Kabanata 26

25 22 1
                                    


"Anong minamaktol mo d'yan? Para kang chicks na hindi na pagbigyan sa itsura mo," si Kuya Lito na kanina pa nasa harapan ng salamin.

Bihis na rin ito para pumunta sa sayawan sa barangay hall.

"Hindi na lang ako pupunta!" nakangusong yamot na sabi ko.

Naglagay naman ito ng pabango sa damit niya bago sumagot. "Ikaw ang bahala."

"Kuya naman, e!" Tumayo ako sa kinauupuan ko.

Wala kasing silbi kung pupunta ako sa sayawan. Sinabihan niya kasi ako na isang oras lang ako doon. E, alas-otso ang simula ng sayawan. Ilang minuto na lang mag a-alas-otso niya, maglalakad pa ako papuntang baranggay hall.

"Anong ina-arte mo? Kung ayaw mong pumunta, huwag kang pumunta."

"Wala namang pasok bukas, e."

"Wala ka rin naman kasing gagawin doon. Matutuyo lang mata mo sa panonood kaya mabuti pang huwag ka nang pumunta. Matulog kana lang para lumaki kapa."

"Gusto ko ring sumayaw."

Naningkit ang mata nito sa sinabi ko. Magsasalita sana ito nang marinig namin ang boses ni Rafael sa labas ng bahay.

"Babyko," sambit nito sa endearment niya sa akin ng makalapit ito sa pinto.

Naka jagger at white t-shirt ito na may nakasulat na Fuma sa harapan. Nang umihip ang hangin na nuot sa ilong ko ang aficionado'ng pabango nito.

"Hanep, Parang sayawan sa kasalan ang pupuntahan mo ah," puna ni Kuya sa kanya.

"Kailangan palagi tayong pogi, Kuya." mayabang na sagot nito bago tumingin sa akin.

"Ba't? 'di kapa bihis, babyko."

Napapikit ako. Kaninang tanghali niya pa ako tinatawag na Baby ko, konti na lang ang pagpipigil ko na huwag padapuin ang kamao ko sa mapula niyang labi. Alam ko namang pinagtitripan niya lang ako. Ano na lang ang iisipin ni Atlas?

"Bah! Tinubuan kana ng itlog ah. Kayo na?" si Kuya Lito na inakbayan ba si Rafael.

Hanep din itong Kuya ko. Ayaw akong magtagal sa sayawan pero gusto namang maging kami ni Rafael.

Napakamot naman sa ulo niya si Rafael bago nito sinagot si Kuya na nakangisi. "Ayaw sa akin, Bayaw."

Tinapik-tapik ni Kuya ang balikat nito. " Simple lang 'yan. I-korner mo, pagkatapos, halikan mo. Tignan ko lang kung hindi omo-o 'yan."

Nanlaki ang mata ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanilang dalawa. Kung makapag-usap sila parang wala ako sa harapan nila at ang magaling kong kapatid binubugaw ako.

"Excuse me! Magbibihis lang ako. And for your information, Kuya. Loyal ako kay Atlas, hindi ko type ang mga lalaking mas maganda pa sa akin!"

Tumalikod na ako at tumungo na ako sa kwarto ko. Nakapag-shower naman na ako kanina kaya magpapalit na lang ako ng damit att habang nagbibihis narinig ko pa ang pag-uusap nila.

"Sabi ko naman sayo, hindi tatalab sa kanya ang mga pa-cute na da-moves mo. Kahit sabihin mo na sa kanya lahat ng matatamis na salita at kahit magpa-alila kapa sa kanya, hindi ka pa rin niya magugustuhan."

Seryoso! Kailangan talaga dito sila mag-usap. Sa pagkakaalam iyong mga ganitong usapan ay dapat sa private na lugar at hindi ganitong naririnig pa ng mismong pinag-uusapan nila.

"Anong dapat kong gawin,Bayaw?" tanong naman ni Rafael.

"Well, ginawa mo naman iyong sinabi kong ihatid at sundo mo siya. Pinag-selos mo narin naman siya, kawawa nga lang si Sarah dahil mukang na-fall din sayo..." Natigil ako sa pag-suot ng t-shirt ko. "Ang magagawa mo na lang ngayon..."

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now