Kabanata 3:

129 73 29
                                    


"Dito ako mag-aaral ng college," sabi ni Rafael saka nito pinulot ang maliit na sanga ng kahoy sa paanan niya.

Magkakatabi kaming apat na naka-upo sa ugat ng matandang puno ng mangga, sa likod ng bahay ng Lolo at Lola nila. Itong puno ng mangga ang isa sa tambayan naming apat. Tanaw mula rito ang malawak na taniman ng mais ng mga magsasaka sa purok namin. Napaka-lamig rin ng hangin dahil sa mayabong na dahon ng mangga.

Katatapos lang naming mag-merienda nang ayain kami ni Rafael na pumunta dito.

"E ikaw Kate, dito ka rin ba mag-aaral?" tanong naman ni Atlas na titig na titig kay Katelyn.

Napalabi naman ako dahil sa paninitig sa kanya ni Atlas. Dapat sa akin lang tumititig si Atlas, Hmmp!

"Hindi pumayag si Papa, tatapusin ko muna ang highschool ko doon." malungkot na sagot nito.

Nakita ko ang pagdaan ng pagkadismaya sa mukha ni Atlas. Maging ako na dismaya rin dahil gusto kong mag-kaka-sama kaming apat. Mas masaya kasi kapag kumpleto kami. Kahit pa naiirita ako minsan kay Rafael dahil gwapong-gwapo ito sa sarili.

Isang taon ang tanda sa amin ni Rafael, magko-kolehiyo na ito sa susunod na pasukan. Kahit isang taon ang tanda nito, hindi namin ito tinatawag na Kuya. Mas isip bata pa kasi ito kesa sa amin, siya lagi ang pasimuno ng mga kalokohan namin. Noong mga panahon na uhugin pa kami at hindi pa uso sa amin ang araw-araw na paliligo.

"Hindi pumayag si Papa noong una na dito mag-kolehiyo si Kuya, kaya lang nagpulit siya,"dagdag ni Katelyn saka ito sumulyap sandali sa akin.

"Palagi kasi'ng ina-alala ni Mama ang Lolo at Lola kaya na isip kong dito na mag-kolehiyo. Para na rin hindi na gaanong mag-alala si Mama," sagot naman ni Rafael.

Pinagmasdan ko naman ang ginuguhit nitong babae sa lupa gamit ang sanga'ng pinulot niya. May ngiti rin sa labi ko. Hindi lang pisikal na anyo nito ang nagbabago. Maging ang pag-iisip nito nag matured na rin.

" 'Tsaka kuripot si Mama, baka kahit kolehiyo na ako singkwenta pesos pa rin ang ipapabaon niya sa akin. Kaya mas mabuting dito ako kina Lola, galante silang magbigay ng baon." tuma-tawang sabi pa nito.

Binabawi ko na yung sinabi kong matured na utak niya!

"Sasabihin ko 'yan kay Mama," si Katelyn.

Mabilis namang itinapon ni Rafael ang hawak niyang sanga ng mangga. Inabot nito ang buhok ng kapatid niya na katabi ko saka niya ito hinila.

Isip bata pa rin talaga.

Napansin ko namang pinulot ni Atlas ang sanga'ng itinapon ni Rafael. Kumunot ang noo ko ng burahin nito ang babaeng iginuhit ni Rafael sa lupa.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Katelyn nang tumayo si Atlas. Hinawakan pa nito ang braso niya

"Uuwi na. Baka hinahanap na ako ni Nanay."

"Ang KJ(Killjoy) mo pa rin talaga. Mamaya kana umuwi, matutulog ka lang din naman sa bahay n'yo," si Rafael.

"E, Anong gagawin natin dito?" Kunot na kunot ang noo nitong tanong.

"Kwentuhan," agap kong sagot ko.

Bumuntong-hininga ito bago bumalik sa pagkaka-upo sa tabi ni Katelyn. Nag-isip naman ako kaagad ng pwede naming mapag-kwentuhan.

"Naalala n'yo 'yong teacher natin sa grade 3 noon," pagsisimula ko.

"Si Miss Bakunana?" si Katelyn.

Tumango ako."Nakita raw ni Kuya Lito noong isang araw may kasamang amerikano."

"Ang sungit-sungit nun palagi pa akong pinapaiwan noon sa klase para mag basa." komento naman ni Rafael.

"Bobo ka daw kasi sa klase niya," si Katelyn na tumatawa kaya nakatanggap ito ng batok kay Rafael.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now