank you Boss." Ngumiti ako sa kanya bago siya pumasok ng opisina niya.

"Tara samahan na kita sa locker mo para makapag kwentuhan pa tayo." Sabi niya sakin at hinigit ako patungong locker room.

"Ano namang I ku-kuwento ko saiyo? Wala namang masyadong ganap sa buhay ko." Sabi ko habang inaalala kung may maganda bang nangyari sa buhay ko na ikinatuwa ko ng tudo simula nang dumating ako dito sa Manila.

"Anong wala madami kaya girl, who's that guy na nakipagkita saiyo before you leave here? Ikaw ah may hindi ka sinasabi sakin." Sabi niya habang tinititigan ako na parang may iba sa sinabi niya.

Naalala ko naman ung time na pinuntahan niya ako dito para ipaalam na inapply niya ako sa isang companya.

"Wala yun, at tska nag kataon lang na kakilala ko iyon." Sabi ko habang inaabala ang sarili sa paglagay ng gamit ko sa magiging locker ko or should I say my old locker here before.

"Balita ko nga pinsan un ni Boss. Grabe ang gandang lahi nila no? At maganda rin ang pamumuhay." Napatingin ako sa kanya at panigurado nangangarap na naman ang babeng to.

"Hwag kanang mangarap diyan Sam. Mag sipag ka nalang sa trabaho." Direktang sabi ko sa kanya at saka sinarado ang locker ko.

"Kahit kailan napaka straight to the point mo talaga Hyan. Hala ka ikaw din tatandang dalaga kapag puro nalang trabaho yang laman ng utak mo. Mag pantasya karin kaya kahit minsan. Maghanap ka nang lalaking kaka adikan mo para may saysay naman yang buhay mo." Sabi niya habang naka sunod sakin.

Napa hawak naman ako sa kwentas ko at napangiti.

Kung nabigyan lang ako ng pagkakataon na makilala ang lalaking yun malamang siya na ang pinag papantasyahan ko kaya lang malas at kwentas lang niya ang natirang palatandaan na niligtas niya ako that time.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now