Kabanata 30:

28 23 0
                                    


Bago mananghalian dumating si Kuya Lito, pwedeng magluto sa resort kaya nag-ihaw kami ng tilapia at karne ng baboy. Pwede ring uminom kaya lang minimum ng dalawang bote lang. Uminom nga sila Rafael ng isang boteng gin na nilagyan nila ng C2. Pagkatapos naming mananghalian na tulog sila, inabala ko naman ang sarili ko sa paglangoy habang iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko.

Masaya naman akong kasama si Rafael at Kuya Lito, pero aaminin kong hindi ako lubusang masaya dahil hindi namin kasama si Atlas. Pilit kong itinatanggi sa sarili kong hindi ko siya na mi-miss. Kahit pa malamig ang pakikitungo nito sa akin at madalas niya akong kinokontra sa mga gusto ko. Hinahanap-hanap ko parin siya na mi-miss ko pa rin si Atlas.

Nakaupo ako sa gilid ng pool at nakatingin sa kulay asul na tubig nito. Nakita ko sa tubig ang pag-upo ni Kuya Lito sa tabi ko. May isang oras pa kami bago umuwi, hindi pa kasi pinapayagan ang overnight sa resort dahil bagong bukas palang ito. Ini-lublob rin ni Kuya ang paa niya sa tubig tulad ko.

"Tulog na tulog pa rin 'yong admirer mo, tumutulo pa laway. Isang gin lang pala ang kaya niya," natatawang sabi ni Kuya sa ka niya ako inakbayan.

"E, hindi naman kasi umiinom 'yon," sagot ko.

"Ayaw mo kasi sa lasenggo, e," nakatawa paring sagot nito.

Siniko ko naman si Kuya, ginulo naman nito ang buhok ko.

"May sasabihin ako sayong sikreto," aniya kaya inihilig ko ang ulo ko para tumingin sa mukha niya.

"Sabihin mo na." kako na titig na titig sa kanya.

"May pasok talaga si Rafael ngayon."

Umiling ako at ibinalik ang tingin sa tubig ng pool. "Tss, alam ko, sira ulo ang gago. Feeling highschool ang unggoy na kapag gusto niyang umabsent a-absent na lang siya."

"Nag-alala siya sayo." agap nitong sabi.

Natigil ako sa paglalaro ng tubig gamit ang paa ko. Nag-aalala?

"Ano siya second Nanay ko..Aray! Kailangan bang batukan ako Kuya."

"Mabuti nga batok lang inabot mo. Gusto nga kitang lunurin, e. Ang ayos ng usapan natin mimilosopo ka." Inalis nito ang braso niyang naka-akbay sa akin.

Lumabi ako at humalukipkip "E, Bakit siya mag-aalala? Wala naman akong sakit."

"Ngayon ko napatunayang mapurol talaga utak mo," umiiling na sabi ni Kuya.

"Mapanakit kang kapatid," pa-irap kong sabi.

"Dukutin ko mata mo d'yan, e. Nag-aalala 'yong tao sa nangyayari sa inyong magkakaibigan."

Nanlalaki ang mata kong bumaling kay Kuya. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa nangyari.

"Gulat ka no? Wala kayong maililihim sa akin. Papunta palang kayo nakauwi na ako."

Sinong marites naman ang nagsabi sa kanya.

"Pina-amin ko si Atlas," sabi niya ng makita siguro nito ang pagkalito sa mukha ko.

Hindi ako naka-imik, buong akala ko walang alam si Kuya.

"Hindi ako mag-wawalang kibo na lang kapag alam kong may problema ka. Hindi ikaw ang tinanong ko dahil alam kong hindi ka rin aamin at alam kong si Atlas ang dahilan kung bakit ka umiyak. Kayasa kanya na ako dumiretso."

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now