Kabanata 7:

80 50 0
                                    

"Bah! Nag change closet ka? Ngayon lang kita nakitang nag suot ng sando." puna ni Rafael na naghihintay sa akin sa labas ng bahay.

"Ugok! Straps crop top ang tawag dito, hindi sando." naka-irap kong sagot saka ko ito nilampasan ng maisara ko pinto ng bahay namin

Nasa kalsada na sina Katelyn at Atlas, naghihintay sila ng ma-sasakyan namin papuntang San Jose. Ihahatid kasi namin sa terminal ng bus si Katelyn, babalik na mokasi ito sa maynila. Magsisimula na kasi ang klase sa lunes. At kaya ako nag-ayos ngayon ay dahil magsisimba muna kami bago pumunta sa terminal.

Naka crop-top ako ng itim, high waisted na denim jeans at sneakers. Hinayaan ko namang naka-lugay lang ang lampas balikat kong buhok. Inaamag na kasi ang damit kong ito kaya naisipan kong pumorma ngayong araw. Hindi naman kasi ako mahilig mag-ayos pati itong sneakers ko noong isang taon pang regalo sa akin ni Kuya.

Marami naman akong damit na magmu-mukha akong tao. Hindi ko lang sinusuot ang mga iyon dahil ayokong maglaway sa akin ang mga lalake. Baka mamaya pag-interesan nila akong kidnapin at sapilitan akong ipa-kasal sa mukhang gorilla. Paano na lang ang bebe Atlas ko.

Matamis ang ngiti ko habang palapit kami kina Atlas, nakatitig rin ito sa akin.

"Nakatingin 'yan sa maitim mong kili-kili," bulong ni Rafael sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at i-ni-hambalos ko sa kanya ang slingbag ko.

"Hindi maitim ang kili-kili ko!" Inangat ko malapit sa mukha nito ang kumikinang sa puting kili-kili ko.

Tawang-tawa naman ito at patakbong lumapit sa dalawa.

Busangot ang mukha ko nang makalapit ako. Aambahan ko pa sana ng batok si Rafael nang hawakan naman ni Atlas ang braso ko.

"Para kayong mga bata. Parating na 'yong tricycle," aniya.

Pagdating ng tricycle sumakay na si Atlas, mabilis naman akong tumabi sa kanya. May hilaw namang ngiti sa labi ni Katelyn nang tingnan ko ito. Sila kasi palagi ang magkatabi sa loob ng tricycle ni Atlas. But not today, dahil nagpaganda ako ng bongga para makita ni Atlas kung gaano kaganda ang mapapangasawa niya kapag nag-ayos.

Habang nasa daan nagkwentuhan kami ni Atlas.

"Next month pa mag pa-padala si Nanay ng pambili ko ng bagong bike. Makiki-angas muna ako sa'yo sa lunes."

"Mag tricycle ka na lang," mabilis nitong sagot.

Nakatingin lang ito sa harapan ng tricycle. Ngumuso ako at isinuot ang kamay ko sa braso nito, idinikit ko pa ang mukha ko sa balikat nito. Bumuntong-hininga naman ito.

"Sayang pamasahe. I-ipunin ko na lang para may pang-date tayo." Itinulak nito ang ulo ko palayo sa balikat niya at pinukulan niya ako ng masamang tingin.

"Puro ka kalokohan."

"I'm serious." pang-i-english ko sa kanya at muli ko na namang idinikit ang mukha ko sa balikat niya.

Ni minsan hindi pa kami nakapag-date kaya ngayong taon sisiguruhin kong makakapag-date na kami.

Pagdating namin sa simbahan magkatabi pa rin kami ni Atlas. Tungkol naman sa priority ang sermon ni father.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now