🖤ᜀᜆ᜔ᜌ᜔: CHAPTER 20❤️

548 23 2
                                    


...

=Chapter 20=

=Hyannis=


"Ok kana?" Tanong ni Ben na ikinatango ko naman.

"Oo salamat." Napatingin ako sa kanya ganun din kay Third pero kaagad ko namang iniwas ang tingin ko ng makitang nakatingin siya sakin.

"Sandali lang ihahain kona itong pagkain" Ben at iniwan kami.

"Sabihin mo lang kung may kailangan ka" Saad niya sakin ako naman ay nakayukong tumango sa kanya. Ewan ko ngaba kung bakit ako nakayuko.

Siguro dahil sa mga ginawa ko dati. Pero heto parin siya, niligtas niya ako sa panganib sa ilang pagkakataon.

"Ahm...Chong gusto kong makita ung bahay." Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Staka na kapag magaling kana. Sa ngayon under investigation pa ang bahay mo kaya bawal pang lumapit ang kahit sino doon." Paliwanag niya na ikinatango ko naman.

"Ok pa naman ang bahay diba?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag natupok talaga ng apoy ang bahay.

"Wala akong alam sa bagay na iyan." Sabi niya at iniiwas ang tingin sakin.

Napabuntong hininga naman ako at nag dasal na sana may ma-uuwian pa akong bahay pagkalabas ko dito.

"Handa nang pagkain. Tara kain na tayo nagugutom na ako eh." Anunsiyo ni Ben at lumapit sakin habang may dalang tray na may lamang pagkain na para sakin.

Iniayos naman ako ng upo ni Third pati narin ung table na kakainan ko.

Ang sarap pala nang ganito sa feeling. Ung tipong may nag aalaga saiyo.

Pero hindi ko naman hihilingin na sana palagi akong na ho-hospital dahil lang sa may nag aalaga sakin dito.

"Oh ayan kain na." Sabi niya at pinanuod mona ako. Sinimangutan ko naman sila dahil wala yata silang balak na sabayan ako sa pagkain.

"Sabayan niyo naman ako sa pagkain hindi ung panunuurin niyo ako habang kumakain. Nakakailang kaya." Pagsusungit ko sa kanila kaya nagtawanan naman silang dalawa na parang sila lang ang nakakaintindi.

"Tara kain narin tayo." Ben at hinila si Third sa mesang nasa gilid.

Private room tong kinalalagyan ko ngayon kaya kompleto sa gamit.

Kumain kami ng tahimik, respeto narin sa graciá.

Pagkatapos naming kumain may pumasok na nurse at chineck ako.

Nainis pa nga ako kasi panay ang pa cute akala mo ganun talaga siya ka cute para mag pa cute sa harap nitong mga kasama ko. Psh. Acute na kaya siya kung sa mga cancer malala na.

Pagkalabas nang nurse binato ko nang unan si Ben.

"Hoy! Problema mo at bakit binato mo ako?" Paniningkit nang mata niya habang tinatanong ako kung bakit ko siya binato.

Syempre remember nasa side ako ni Ms.Trisha kaya hindi pwedeng pinapatulan niya ung pag papacute nang nurse nayon.

"Sumbong kita kay Ms.Trisha." Sabi ko sa kanya na ikinalunok naman niya.

"Hoy! Wala akong ginawa ah. Kaya hwag."

"Anong wala kita ko kaya ung pagpapacute mo sa nurse nayon."

"Eh...oo na basta hwag molang sabihin."

"Sabihin ang alin?" Bungad ni Chong na kakalabas lang sa CR.

"Wala yun nag kakainisan lang kami. Diba Hyan?" Pinanlakihan pa niya ako nang mata na parang sinasabing Don't you dare tell him about Trisha.

Addicted to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now