Kabanata 5:

105 59 30
                                    

"Simula bukas dito ka lang sa bahay! Kapag nalaman ni Nanay ang nangyari sayo, sasabihin niya ang pinapabayaan kita." mataas ang tono ng boses ni kuya. "Kinse anyos kana Barista, hindi kana bata para umakyat pa ng mansanitas o ng kahit na anong puno. Sa halip na mag lakwatcha ka, asikasuhin mo na lang iyong garden ng may pagkakitaan ka at may maibili ka ng gusto mo."

"Malapit ng bumalik sa maynila si Katelyn," wala sa sariling sabi ko.

"E , ano? Siya ang pumunta dito kung gusto ka niyang makita. Mabuti ang mga 'yon meron silang kasambahay na gagawa para sa kanila. E, Ikaw? Kung hindi ka kikilos walang mangyayari sayo." Nilampasan ako ni Kuya at pumunta ito ng kusina.

Nakanguso naman akong nakahawak sa pisngi ko at nakatingin sa pinto ng kusina. Nang makita ko ang pasa sa itaas ng pisngi ko at gasgas sa gilid ng kaliwang mata ko, alam ko ng se-sermonan ako ni Kuya pag-uwi niya.

Napaayos ako ng upo nang bumalik si Kuya sa sala.

"Yang mga halaman ni Nanay sa labas tuyo na ang mga lupa. Hindi naman kita ipinagbabawal na mamasyal kaya lang Barista, hindi naman pwedeng araw-araw ka nalang nasa galaan. Matanda kana at dalawa lang tayong nandito. Isipin mo naman kung anong obligasyon o pwede mong gawin para naman makatulong sa akin." pagpapatuloy ng sermon ni Kuya.

Tumango na lang ako bilang sagot habang nakaupo ako. Alam kong naririnig nila Atlas ang panenermon ni Kuya Lito sa akin at iniisip ko kung paano ko siya haharapin bukas.

"Nakikinig kaba, Barista?"

"Nakakabagot naman kasi dito sa bahay Kuya. Isa pa baka merong masabi ang mga kapitbahay kapag kaming apat lang ang nandito." pagrarason ko.

"Basta! Dito ka lang sa bahay. Mag-aral ka, ilang linggo na lang pasukan n'yo na naman. Hindi ka ba nahihiya sa mga grado mong pasang awa. Magko-kolehiyo kang ganun ang grado mo. Kaya sa halip na gumala ka mag-aral ka."

Iniwan na niya ako matapos niya akong sermonan. Masama naman ang loob kong napasandal sa ratan na kinauupuan ko. Hindi naman kasi ganun kalala ang mga sugat ko sa mukha. Pero kung manermon si Kuya Lito, akala mo muntik na akong mamatay saka hindi ko naman ginusto'ng mahulog.

Paano na ngayon sa susunod na linggo babalik na sa maynila si Katelyn. Sa susunod na taon na naman ang balik nito.

Tatayo na sana ako para kausapin si Kuya ng tumunog ang selpon kong de-keypad na nasa bulsa ko. Agad ko iyong kinuha at napangiti ako ng makita ko ang text message ni Atlas.

Babe ko:
Kausapin ko ba ang Kuya mo?

Ako:
Hindi na babe, bukas wala na galit niya.

Babe ko:
K.

Napaismid na lang ako sa reply nito. Minsan napapaisip na lang talaga ako kung bakit ako patay na patay sa lalaking 'to. Marami namang mas gwapo sa kanya tulad na lang ni Rafael. Kaya lang iba talaga ang tama ko sa kanya at hindi naman ang panlabas nitong anyo ang gusto ko sa kanya.

Isa pa ayoko rin naman sa sobrang gwapong lalaki. Habulin ng mga babae ang mga ganung lalake. Ang mahal ko ngang si Atlas habulin na ng babae. Paano pa kung pang out of this world ang kagwapuhan niya, baka hindi ko na siya mabakuran.

Ayos na sa akin ang hindi kagwapuhan basta Atlas ang pangalan.

Nakahiga na ako at malapit ng mabutas ang kisame sa kwarto ko dahil sa tagal kung nakatitig doon. Nang tumunog ang selpon ko sa tabi ng unan ko. Kumunot ang noo ko ng makita ang text ni Rafael na tuldok. Re-reply-an ko sana ito pero tumawag na ito.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now