Sa pag-ibig, hindi sapat ang tiwala, sakripisyo at pagtitiis lang para makamit ang inaasam na pagmamahal mula sa isang tao. Dahil ang pinakamahalaga sa taong nagmamahal ay iyong mayroong MAKAPAL na mukha. Aminin na nating hindi gano'n kadaling makuha ang puso ng isang tao. Minsan kailangan mong bumaba sa lebel ng mga taong may saltik at gawing kasing kapal ng espalto ng kalsada ang mukha mo para lang makuha ang atensyon ng taong gusto mo. Tulad na lang ni Barista"Barry"Malabanan na gagawin ang lahat upang makamit ang pag-ibig na inaasam-asam mula sa kaba-bata at kapitbahay niyang si Atlas Ferrer. Kahit pa kahihiyan ang inaabot nito. Kaya lang gawin man lahat ni Barry, hindi pa rin nito makukuha ang puso ni Atlas dahil pag mamay-ari na ito ng iba.